nahawakan ako

 

Naging parte na ng buhay ko ang blogging. Nung nagsisimula pa lang ako, egaysted ako lagi makita kung may nagcomment ba sa bagong post ko, kung nadagdagan ba ang followers ko at kung may mga bagong posts ba yung mga finafollow kong blogs.

Mula noon, nahilig na akong magbasa ng mga blogs. Hindi ko pinapalampas halos lahat ng mga blogs na nabisita ko na. Pinipilit ko talagang basahin lahat ng blogs kung may update. May mga time na hindi ako nagcocomment kase hindi ko alam yung icocomment ko, pero pramis nabasa ko yung blog ng buong buo. Minsan naman medyo naiilang na ko magcomment kase baka hindi naman basahin yung comment ko. routine na ng pang araw araw na buhay ko ang magbasa ng blogs.

Hindi nio lang alam, may mga kataga kayong binibitawan na tumimo talaga sa akin. Madami, madaming madami… may mga nakapagkiliti ng aking utak. may nakapagpalawak ng aking imahinasyon, may nakapagpabago ng aking pananaw at mayroon ding nakapagpalambot ng aking puso.

Bilang ganti ay susundin ko ang payo ng aking mga magulang, tutuparin ko ang mga alituntunin ng aking paaralan… lol takte. panatang makabayan na pala yon. Pero, bilang patunay na talagang nagbabasa ko ng mga blogs nio. sa sobrang dami kong binabasa, pumili na lang muna ako ng 10 na nakapag pa tango ng ulo ni bulakbolero na gusto ko din namang ibahagi sa iba. Halos lahat naman kase ng mga binabasa ko may quotable quotes pero eto na lang muna yung ilagay ko.

 

Absence makes the heart go fonder… but for me it makes the heart forget –poi

Mabubuhay ako kasama ang mga taong gusto ako at hindi sa mga taong ayaw sa akin. –bien

Siya ang dahilan kung bakit 143 ang favorite number ko –marvin

The most important part of the meet-ups was the thought of building the connection of friendship and putting the puzzle pieces together, from the stories read and the author itself. But the big question is... Who among them will stay and who among them pass by only to say hi and goodbye at the same time? – roanne

happy chicken is the native chicken that roams around in the farm they are free to roam that’s why they are happy, and they are original because they don’t eat feeds they eat grain naturally. –popoy

"Sa una pa lang, maluwag na ang sintas Mitch. Siguro ang napapansin mo lang ay yung mga pagkakataon na natatanggal ito sa pagkakabuhol at inaayos ng iba. Pero di ba, bago ka umalis ng bahay, bago pa niya ito ayusin, ikaw ang unang nagsuot, ikaw na ang unang nagsintas ng iyong sapatos? Kasi kung sa una pa lang inayos mo na hindi mo iisiping madadapa ka kasi alam mong mahigpit ang pagkakatali mo nito, o kung madapa ka man at bumagsak sa lupa, masasaktan ka subalit babangon ka ulit.” –madz

Inaamoy ko ang pages ng mga libro. Pero siempre ginagawa ko sya ng patago. Para syang amoy ng pera, pero imbes na karangyaan, karunungan ang dala. Lalo na pag nasa powerbooks ako, bago ako magbasa, tatago muna ako sa sulok sa shelves pag walang bantay, tapos aamuyin ko yung spine muna, tapos bubuklatin ko sa gitna, tapos aamuyin ko. Hmmmm.... dun ko nalalaman kung gusto ko yung book lalo na pag di pamilyar or di ko alam yung istorya. –jojo

Wishing is dangerously seductive because many think they are doing something like goal setting by wishing.– ahmer

What really turns me on? Kailangan lang niya maging totoo sa kanyang sarili, sa kanyang puso. – karen

In a chess game, the pawns are in the starting lane and the kings are both on the last. A king will be easily checked by a combination of two pieces or more- a queen and a knight, a bishop and two rooks, or whatever- but definitely not on a king-king situation. – Zhurutang on who killed Ferdinand Magelan

 

Sa lahat ng mga binabasa kong blog. Idol ko kayong lahat. Hayaan niyong pasalamantan kayo ni bulakbolero - ang inyong abang lingkod. sa kadahilanan na pagbinabasa ko ang mga sulatin nyo natatats nyo ko. nahahawakan ba-ga. keep on rocking mga idol. \m/

 

piz out~

19 comments:

Toilet Thoughts | April 13, 2011 at 9:56 AM

haha! base!

nahipo naman ako dito. lol. salamat sa pagbasa, akala ko walang nagbabasa sa blog ko. :P

nahiya namn daw ako bigla. haha!

sige na sige na, nasa box na ung danggit mo. :P

ISTAMBAY | April 13, 2011 at 9:57 AM

tulad mo sir, madalas din na hindi ako nakakapagcomment sa ibag post ng bloggers dahil sa hindi ko alam ang icocomment ko tulad nito hehehe...

pero nagpapasalamat din ako sa inyo, sa inyong pagbisita at pagbabasa na aking kwento at ng iba...

muli sir salamat po at ganun din, nahawakan nyo din ako.. :)

Bino | April 13, 2011 at 10:12 AM

ASTIG!!! ang mga katagang binitawan ng mga blogero ay talagang tumimo sa isip at damdamin mo. ayos! :)

Bienthoughts | April 13, 2011 at 10:19 AM

awww, may quotable quote na si Bienthoughts haha. akalain mo yun.

maraming salamat, bulakbolero ka talaga kung saan-saan ka napupunta, kahit sa pinaka-remote at isolated na area tulad ng blogsite ko, haha.

keep on rockin sir! mabuhay ang mga blogista (tama ba yung term?, blogista?). Isang karangalan ang mapasama sa blogroll mo, higit pa, ang mabanggit sa post mong ito. Happy Anniversary! Mwah! :D

hard2getxxx | April 13, 2011 at 10:25 AM

ako din nahilig na din ako sa pagbasa ng blogs. and may times kasi na wala ka maicomment eh sa post ng blogger.

pero ako di kompleto araw ko pag di ko nakakabasa ng blogs

mommy-razz | April 13, 2011 at 10:49 AM

nag recite pa ng 'panatang makabayan'.. haha! same here..:)

Diamond R | April 13, 2011 at 11:28 AM

madalas din akong mahawakan naliligayahan ako pag ganon.walang pinipili basta nasa blog ko.Mga diamante sila sa akin.

akala ko kung ano na ang nahawakan sayo.

Diamond R | April 13, 2011 at 11:31 AM

madalas din akong mahawakan naliligayahan ako pag ganon.walang pinipili basta nasa blog ko.Mga diamante sila sa akin.

akala ko kung ano na ang nahawakan sayo.

nOx | April 13, 2011 at 11:48 AM

isang bonggang-bonggang happy anniversary, bulakbolero!

mwah! :))

~ JaY RuLEZ ~ | April 13, 2011 at 12:17 PM

bago dito ...

hmmm masipag magbloghop si sir??
hehehe



magandang umaga

Akoni | April 13, 2011 at 4:49 PM

ayos, ibig sabihin lagi ka sa bahay ko...happy for that..magaling sir dahil marami kang natutunan dito, ako? iisipin ko pa kung anu-ano nga ba..hehe

JapaneseAdobo | April 13, 2011 at 6:57 PM

its nice to know nahawakan ka ng mga blogs na nabanggit..hehehhe. nice post po

Lakwatsero Ako | April 13, 2011 at 9:03 PM

ako din! natsansingan naman ako. sobra. sagot ko na chicken wings mo bukas! bwahahaha.

Fact: Kaya lakwatsero yung pangalan ng blog ko, kasi naunahan mo na ako sa bulakbolero. Naisip ko, ano ba synomym ng bulakbulero? tanong mo pa kay che.

salamas!

♥superjaid♥ | April 13, 2011 at 10:13 PM

wow naman ang tindi ng memorya mo kuya. =) thank you for sharing..

Ako si Yow | April 14, 2011 at 12:12 AM

WOW. Astiiig. Karamihan nabasa ko na. At nakakainspire nga. Sila naa! Haha. Wala kang mapupulot na ganyan sa akin, wala kaya akong sense. Haha.

Raft3r | April 17, 2011 at 9:44 PM

ayos to, ah!

Ken` | April 17, 2011 at 10:14 PM

dabest yung kay jojo. hehe :) oo masarap talaga mag blog. akala ko nga noong una babae lang ang nagba-blog pero di pala. pabulakbol din dito.

krn | April 30, 2011 at 11:42 AM

nyakk. andun pala name ko. kaya naman you turn me on sir bulakbelorz. dahil totoo kang tao. walang halong bola. pramiz. mas idol yata kita. :)

Zhurutang | May 11, 2011 at 9:25 AM

. . . what flatters me is the thought na meron din palang nagbabasa kahit nung mga natabunan na sa archive mo. ang sarap sa pakiramdam. parang nag-o'orgasmong kalabaw.