Facebook

Masasabi natin sa panahon na ‘to na isa ang facebook sa pinaka popular na site sa internet. Walang duda yan. Nagawa kase ng facebook na ilagay halos lahat ng features na kelangan ng isang tao na hinahanap nya sa website na kanyang pupuntahan. May chat, may games, upload ng photos at marami pang iba. All in one social networking site kumbaga.



4months na kong walang facebook account pero hanggang ngayon tinatanong pa din ako kung bakit ko dineactivate ito. Umabot din kase ng mahigit isang taon na umikot ang aking mundo sa facebook. Naging adik din ako sa paglalaro ng mafia wars. Nagtayo pa nga ako ng community ng mga pinoy na tinawag naming MAFIA WARS – Philippines. Ako ang founder neto at nagkaroon ako ng mga admins. Bago nga ako magdeactivate ng account, ilang libo na din ang members nya at nagkaroon na sila ng mga EB. Pero ako wala akong sinamahan EB kahit isa.



Bakit nga ba tinanggal ko ang account ko?



1. Madamot akong tao. Ayaw ko na may tumitingin ng account ko na hindi ko alam.

2. Ayaw ko ng may nag gragrab ng litrato ko ng walang paalam.

3. Hindi lahat ng larawan na tinatag sa akin ay gusto kong mapost sa facebook page ko.

4. Nababad3p ako paminsan pag kinakamusta yung nangyari sa buhay ko nung weekend, holiday etc dahil nakita sa facebook page ko yung mga update.

5. Ayaw ko mag accept sa facebook ng di ko talaga kilala pero nahihiya naman akong tanggihan pag may invites na.

6. Ayaw ko maging updated yung mga kaopisina ko sa nangyayari sa buhay ko at dahil hindi ko naman sila matanggihan pag ininvite nila ako maging friend, wala na kong magagawa.

7. Ayaw ko makabasa ng mga status tungkol sa kayabangan.

8. Ayaw ko din makabasa ng tsismis pero walang kang choice lalabas nalang yan sa wall mo ng di mo mapipigilan dahil sa update ng mga kaibigan mo.



Alam ko mga simpleng bagay lang talaga yung mga dahilan ko kung bakit dineactivate ko yung account ko, kumpara sa mabuting nadudulot neto. Katulad ng:



1. Makikita mo yung mga tropa mo na matagal mo ng hindi nakakausap at nakikita.

2. Madali magbigay ng picture kesa iemail mo.

3. Madaling makausap ang pamilya.

4. Wala na kong maisip… LOL.





Pero dahil madami nga akong ayaw na bagay, na pwede nio naman sabihin na pede mo irestrict yung account mo, add mo lang yung mga kilala mo, etc etc dineactivate ko nalang facebook ko. Para wala na din akong reklamo.

16 comments:

Axl Powerhouse Production Inc, | March 14, 2011 at 2:41 PM

nakakainis yung mga ganun yung itatag ka sa mga pics na di mo naman gusto tapos may mga kung anu anu pang tagged sayo.

mommy-razz | March 14, 2011 at 2:53 PM

di ko yata kayang tanggalin fb account ko...hehe! believe ako sau kasi nakaya mo.. pwd mo naman controlin account mo eh, customize mo lang.. nway, kong saan ka masaya, GO!

Sendo | March 14, 2011 at 3:04 PM

in my command, reactivate your account! echos haha....skeri ka! mafia ka pala...hahaha ^^ sige lang yan, kanya-kanya lang naman yan eh ^^

MOKS™ | March 14, 2011 at 3:16 PM

Ako pare gusto ko din deactivate ang FB ko dati, kaso naadik ako sa mga games ngayon..kaya gumawa na lang ako ng isang account, one for personal at yung dati ko sa games.

LordCM | March 14, 2011 at 3:51 PM

baka naman pre nasa friendster ka lang :D

Akoni | March 14, 2011 at 4:54 PM

Gusto ko ung huling reason..ung number 4..haha

minsan din ako sobrang naging addict sa FB noon, pero ngayon ang FB ko ay parang pinagsawaan na panty nalang, hindi ko na kinikibo..hehe..bihirang bihira.

Diamond R | March 14, 2011 at 5:57 PM

mukhang malapit ko nag gawin yan.though di ko pa nagagawa kasi pinupuntahan ko pa rin naman ito to check what is happening sa mga friends of friends and friends of friends.

pero bihira na mag update.

di ko rin type yong mga tagging of photos.parang public property ka na.

GNOP | March 14, 2011 at 8:11 PM

2x na akong nagdeactivate ng FB account, sa halos magkatulad na rason na binigay mo sir, kaso ni-activate ko ulit dahil sa Elem at HS Reunion namin this year.

be blessed!

Pinoy Adventurista | March 14, 2011 at 10:03 PM

ni-try ko na din mag deactivate ng account pag asar ako sa life ko... hahaha!!! pag ok nako, back sa pag FB na ulit... hahaha!!!

Jepoy | March 14, 2011 at 10:31 PM

it's you already! nasan na mga pictures natin ako nalang mag lalagay sa facebook...Pero yung mga picture grit kay gasul wag muna natin ilabas....

Jhiegzh | March 15, 2011 at 2:24 AM

Ok lang yan Sir Bulakbolero, kanya-kanyang basagan ng trip..Naintindihan kita...I agree nkakainis ung magtag ng photos na unrelated naman! Ahhehehe...Pero depende naman ata yan sa settings, pde mo nga iprivate prof mo!....Sa post mo? Uhmm, napadoubt ako! Dropped by here ^^

MiDniGHt DriVer | March 15, 2011 at 9:32 AM

hehe.. Ayos!

Anonymous | March 15, 2011 at 3:55 PM

medyo kaka diactivate ko lng fb ko pero iactivate ko ulit.

-kikilabotz

Lakwatsero Ako | March 15, 2011 at 10:05 PM

suplado much! san mo nga pala nilalagay portfolio mo?

krn | March 20, 2011 at 6:06 PM

ganun??ikaw na suplado!hehehe joke.tama naman, nakakapikon yung nagtatag ng walang pasubali.kaya remove tag na lang lahat.hehe

Anonymous | March 21, 2011 at 12:34 AM

"7. Ayaw ko makabasa ng mga status tungkol sa kayabangan. "

the reason i deactivated mine.