Random facts about bulakbolero

Marahil kung isa kayo sa dalawang masugid na taga subabay ko sa blog ko, ay medyo alam nio na kung sinu ba ako. Pero dahil uso ang random facts about you sa kung san sang site, ay gagayahin ko na din sila. Bilang inggetero lang. simulan ko na:

pakipindot ang *** at ilagay ang password para maview ang mga encrypted text.

 

1. Kinder ako, kala ko gf ko yung kaklase kong babae na maganda kaya hinalikan ko sya. Tuloy pag pinagsasagot ako ng slumbook dati, di blanko yung who is your first kiss.

2. Bata palang ako mahilig na ko mang-away ng titser. Naalala ko inaway ko yung PE titser ko dahil ang kupal nya. namimilit sya bumili ng NBA cards, e panget naman yung mga players na binebenta nya kaya hindi ako bumili. Dahil sa takot kong bumagsak sa subject nya, kinabisado ko ang history ng basketball.

3. Nung nagaaral ako, pinaka ayaw ko na subject ang english at math naman ang paborito ko.

4. Naging favorite ko din ang chemistry at nachallenge ako sa pag balance ng electron.

5. Ilang beses ako nawalan ng wallet nung bata ako. buti nalang bilang pobre. laging walang laman yung wallet na nawawala.

6. Nakakaubos ako ng isang latang sardinas at hindi ko alam kung ilang gatang na kanin nung bata ako pag iniiwan ako sa bahay magisa.

7. Ayaw ko ng pagkain na may curry at may gata. Sa tingin ko eh nasa isip ko lang yon, kase naging paborito ko dati yung bikol express pero nung nalaman ko na may gata eto ay hindi ko na kinain.

8. Grade 4 ata ako natuto uminom. subrang payat ko kase dati. may nakapagsabi sakin na pampapataba daw ang pag inom ng alak at naniwala naman ako. sa tingin ko naman e epektib.

9. Hanggang ngayon, nalilito ako sa kanan at kaliwa. Ang palatandaan ko lang ng kaliwa ay yung bakuna sa braso ko. pag may bakuna ay kaliwa at yung kabilang side na walang bakuna ay kanan.

10. FHM collector ako dati. lahat ng issue ay kinukulect ko kahit yung mga special edition. natigil ito nung nangibang bansa ako.

11. Halos dalawa lang ang kulay ng damit ko, kundi itim ay pula.

12. Nag ECE ako hindi dahil gusto ko ang course na to, nag ECE ako dahil gusto kong magyabang dati sa mga tropa ko na kaya ko makapasok sa quota course na ECE.

13. Nag enjoy ako sa pagiging college dahil may kotse ang tropa ko at lagi kaming nagroroad trip kung kelan maisipan.

14. Nakapasa ako sa thesis kahit hindi ako umattend ng defense namin. kapalit ang *** sa panel namin na bading.

15. Nag-OJT ako sa abs-cbn bilang audio man. Dahil sa pagtayo tayo ko dun hawak ang aking test mic test mic 123. nadiscover ako bilang extra sa isang palabas. Yung tipong lalakad ka sa screen at magpapanggap na doctor.

16. Sabi ko after grade 6, hindi na ko iiyak kahit kailan. Pero napaiyak ako ilang ulet ng isang babae dahil sa magulo naming relasyon 3-4 years ago. Ganoon ako magmahal.

17. Dakilang torpe ako. madalas e nanliligaw ako sa di formal na paraan.

18. Nung bata-bata pa ako, mahilig ako umihi habang naglalakad. one time habang ginagawa ko ang routine na to (2nd year HS na ata ako neto). di ko namalayan na may handaan pala sa kapitbahay. wtf…  ako na ang sikat.

19. Hindi ako mahilig manood ng sine. lagi akong nakakatulog sa unang part palang ng palabas. Kaya medyo boring akong tao.

20. Dahil matakaw ako, gusto ko matuto magluto pero laging pumapalpak pag nagtatry ako.

21. Sanay ako maglakad lakad sa bahay ng walang saplot o di kaya ay boxers/briefs lang pag walang tao sa bahay. tinatamad kase ko magdamit lalo na pag bagong gising o bagong dating galing eskwela o opisina.

22. Pinapaligo ko ang pabango. Gusto ko na lagi akong amoy artista.

23. Hindi ako sanay na nasa bahay buong araw at nagkokompyuter lang lalo na pag weekends. Kailangan ko lagi gumala at magbulakbol.

24. Dati, nung kabataan ko mahilig ako mag ***. lol

25. Sobrang tamad ko. lalo na sa paglalaba, pagsampay ng damit, pagkuha ng sampay, pamamalantya. at kung anu ano pang gawaing bahay na kelangang gawin ng isang OFW.

26. Ngayong month ko lang naappreciate ang music. Hindi ko nilalagyan ng mp3s ang telepono ko dati.

27. Ganito na ko katanda.

 

eto na muna. sobrang dami ko naiisip pero baka tamarin na kayo magbasa. tingnan ko kung magkakapart two to. salamat sa pagbabasa.

35 comments:

Diamond R | March 29, 2011 at 12:11 PM

nakarelate ako doon sa left and right(buti na lang di ako nagiisa).at nakakatamad pero kailangang gawin ng isang OFW. Wow! nag extra bilang doktor (gusto ko ring maranasan) at naliligo sa pabango parang si Aga Mulach lang.At ang pamatay sa lahat ang pumasa sa Thesis kahit absent sa defense.At bakit ka naman umabsent anong nangyari sayo?

Akoni | March 29, 2011 at 12:56 PM

hanglandi mo, kinder palang..haha
shocked ako sa number 4..OMG!!!
apir tayo sa number 3, paborito ko ang math dahil hindi na kailangan magsulat at magdala ng notebook, kapirasong papel, ayos na..haha

ellehciren | March 29, 2011 at 1:02 PM

relate much sa left and right!

charles | March 29, 2011 at 1:28 PM

dun sa left and right, ako dati hinahanap ko muna 'yung araw, maliligaw ako 'pag maulap. haha

naiihi habang naglalakad? pwede pala yun. haha

KristiaMaldita | March 29, 2011 at 4:04 PM

add lang kita... dpa ko nagkakapag update ng Blog ko but I'll just add you up! thanks! :D

The Gasoline Dude | March 29, 2011 at 4:18 PM

Ewan ko pero natawa ako sa Number 15. LOLOLOL! At talagang hindi ka nagpalit ng password ah! LOL!

"Twisting the Night Away" by Sam Cooke pala 'yung kanta sa picgreets. Kasama sa soundtrack ng The Green Hornet. :)

Raft3r | March 29, 2011 at 6:10 PM

28. Nagpa-book na ako ng flight papuntang SFO.

mommy-razz | March 29, 2011 at 7:53 PM

super aga na-inlove ah, haha! grabi! at super aga natotong uminom.. natawa ako sa 9 ikaw talaga.

Bino | March 29, 2011 at 9:47 PM

ikaw na ang maraming pabango! pinaliligo lang eh heheheh joke :D

KikomaxXx | March 29, 2011 at 11:58 PM

bday mo ba.. 27 ka na ba ngayon? hehehe

Whatta Queso | March 30, 2011 at 6:37 AM

nakajackpot na kaagad noong kinder.hehehe.. ano kaya reaksyon ng kapitbahay mo ng makita kang nglalakad habang jumijingel. :P

saM | March 30, 2011 at 8:38 AM

ayus ung 18 ah hehehe. mag 8 pa lang non nakita kita baka papunta ka earth thingie. pakalat kalat kasi litrato mo e yan sikat na ikaw nyehehehe.

saM | March 30, 2011 at 10:15 AM

ewan ko black? e sabi mo kasi lagi ka nakablack hehehe me sling bag ka? me kasama ka din non. basta ikaw yun m syur! hehehe

saM | March 30, 2011 at 10:21 AM

oo naman! ;)

saM | March 30, 2011 at 10:24 AM
This comment has been removed by the author.
saM | March 30, 2011 at 10:31 AM

nakuha mo ba? saka ndi ako napilitan sa sagot ko :p

Palomah | March 30, 2011 at 4:34 PM

natatawa ako sa mga naging kalokohan mo nung ika'y bata pa, sabagay kanya kanya trip talaga yan... hahaha! in fairness parehas tayo sa number 4...

titSEr dArwiN | March 30, 2011 at 10:40 PM

hehe... though ive seen a lot of works like this, random moments so to speak, but still i never get tired of reading it...may kiliti kasing halo--and i can relate in some respect... it really is fun to read...

Sendo | March 31, 2011 at 2:00 AM

cause and effect
evaluation

dahil sa number 6 kaya may number 9
dahil sa number 8 kaya may number 18

at kulang ka sa gata kaya tulog ka ng tulog sa sine

hay naku nabasa ko na sa wakas...FYI, ikaw lang binisita kong blog today, ganun ka ka spesyal...charing bwahahaha

Toilet Thoughts | April 1, 2011 at 9:25 AM

ang nerd ng number 4. haha! pero ganun din nmn ako nung highschool. haha!

27. mas matanda pa ata ako pala sayo. haha.

Will | April 1, 2011 at 4:19 PM

Gusto ko tuloy ulit gumawa ng ganito. Masaya e.

yelai | April 2, 2011 at 7:03 AM

hindi ko alam ang password haha!

Chyng | April 5, 2011 at 2:22 PM

all this time, ang alam ko lang ay Amoy Gwapo.
meron palang Amoy Artista! hehe depende sinong artista yan. si derek o si doplhy? =)

hard2getxxx | April 5, 2011 at 2:44 PM

pareho tayo sa 7 & 9.. anyway pwede makadownload ng FHM philippines ng libre coz I do it all the time hahahaha di ako bumibili im just downloading it

jedpogi | April 5, 2011 at 9:39 PM

kalabaw lang ang tumatanda tol!

shenanigans | April 5, 2011 at 11:06 PM

waaaa! ang daya! anu yung password? haha!

glentot | April 7, 2011 at 4:11 AM

Ang daming revealing facts!!!! Hahaha nagbenta ka ng katawan para sa thesis??? Niiice sana pwede rin ganun sa amin hahaha hind na sana ako nahirapan mag-defend (asa)...

Anong palabas yung lumabas kang doktor???

LordCM | April 7, 2011 at 8:17 AM

nag ECE din ako 2 years kasi di umabot NSAT ko sa CompSci, masaya sana kaso di ko talaga linya kaya lipat ng skul :D

Gusto mo bang manalo ng $25?

khantotantra | April 7, 2011 at 10:03 AM

ano ang *** sa mga ***? hahahah

naks naman, naging extra ka sa show? natatandaan mo pa kung ano?

saya naman college life mo, roadtrippings

bloggingpuyat | April 7, 2011 at 11:06 AM

uso pala ang random facts. makagawa nga rin. hehe..

nakakatawang balikan ang kabataan :)

Lakwatsero Ako | April 8, 2011 at 12:09 AM

ah basta ako, kung ano yung pinang jajakol ko, kanan.

Yung hindi Kaliwa.

easy.

hahaha

RICO DE BUCO | April 8, 2011 at 1:22 AM

hindi ko alam un password hahaha..wow 27 ka na kuya !!! at andaming facts ha ehehehe

krn | April 8, 2011 at 6:10 PM

ang daming nakakatuwang facts at i am sure ang mga facts na yan ang dahilan kung bakit maraming nagmamahal sayo kuya. hehehe! ngayon na lang ulit nakadalaw dahil sinubukan ko mamatay muna sandali. haha. bago na pala ang layout. super like it!

J. Kulisap | July 14, 2011 at 12:28 PM

Ayon sa aking obserbasyon.

Matalino ka. Hindi ko alam kung nasa genes o na-improve ito dahil ginusto mo.

anyway, hindi ko kaya yatang gumawa ng About Me sa blogsphere.

Siguro kaya ko, kaya lang parang hindi bagay na may ganun ako sa blog ko. Feeling ko lang.

EngrMoks | July 21, 2011 at 4:59 PM

Ngayon ko lang nabasa to... mula sa latest post mo. Sensya naman.
Natawa ako dito, seryoso? LOL
"Pinapaligo ko ang pabango. Gusto ko na lagi akong amoy artista."
At lintek na boxer/brief yan, gawain yan ng lalaking walang kasama sa bahay, norm,al yan wag ka mag-alala! Lol ulit.