Hindi Natutulog ang Diyos

Lahat tayo may mga kahilingan. Sa tingin ko, kahit yaong pinakamatigas na tao sa mundo, yung tipong walang pakealam at walang konsensya; sa kanyang sariling paraan humihingi pa rin sya ng tulong sa Taas.

Sabi nila, ang Diyos daw ay nagsasalita sa atin sa hindi natin inaasahang pagkakataon. Parang kidlat daw ‘to. Hindi mo alam kung kailan dadating at saan ito tatama.

Ang Diyos daw, hindi natutulog. Lagi daw nito dinidinig ang ating dasal. Hindi lang natin ito napapansin madalas kase busy tayo sa ibang bagay.


Ngayon, may tatlong personal na kahilingan ako sa Kanya.

Una. Kalusugan ng aking mga mahal sa buhay

Pangalawa. Bagong trabaho

Ikatlo. Sana sya na


Marunong ang Diyos.  Alam nya kung kailan Nya ibibigay ang mga bagay bagay. Sa tamang lugar, tamang pangyayari at tamang paraan. Hindi nya hahayaan na hindi natin kakayanin yung mga pagsubok na ibinibigay Nya.

Napapabanal ako ah. Yaan na… minsan minsan lang.

Bakit nga ba? Dahil kanina lang, nakaresib ako ng email sa aking yahoo account. Ang titulo ng email ay “Why God sends rain to Mexico but not to Middle East?” 

Talagang sadyang mabait ang Diyos. 

Ang mga larawan na ang sasagot ng katanungan.



Credit to the owner of the photos.

17 comments:

Lakwatsero Ako | March 11, 2011 at 2:47 PM

para san nga pala weather report sa mideast kung isa lang naman ang klima? 0_0

Axl Powerhouse Production Inc, | March 11, 2011 at 2:48 PM

whaha ang kulit... ganda ng chikas ha.. oo nga naman pala san ba yung weather eh iisa lang naman,, sabagay iba pa rin ung alam mo di ba. malay natin biglang may bumuhos na ulan.. lols.

mommy-razz | March 11, 2011 at 3:34 PM

nakita ko yang link n yan s fb..pero hangang ngyn loading pa ako kong bkit yan ang title niyan.. “Why God sends rain to Mexico but not to Middle East?"

hArTLeSsChiq | March 11, 2011 at 3:36 PM

wahahaha kasi naman si atiiii kung makapagdamit... inulan tuloy...basa! LOL

ISTAMBAY | March 11, 2011 at 4:17 PM

handa ang middle east na mabasa eh hahaha.. sa mexico naman ang sarap ngang magpaulan... hahaha...

comment base dun sa kahilingan sa Diyos.. Ang paghiling natins sa Kanya eh parang pagbuo natin din ng pangarap, sinasamahan ng determinasyon para ito ay mangyari o matupad.. :)

Diamond R | March 11, 2011 at 6:02 PM

ikinahiya ng browser ko di mag uplaod ang last two pictures bakit kaya.
next time mas maganda kung nasa labas ang mga ate sa gitna ng ulan nag rereport basang basa sa ulan.sabay kidlat.

goyo | March 11, 2011 at 6:18 PM

HAHA! chicks kasi ang nagbabalita sa Mexico. Kaya naman pala.

Sa pang-apat na dasal mo, isama natin ang Japan na nasa ilalim ng isang kalamidad ngayon. Lumindol at nagka-Tsunami. Ganun na din ang iba pang bansa na nababalot ng gulo at posibleng tamaan ng Tsunami. Pati ang Pilipinas ay pinapangambahan na tatamaan. Let us all pray for the whole world. Good day bro!

mots | March 11, 2011 at 7:41 PM

panalo yung last part. :D

---

sa tamang panahon, ibibigay niya ang mga hinihiling mo.

Unni | March 11, 2011 at 8:47 PM

hahaha kasi sa mexico ang sexy ng mga nagwweather forecast,,,natawa ako dun sa middle east hahaha

teka Ikatlo. Sana sya na..naks naks ikaw na ahihihi

Bino | March 11, 2011 at 10:53 PM

now i know kung bakit hehehehe

Pinoy Adventurista | March 12, 2011 at 8:15 AM

Wahhhhhh!!! panalo!!!!

LordCM | March 12, 2011 at 9:15 AM

hahaha, kaya pala...maski dito sa amin walang weather forecast, walang manunuod sigurado lollzz

che | March 12, 2011 at 12:40 PM

hey dropping by. kaya pala lagi isa mexico..lol

che | March 12, 2011 at 12:40 PM

hey dropping by. kaya pala lagi isa mexico..lol

che | March 12, 2011 at 12:40 PM

hey dropping by. kaya pala lagi isa mexico..lol

Sendo | March 12, 2011 at 1:31 PM

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Raft3r | March 13, 2011 at 9:02 AM

nyahaha
those women are H-O-T!