basta blogger ako, walang aangal

two + 1

hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip na susuungin ko ang buhay blogista. hindi naman ako talentano para magsulat, tarantado lang. Wala akong mga magagandang idelohiya na pwedeng ibahagi sa mga mambabasa. Ang utak ko walang laman. hungkag!

bago pa man ako magsimula mag blog, may dalawang blog (blog ni jazz at blog ni aldrin) na akong binabasa. Mga 4years ago siguro yon. Naaliw ako sa pagbabasa ng kwento ng buhay nila. Yung isa may pagkacomedy at yung isa naman ay may pagkaseryoso. Magkaiba ng atake pero parehong nakakadala yung mga sinusulat nila.

Bago ko isulat ‘to bumisita ko sa blog nila pero alingawngaw ng katahimikan lang ang aking naabutan. nakakalungkot na hindi na sila active sa blogging ngayon. ang blog nga ni jazz, wala na.

pahabol: meron pa pala akong isang binabasang blog dati. ang blog ni Idol.

 

one

April 12, 2010. unang beses kong sinubukang magsulat sa blogspot. isang taon na ang nakakalipas. isang taon ng paglaboy sa blogospero. hindi ko alam kung isang ganap na blogger na maituturing ang isang katulad ko. Yung tipong bahala na si batman, basta may maisulat lang.

 

two hundred twenty

sa loob ng isang taon na ‘yon. nagkaroon ako ng 220 na followers. sa 220 na yan kunti lang ang matitibay ang sikmura na magpatuloy na magbasa ng blog ko.

sa mga matitibay na sikmurang natira, may mga tropa na dumating at nawala, may mga kararating palang at mayroon namang hanggang ngayon ay nandyan pa din.

 

eighty three

nagkaroon ako ng 83 posts. Sa tamad kong ‘to hindi ko akalain na makakapagsulat ako ng ganyan kadami. Achievement na para sa akin yon.

ang dami kong na-ikwento sa blog ko na hindi ko akalain na masasabi ko. may masaya, may malungkot, may pang politika, pang sports, may isang fiction at madaming walang wenta. Kung matyaga kayo mag backread ni-link ko sila sa lahat sa baba.

 

Eksposyur Lintik na pag-ibig Bastos pala ang pamagat Saan ba ko lulugar? Isang kuto sa blogworld Tanikala Tinamaan ata ako ang labo mo Pakikipagtalastasan ke Ms. Malagu Vente lang si ligaya Kung lahat ng kandidato ay nagsasabing sila ay para sa mahirap, sinong magiging presidente ng mayaman?

Wattalong Weekend Ako si ako. Haitus Need a job? Kapag ang butas hindi madulas, may minamalas Stayl bulok ang huling kabanata Galing at Talino PNB: Proud Nanay's Boy Ang Aral. Bow. Balut@sg Stayl bulok Desaru Today's gonna be a good day

 

Flooding already leh… so what to do? some chinese characters Blogistang bulok 1 is enough 2 is two months Cuti Cuti Melaka Sweet and Spicy Sleepy when wet

kwiki Bahasa 101 Istorya ng Pasaway… Para sa’yo Siete Siete

 

Bawal Magkasakit Made in China (sasali sana ko sa PEBA) Homesick cubao overpass S-O-L-O basta mamayang gabi... mga linyang tumimo ke bulakbolero

 

next destination.... basta blogger, sweet lover. kapalmuks hu me? I’m bored therefore I blog. All I want for Christmas

Bulakbolero @ TokyoTV Older but not Wiser Bulakbolero@sg - ang pagwawakas Update

Isang malaking tenk-yu Hinagpis Blogbolero Nadine Lustre miss na kita malapit na ko umuwe ng pinas, yahoo.... Asa?!

 

i wish i could see her.... Picture speaks louder than words. Get well soon \m/

What if? Si Pedro at Si Juan I’m weird ‘coz I hate goodbyes

Kopi Break atbp. Suko na 'ko Liham Para Sa’yo rosas Balentayms Ang lungkot pala magbyahe ng mag-isa.

 

Random facts about bulakbolero Not Really What the F@#% for official use only Boys don’t cry men do marunong din humirit si bulakbol Ang alamat ng Photography Si Aida o Si Lorna o Si Fe Facebook Hindi Natutulog ang Diyos Nuffnang

 

and still counting…

ngayon, panibagong pagsuong na naman sa buhay blogista. simula ng taon para sa aking blog. hindi ko alam kung ilan pa ang maisusulat ko at hanggang kailan pa ako magsusulat. importante. pag wala ako magawa, pagkailangan ko ng masasabihan, andyan lang ang blog ko. andyan lang kayo.

salamat sa isang taon nating pagsisiping. este pagsasamahan.

 

mahal ko kayong lahat… (basahin ng may accent na pagka-amerikano).

 

ngaps: magkakaroon ng konting pagbabago sa ibang blog posts ko, nasimulan ko na ‘to sa dalawang posts ko. i-eencrypt ko yung ibang posts sa kadahilanang may mga sensitibong bagay na hindi dapat mabasa ng ibang tao. Kung gusto nyo mabasa, imessage nio lang ako (pakifollow si bulakbolerosasg sa twitter). taos puso kong ibibigay ang password basta ba pwede.

 

(ang hirap pala mag lagay ng hyperlink sa 83posts… kakangawit.. ako na!)

19 comments:

Diamond R | April 11, 2011 at 2:33 PM

i follow you kasi nasasakyan ko ang blog mo.YOn lang. dami kayang pag nobel prize na mga blog sa buong mundo bakit ko naman yon pagaaksayahan ng panahon. Ang sa akin kahit nasa loob lang ako ng camp e may nakakausap akong kahit sa ganitong paraan di hayop tao may puso. YOng kakulitan,kabstusan, kapraningan actually it makes me happy.seryoso kasi akong tao kaya di ko kaya ang mga yon pero pinipilit para magkakulay naman ang mundo ko.

ahahaha. parang nagkainterest ako doon sa pag eencrypt.

-=K=- | April 11, 2011 at 2:49 PM

Wow sosyal encrypted na ang ibang mga posts! You have arrived mah mehn! :) Hehe.


Seriously, congrats on your blogversary. Cheers to more years of experiences, life lessons and triumphs that you can share with us through your blog.

The Gasoline Dude | April 11, 2011 at 3:07 PM

Congrats! Sana eh magka-lovelife ka din thru blogging. LOL!

Andy | April 11, 2011 at 4:01 PM

happy FIRST! :)

Santo Santino | April 11, 2011 at 4:05 PM

sino ang nagrereklamo? upakan na natin.

i always enjoy reading your blog. :)

Akoni | April 11, 2011 at 4:20 PM

Happy isang tao...

gusto ko lang malaman mo na isa ako sa mga matitibay ang sikmura sa mga followers mo...hehehe...sana hanggang may isip ka pa, patuloy ka parin magsulat...paabotin hanggang sa gumuho ang mundo..toinks..ahaha..oveerrsss..cheers bolero...follow na kita sa twitter..ingat ka.

Toilet Thoughts | April 11, 2011 at 5:19 PM

adik ka sa pag link ng posts hahaha!

oist! finollow nadin kita sa twitter. lol. bigay mo sakin password ha. :P

ung chili crab ko.

Happy bloggayearsary!

hArTLeSsChiq | April 11, 2011 at 6:40 PM

pacomment naman dito...hahaha o ayan ha start na 'to magiging masipag na ulit ako dito sa bahay mo, ang tiyaga mo kasing maglink ng mga post mo... nabilib ako ng kauntian :))

nga pala, keep on writing or else hindi ko titigilan ang pangungulit sa'yo na magpost ka..hahaha


happy anniv sa blog mo parekoy!

Spiral Prince | April 11, 2011 at 7:07 PM

Happy New Year sa'yo kuya bulakbolero! Ang sipag mong maglagay ng hyperlinks ha! hehehe

Xall Percé | April 11, 2011 at 7:08 PM

Gusto ko yung banner mo! Astiiig!!
Happy blogsary!

charles | April 11, 2011 at 8:51 PM

Congrats! Happy anniversary sa blog!

Isa ako sa mga "may mga kararating palang", and I'm glad I followed you before your blog turned 1. haha. im looking forward to reading more of your sensible posts. :)

Bino | April 11, 2011 at 9:38 PM

happy blogversary :)

♥superjaid♥ | April 12, 2011 at 12:24 AM

wow naman!happy blogversary..=)

Ako si Yow | April 12, 2011 at 4:27 PM

Effort nga. Haha. Ikaw naa! Happy Blog Anniversary. Mahirap maging blogger, maging proud ka at nagstay ka. Ako nga hirap na hirap eh. HAha

Sendo | April 12, 2011 at 10:07 PM

^^ first of all, i like the new theme of your blog, charing! haha. ayan oh! ^^ my type, hindi ikaw, ung blog theme mo! haha

2nd of all, nasisikmura ko talaga blog posts mo, nakakatuwa lang, hindi dahil sa napipilitan ako ha. tamad much lang talaga me. aabangan ko yang mga encrypted texts mo ah! haha. get it going at happy one year anniv sa blogging! ^^ happy blogversary--as they say it! MORE !!! ^^

Raft3r | April 12, 2011 at 11:10 PM

naks
blogger ka na nga talaga
happy birthday sa blog mo
celebrate it by going to sfo
daming tskis don
pramis
hehe

helen | April 25, 2011 at 4:00 PM

nawili ka na sa encrypted posts kaya. hahaha. di pa naman ako follower ng twitter mo. hahaha. mabuhay ka! hahah!

tere | February 2, 2012 at 4:42 PM

Astig!!!! Ipa follow ko to, hehhhehe

tere | February 2, 2012 at 4:42 PM

Astig!!!! Ipa follow ko to, hehhhehe