Ang alamat ng Photography

Field trip. Intramurals. Graduation. Pasko. Birthday. Ilan lang sa mga okasyon na nagdaan na wala akong larawan na kuha sa kamera na pag mamay-ari ng pamilya ko. Lumaki akong walang kamera sa bahay. Sabi ni erpat at ermat, sayang lang ang pera kung ipambibili lang ito ng kamera. Dahil dyan, kahit alam kong masama ang mainggit, nainggit ako sa mga kakilala ko na may kamera. Noon pa man, gusto ko nang kumuha ng mga larawan na nakikita ko sa paligid.

November 2006. Nagkaroon ako ng unang kamera. Canon Powershot A630, galing sa sweldo ko ang pinambili. Unang kamera din yon sa bahay namin. Nung dinala ko yon sa bahay, mas egsayted pa si erpat. Sa kanya nalang daw yon at bili nalang ako ng bago para sa sarili ko. Buti nalang madamot ako, hindi ko binigay sa kanya yon. Magmula noon, laging nasa bulsa ko yung kamera. Kuha lang ako ng kuha ng kung anu anong bagay. Bahala na si batman sa mga shots, yung mga tingin kong panget, delete agad. Blurry kadamihan ng mga shots ko, pasmado kase ako, pero masaya pa din ako kahit ganoon. Dati, mas gusto ko kase yung detalye o yung kahulugan ng larawan kesa kung ano itsura neto. Parang may ibang pakiramdam pag kumukuha ako ng larawan. Portrait at outdoor activities na din ang target ko noon.

Walang anu-ano nasira yung kamera ko. Siguro dahil napagod na din sya. Bihira lang kase sya mapahinga. Dinala ko sya sa canon center kaso yung presyo ng pagawa ay halos kapresyo ng bagong kamera kaya napagdesisyunan ko na bili nalang ako ng bago. Hindi agad ako nakabili ng kapalit nya kahit gustong gusto kong bumili. Madami pa kase akong kelangan ipriority kesa sa kamera.

Nangangati na ang kamay ko. Gusto ko na mapalitan yung kamera ko. Hindi ko na mapigilan. February 2010 noon at malapit na mag IT show. Masusing pagiisip at pagdadasal ang ginawa ko, hindi ko alam kung anong kamera ang bibilhin ko. Uso na daw nun ung mga bulky na kamera. DSLR daw tawag dun. Parang gusto ko nun, sabi ko sa isip ko. Sabi ko kung bibili ako ng kapalit ng kamera ko, yung medyo powerful na. Hindi dahil sa gusto ko maging “Photographer” kundi nakakakita na ko ng mga larawan sa facebook na kuha gamit ang DSLR. Asteeg, napapahanga ako. Sabi ko, malay mo pag nagkaroon ako ng ganon ay kahit paano ay mag improve yung mga kuha ko. May pinsan ako na may DSLR, kaya humingi ako ng opinion sa kanya. Sabi nya, magastos daw to na hobby. Pero matigas ang ulo ko, sabi ko sa kanya, hindi ako gagastos, yung mismong kit lang yung paglalaruan ko. Hindi na ko mag uupgrade, entry level lang talaga. Makabili lang ako masaya na ko.
Dalawang araw pagtapos ng paguusap namin, hindi ko na maintay ang IT show, bumili na ko ng kamera. Nikon D5000, entry level DSLR. Paguwe ko sa bahay, dali dali kong tinesting yung Kamera. Putek! Sira ata yung kamera, itim lang ang laging nakukuha… tinatamad ako magbasa ng manual kaya ginoogle ko nalang sya, ayon pala mali ang timpla. Mula non, pinag-aralan ko ang pagtimpla ng exposure triangle (ISO, aperture at shutter speed). Doon ako unang natuto ng pag gamit ng DSLR.

Heto pala yung mga una kong kuha (first six months using my Nikon D5000):


























Amateur na amateur, blurry, noisy, saturated, under/over exposed pero masaya ako sa bawat kuha ko.


Hindi naman ako nakikipagtalo kung sinu ba talaga yung dapat tawagin na photographer. Sining kasi yan, bakit ba yung mga abstract painter, kahit anung gawin kong ikot sa paintings nila ay hindi ako naliligayahan, pero painter padin yung tawag sa kanila? Kase sining yun. Hindi naman kelangan ng special degree yan tulad ng engineer. Kung kelangan ng lisensya para tawagin kang photographer, sige kayo na. sa inyo nalang yan. =P Mas trip ko pa maging pornographer kesa photographer. Libre boso. Haha.

Nabali ang pangako ko sa pinsan ko, hindi pala ko makokontento sa entry level na kamera. Wla pang isang taon sa kamay ko si Nikon D5000 e pinagpalit ko na agad ke D300s. Ngayon, balak ko bumili ng pocket na point and shoot, balak ko ulet gawin yung ginagawa ko dati na pitk na pitik.

At ang sagot ko dun sa pagbili ng DSLR, lahat may karapatan bumili neto. Kung gawin mo syang bling bling, okay lang yon… pera mo naman yon. Kung mag auto mode ka, e kung dun ka masaya sige lang. kaya nga ginawa yang auto mode. Suportahan taka. Pero sana lang, hindi lagi auto mode, maximize mo din minsan yung functions ng DSLR mo. Enjoy maglaro ng settings.

"Naniniwala ako na kelangan ng mabusising pag-aaral ang paggamit ng DSLR subalit hindi ibig sabihin neto ay hindi na pwede bumili ang mga taong sanay sa automode at gawin itong bling bling"-bulakbolero

27 comments:

The Gasoline Dude | March 19, 2011 at 5:42 PM

Winner! LOL! Ilan na ba tayong me post tungkol sa isyung ito? Hahaha! Schedule na tayo ng photowalk! :))

bulakbolero.sg | March 19, 2011 at 5:44 PM

Alex, ineedit ko pa eh may comment ka agad. lol. halatang skip read.

The Gasoline Dude | March 19, 2011 at 6:01 PM

Hoy binasa ko kaya! Ampf!

bulakbolero.sg | March 19, 2011 at 6:04 PM

panu ko pala bigay sayo yung pic greet namin? sige sked tayu photowalk, san gusto nio?

Lakwatsero Ako | March 19, 2011 at 6:13 PM

ayun oh! 2 weeks in the making oh :P hahaha. Hoist lahat ng kinaiingitan kong shots nagawa m na. Night shot, low light, portrait. enget me

xall percé | March 19, 2011 at 6:16 PM

Nice! I am also planning to buy a DSLR and ang napipisil ko is Nikon D5000. Okay ba siya gamitin?

The Gasoline Dude | March 19, 2011 at 6:17 PM

Gusto ko ng bagong bling-bling. Napatingin ako sa mga brochures ng IT Show kanina. Nyahahahaha! :)) Saan ba maganda mag-photowalk?

Akoni | March 19, 2011 at 6:23 PM

Hindi ako critics ng mga larawan pero sa nakikita ko ang gaganda ng mga kuha mo...lalo na ung may babe..hehe..minsan naisip ko din ang bumili ng kamera D90 un, pero naisip ko nga magastos nga itong Hobby, kaya di ko nalang itinuloy..hehe

Diamond R | March 19, 2011 at 6:55 PM

gusto ko talagang bumili ng ganyan lalo na pagnakakakita ako ng mga ganitong kuha.Saan ba dapat magumpisa kasi iba iba ang presyo.
kung saan ka happy bakit ba hindi kaya nga nagtratrabaho.

bulakbolero.sg | March 19, 2011 at 6:59 PM

Jojo. haha. bagong lipat kase ko hinanap ko pa kung asan yung hard disk ko na pinagsesave-an ng pics. tara photoshoot na tayo! sayang yung mga camera natin baka maging bling bling lang. lolz.

Xall. Salamat. Pre, okay yung D5000 sa entry level. Lahat ng kuha sa taas gamit yung D5000 ko, kung pasado sayo, pede ka mag D5000. pero kung may budget ka, yung D90 na bilhin mo.

Alex. ako din eh, mula nung nag model shoot ako nung sunday, para gusto ko na naman magbili ng mga gamit pang photog, tulad ng flash at lente. wala pa kong flash, eto gusto ko pag ipunan.

Akoni. Salamat naman at nagustuhan mo yung babae este yung mga kuha ko. magastos nga sya ser. pero okay naman din yung D90 kahit kit lens, panalo na yon. pag di ka naman mahilig mag upgrade, pede na D90 forever. tipid na. hehe.

bulakbolero.sg | March 19, 2011 at 7:01 PM

Rommel. kung gusto mo, bili na. mapapayo ko sayo Nikon D90 ayus sya. kase nasa middle na sya. pedeng pang newbie tapos pang simula na din sa pro level. Kung canon, wala akong idea.

xall percé | March 19, 2011 at 7:22 PM

Last questions, is D3100 okay? Or D5000 pa rin? D7000 is too pricey for me. hehe

Jepoy | March 19, 2011 at 9:40 PM

Astig ng kuha! Bibili na ko ng camera yung point and shoot na malupet muna hihihi. Kayo na!

rambling and raves of some sweet nothings | March 20, 2011 at 10:53 AM

ganda naman ng mga pictures. sana makakuha ako ng ganyang kaganda, sabi mo nga sa kumukuha lang yoon , hndi sa camera

mommy-razz | March 20, 2011 at 11:33 AM

nkaka relax tingnan.. yong san miguel beer bottle lang hndi ko typ jan, hahaha!

Bino | March 20, 2011 at 11:44 AM

nahihiya tuloy ako'ng maglabas ng mga photos gamit ang dslr ko hehehe. pero syempre beginner nga eh. so carry lang. nice post ah.

T.R.Aurelius | March 20, 2011 at 1:17 PM

nakakainggit, ako rin gusto ko magkaroon ng sarili kong camera, care to donate?? hehehe

:D

Raft3r | March 20, 2011 at 4:03 PM

they are great photos, if you ask me
=)

Andy | March 20, 2011 at 10:08 PM

naks! galing galing naman!

gusto ko yung kuha mo sa avenue na long exposure. :)

Ako si Yow | March 21, 2011 at 1:15 AM

Amateur pa ba yun? Masaya na nga ako sa kuha na ganun eh. Haha. Ang ganda na kaya. Kapag nakadali ako ng ganun, naipagmalaki ko na. Hahaha. Wala akong SLR at pangarap ko magkaganyan. Nasa process pa lang ako ng pagmamakaawa na bilan ako. Pero may ganyan ang mga kaibigan ko at bilang dakilang mapagkamkam, ako ang humahawak at gumagalaw ng settings kasi di nila ginagamit masyado at di daw marunong. Ayun, naishare ko lang. HAHA. Walang kwenta ang sinabi ko. May maikwento lang. Haha

Axl Powerhouse Production Inc, | March 21, 2011 at 8:19 AM

ang lupit naman pala ang alamat ng photography mo eh... at dahil diyan sobrang galing mong kumuha... lupit :D
ang ganda ng kuha mo sa mother and child... so cute :D

MiDniGHt DriVer | March 21, 2011 at 10:56 AM

Galing!

Fifi | March 21, 2011 at 12:37 PM

ooh! pwede ka na ngang maging photographer. perfect ang details and i like the hue and saturation. sana makakuha ka rin ng mga pics in motion, mas masaya yun. hehehe. parang gusto ko tuloy mag model. LOL. joke lang

bulakbolero.sg | March 21, 2011 at 1:33 PM

papi. bili na at makapagphotoshoot na tayo.

che. salamat. kelan tayu magphotoshoot?

mommy. tenks. ayus lang yun kahit inde mo type lahat. ang mahalaga ay importante. lolz.

Bino. walang dapat ikahiya. ako den ay beginner at lahat nagsisimula dyan. hindi ka matututo hanggang walang nagcricritic sa gawa mo. kelangan mo itong ilabas at humanap ng opinion ng iba.

TR. bili na. lahat ng gusto ng tao, pwedeng pagipunan. di nga lang natin alam kung kelan matatapos ang madugong pagiipon. hehe

Rafter. salamat pre.

Andy. salamat. madami kase ditong pedeng kunan sa sg na landscape kaya yan yung mga pic ko. balita ko bawal daw basta basta kumuha sa makati.

Yow. yep amateur. 1year and 1 month palang ako sa photography. at madalas di na ko natututo kung ano mali ko nung una, ganun padin mali ko hanggang ngayon.

Axl. salamat tsong. medyo trip ko kase yung portrait kaya siguro naging oks yung kuha dyan sa mag-ina.

Midnight. salamat.

Fifi. anu ba yung hue at saturation? lol. salamat sa papuri. sige gawin kita model. pede ba? hehe.

Pong | March 22, 2011 at 4:35 PM

Ikaw na ang photographist!
xD

ang galing lang nung unang shot!
hindi yung beer! xD

pusang kalye | March 24, 2011 at 9:36 AM

open nikon, open happiness diba? narealize ko na pareho tayo ng naramdaman --yung eagerness to have a camera. dilang eagerness--parang need. kasi we were deprived of that particular aspect nung bata pa tayo. normal lang yun. ingget na ingget din ako sa mga taong may camera nuo...and now I know how it feels like having one and taking good pictures from it. ang impt. enjoy ka sa ginagawa mo.anu paman yan.

J. Kulisap | May 30, 2011 at 5:14 PM

Magaling din ang haplos ng iyong mga kamay.

Haplos talaga.