Boys don’t cry men do

Ang emosyon ng tao, walang gender preference. Lahat pede sumaya, matakot, magalit, malungkot at umiyak. Takte, sinu mang magsabi na bawal umiyak ang lalake, nania.

Hindi ako umiiyak ngayon o umiyak nung mga nakaraang araw. Naging topic lang ‘to nung nakikipagkwentuhan ako sa isang kaibigan.

Ganun daw yun eh. Ang pinagkaiba ng tunay na Lalake sa pagiging Totoy ay yung pagpapakita na umiiyak sya o nasasaktan sya. Yaon bang pagtanggap sa mga bagay bagay. Yung possibleng matalo ka sa gyera pero sa likod ng pagkatalo ay may aral ka na napupulot.

Immature daw yung nagmamatigas. Yung tipong alam nya na mali sya pero ayaw nya pa aminin.

Sa opinion ko, ang pagpatak ng luha ay hindi simbolo ng kahinaan. Para sa akin, ito ay pagpapakita ng katapangan. Na hindi ka bato na may puso ka. Na handa kang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Yon ang pagiging matapang.

 

Sa kabilang banda. Sa mas matured na usapan, pag natuto ka magpaiyak ng isang ulo mo… binata ka na. lol. wala lang, naisip ko lang idagdag para hindi masyado seryoso ang usapan.

13 comments:

mommy-razz | March 24, 2011 at 10:50 AM

gusto kong umiyak ngyn, kwentohan mo ako ng madramang kwento para maiyak ako pls..

Bino | March 24, 2011 at 11:01 AM

tama! hangga't hindi umiiyak ang isang ulo mo, paslit ka pa rin heheh

on the serious note: hindi naman dapat ikahiya ang pag-iyak. mas nakakahiya ang hindi lunukin ang pride. :)

hArTLeSsChiq | March 24, 2011 at 11:08 AM

ok na eh, kala ko seryoso post...nagpahabol pa sa huli..LOL

niweiz natutuwa ako sa mga lalaking hindi natatakot magpakita ng kanilang nararamdaman kahit pa nga sa paraan ng pag-iyak. Wala lang, katulad nga ng nabanggit sa post mo eh ang brave brave nila para sa akin :)

MiDniGHt DriVer | March 24, 2011 at 12:41 PM

hehe.. natawa ko sa huli mong banat. nangaano ka eh. hehe

ako ay isa sa mga lalaking hindi nahihiya na umiyak sa harapan ng kahit sino pa. Sa pagpatak ng luha ko mas madali kong nailalabas ang saloobin ko.

Anonymous | March 24, 2011 at 1:36 PM

yang iyak iyak na yan..haayyy. marami ako naalala sa ganyan. hehe

-kikilabotz

Akoni | March 24, 2011 at 4:03 PM

hahahaha...natawa ako sa last paragraph..hahaha..ako iyakin ako nun pa hanggang ngayn..hehe

titSEr dArwiN | March 24, 2011 at 4:17 PM

pansin ko, mas may sense yung last paragraph,,,LOL^^

JapaneseAdobo | March 24, 2011 at 8:52 PM

it takes a lot of courage to show ur emotions and release it. it takes a lot of libog to have ur second head cry...pero pareho lang sya, releasing whats inside...nice entry...the last line was funny

xall percé | March 24, 2011 at 9:49 PM

Concept of Filipino machismo is very pathetic if you'll ask me. Men are human, not superhuman who doesn't have emotions

Jepoy | March 24, 2011 at 10:03 PM

ayos na sana sumegwey pa sa dulo ng ganun. Bastush mo Papi mag sama nga kayo ni Lakwatsero tsaka gasul ahahha

Umi | March 25, 2011 at 12:35 AM

Tama ka. Hindi simbolo ng kahinaan ang pag iyak. Pinapakita mo lang na may nararamdaman ka din. At ipinapakita mo lang na hindi ka nahihiyang ipakita kung ano ang nararamdaman mo. :)

bulakbolero.sg | March 25, 2011 at 3:47 PM

mommy. bat naman gusto mo umiyak?

bino. nyahaha. diba tama naman sinabi ko?

muse. seryoso naman talaga ah.

driver. nangaano ba? sige ikaw na iyakin.

kiki. anu ga ang naalala mo?

akoni. iyakin ka sa last paragraph? lol piz.

titser. yung last lang ang may sense? ayuf.

japanese. haha. salamat.

xall. yep. ganun na nga, at ayon ang panget na ugali.

jepoy. ikaw na ang inde bastos.

umi. salamat at naintindihan mo ang sinasabi ko.

Raft3r | March 29, 2011 at 6:13 PM

nyahaha
the best yun last line
panalo!