What the F@#%

Usapang kubeta tayo. May tatlong cubicle sa CR ng lalaki dito sa opisina.

Last week napansin ko na nasira yung cover ng dispenser ng tissue sa gitnang cubicle. sabi ko, pootek… gaano ba kalakas humila ng tissue yung nakasira neto. kung taeng tae ka na, mas may dahilan para magmadale. pero kung tapos ka na tumae at kukunin mo nalang yung tissue, pede naman hinay hinay lang. dahan dahan mong hihilahin yung tissue. dahan dahan mong iikot sa kamay mo. dahan dahan mong ihahaplos sa puwet mong may tae. at hahagurin ito hanggang malinis ng todo.

Okay. wala naman talaga kong pakealam kung masira man yan o ano. Hindi rin naman ako tumatae sa ofis, kase di ako sanay at ayaw ko na tissue lang ang panlinis ng puwet ko.

IMG_0454

 

Pero kahapon lang, nakita ko na ang pangatlong cubicle natanggal ang cover ng kubeta. takte. siguro sa taeng tae na pwersahan nya na binuksan ang kubeta.

IMG_0452

 

Gaano ba kaagresibo ang mga tao dito sa pag gamit ng kubeta?Parang unti unting nasisira lahat ng mga bagay bagay sa CR. Ano kaya ang masisira sa unang cubicle? Iniisip ko baka mayupi yung kubeta, kaso kelangan kasing bigat ka ng hippotamus bago mo mayupi at mawasak yung kubeta. Unless masyadong explosive yung inilabas mo at kusa syang sumabog. what the f@#%…

17 comments:

jedpogi | March 25, 2011 at 9:44 AM

Yan yung tinatawag na walang pakialam kasi hindi naman sa kanila.... mga taong walang concern basta ang mahalaga makagamit lang d ba tol!

hArTLeSsChiq | March 25, 2011 at 9:50 AM

grabe naman makagamit ng cr yan...tsk tsk palibhasa hindi kanya..

Bino | March 25, 2011 at 11:08 AM

ang lalakas naman ng mga tao dyan sa opis nyo :D

mommy-razz | March 25, 2011 at 1:22 PM

mga careless ang gumagamit niyan.. peace sa hindi careless hehe!

Neneng Kilabot | March 25, 2011 at 1:27 PM

" siguro sa taeng tae na pwersahan nya na binuksan ang kubeta."

natawa naman ko jan.. haha.. parang naiimagine ko na kung ano ang mga ngyre.. hahaha

Arjee | March 25, 2011 at 2:50 PM

grabe naman officemates mo.. kaya nga ako di ako gumagamit ng public toilets eh... madaming issues mga kubeta,,, lol


napadaan lang,.,.

ISTAMBAY | March 25, 2011 at 3:28 PM

baka nga hindi na nakayanan ng cover ang radiation sir hehehe...

may ganyan ugali ang tao, kapag hindi nila sariling gamit eh walang pakialam ke masira man ito...

magandang araw sir

Akoni | March 25, 2011 at 3:29 PM

hahahha....baka dyan tumatae si Incredible hulk kapag taeng tae...hahaha

bulakbolero.sg | March 25, 2011 at 3:42 PM

jedpogi. may mga ganyang tao nga. pero di ba nila naisip na baka gamitin din nila to sa pang hinaharap. tapos nasira na nila.

muse. yep pagkakita ko nga napaisip ako panu nya nasira yon.

bino. mga elepante ata gumagamit ng cr namin.

mommyrazz. yep mga careless nga.

neneng. pag punta mo dito mababadtrip ka kase sira sira yung gamit.

arjee. salamat sa pagdaan.

istambay. magandang araw din. pero dapat di sila ganun panu kung gamit naman nila ung ginawan ng ganun ng iba.

akoni. haha. malamang nga.

Diamond R | March 25, 2011 at 4:06 PM

Natawa naman ako sa mga napansin mo sa opisina.baka sa susunod yong pintuan naman dala ng sama ng loob. dito sa amin common na yan yon nga lang mas matindi ang mga sinisira nila mga equimpment, sasakyan at kung ano ano pa. dahil sa galit.Wala kasing mga pakiaalam.

Andy | March 25, 2011 at 7:05 PM

nagji-gym ba ng puwet ang mga tao dyan at ganyan na lang kung makasira ng kubeta? hehehe

Lakwatsero Ako | March 25, 2011 at 10:07 PM

nyay, naunahan mo ko mag post ng kwento kubeta :(

ipag paliban ko muna ng 1 month!

Spiral Prince | March 25, 2011 at 10:12 PM

baka ganoon ka urgent ang emergency nila :)

Mr. G | March 26, 2011 at 12:02 AM

grabe naman yan!

RICO DE BUCO | March 26, 2011 at 1:30 AM

hahaha naku sobra naman yan..bka naman may lahing incredible hulk ung mga tao sa opisina ninyo hahaha

Me | March 27, 2011 at 10:04 AM

Baka may something fishy lol

Raft3r | March 29, 2011 at 6:12 PM

hind siguro pinoy may gawa nyan
baka lahing ______.
hehe