Blogbolero

Hindi ko na alam kung ilang araw o buwan na ba kong namamalagi dito sa bahay ko sa blogworld.

Sa pagiging anonymous blogger, unti unti na din akong nagpakilala kung sino ba talaga si bulakbol dahil na din sa paglalagay ni Jepoy ng larawan ko sa blog nya.


Nalahad ko na din dito kung paano ako namolestya sa Indonesia.

Kung paano ako nakipaglandian este nagpacute sa mga kaopisina kong babae.

Nakwento ko na din ang nakakabagot na storya ng buhay ko.

Kung gaano ko kaayaw kumain ng pizza pie at kung paano ko nakakatulog sa loob ng sinehan.

Naging bida na din sa blog ko ang ilang tropa at ang ex-munchkins ko.

Kung gaano ako naliligayahan na matulog ng walang saplot at makipag cam to cam. (adik mowd on)

Naging emo na din kahit inde bagay.

Pati kung ilang bansa na ba ang napuntahan ko.

At marami pang iba…


Nameet ko na din si Gasul, Jepoy at Roanne sa personal. Muntik ko na makita si Jethro sa Korea pero ayaw nya magpakita sa akin. Haha.

Hindi ko din inaakala na si Ahmer ay kaibigan ng mga Kababata ko sa bulacan. Ang liit talaga ng mundo.

Ang dami kong natutunan sa blogworld. Dami kong nilakbay na photoblogs. Aliw ang pagbasa ng mga nakakatuwang blog. Yung mga blog na lumalablayp ay masaya ding basahin, parang nagbasa lang ako ng sekretong diary.

Nakasaksi na din ako ng umamin sa blog.

Nagkaroon na din ako ng tatlong award mula nung nagsimula ako mag blog. Salamat ke Claum, LordCM at Eddyboy.

Nung una, natutuwa ako na pagkagising ko ay iniisip ko agad kung ano ang ilalathala ko dito. Aysows. Bonus pa kung makikita mo na sa previous entries mo ay madaming nag comment at may nagfollow na bago.

Pero ganun na nga, may mga panahon talaga na kahit anong piga ang gawin mo e wala ng lalabas na katas. Sa halip kase na sa utak pinapalabas ang katas e sa ibang parte ng katawan. Wapak.

Kanina lang, isang tunay na kaibigan ang nagtanong sa akin. Please refer to the screen shot below (parang formal email lang).



Sa totoo lang, hirap talaga ko mag blog. Accidental blogger lang naman ako. Sa tingin ko ay mas may laman pa ang mga comment ng mga blogger kesa sa mga entries ko.

E ano magagawa ko? E adik ako magsulat ng kung anu-anong bagay? Hindi ko din naman ineexpect na dumami pa lalo ang magbabasa ng blog ko. Okay lang din sa akin na may makalimut na dumalaw dito. Ang sa akin lang e, sana yung mga tunay kong kaibigan ay nandyan pa din at handang basahin ang aking boring layf. Lol. (may ganun?)

Yaan nio next time, pag nagkaroon ng kurso tungkol sa paano maging effective blogger, papasukan ko yun.

Nga pala, sa mga mangilan ngilan na dumadalaw sa blog ko… paclick naman ng nuffnang ads ko… wahaha. Salamat.


19 comments:

The Gasoline Dude | November 18, 2010 at 10:55 AM

Sino ba 'yang nagsabi na panget ang blog mo at nang mabugbog?! Ke yabang naman, siya na lang kaya ang mag-blog. Ampf.

Axl | November 18, 2010 at 11:15 AM

whaha wag ganun... malay mo interpretation lang niya yun... para mamotivate ka mag blog ng mas maganda di ba?

MiDniGHt DriVer | November 18, 2010 at 11:36 AM

boss, isa ka sa mga malulupit na blogger na chickboy sa blogospero. hehehe.. isang malaking karangalan yun :)

Athena | November 18, 2010 at 1:07 PM

hayaan m n lng ang mga magsasabi na panget abg blog mo.. care b nila.. hehhe. as long you are enjoying what you are doing ok lng yun...
hehhehe

BatangGala | November 18, 2010 at 1:44 PM

ako din e, ganyan din napifeel ko ngayon, mas panget yung binablog ko ngayon kesa sa panget na binablog ko non. siguro ganun talaga, kumbaga sa prutas, seasonal. hah! may masabi lang. :)) siguro ganun talaga ang blogging, minsan ano...tapos minsan naman ano... kahit ano na lang. :DDD sige na nga, click ko na lang yung nuffnang! :) 'til nexttime! :D

Ako si Yow | November 18, 2010 at 2:03 PM

Kung pangit mga ginagawa mo? Anu pa yung akin? Basura? Haha. Ganun talaga, nauubos din ang idea ng blogger. Nakakadiri na nga blog ko, pangit na nga dati eh pumapangit pa ngayon. Kahihiyan. Haha. Pero wala tayo magagawa, enjoy what you're doing, kahit papano magrereflect din sa sinulat mo yun at baka makapagpaenjoy ka na din ng ibang tao di ba? Haha. Kautuan. Mahaba ata comment ko.

Jepoy | November 18, 2010 at 2:42 PM

Sows! Papi ang pag blog eh passion kesehodang may nag babasa o wala basta na ibabahagi mo ang gusto mong ibahagi eh tama na yun. Yung readers at mga magiging online friends ay bonus lang yun.

Oo nakaka taba ng puso pag may nag cocomment lalo na kung alam mong hindi nag skip read. LOL Parang ulam lang yan eh, kung hindi trip e di wag basahin. Diba?! Pwede kasing ang panget sa iba hindi naman panget sa iba. Basta ganun. Ang point ko lang sulat lang ng sulat sus! Hindi pa ba sapat na nag cocomment ako? Piling pili lang ang binabasa ko. Juk!

Moks™ | November 18, 2010 at 5:43 PM

pagnabasa ng mata, ilabas mo sa blog... walang masama sa pagblog, pangit man o maganda nag kwento..mahalaga may nakikilala kang kaibigan.

iprovoked | November 19, 2010 at 12:45 AM

Ok lang yan. Sulat lang ng sulat. Dyan naman tayo natututo eh. Before you know it, pwede mo na palang gawing book ang mga sinulat mo. We write and we practice. Wag nating pakialaman ang sasabihin ng iba. Kung pangit ba eh di wag nila basahin.. hehehehe

ahmer | November 19, 2010 at 12:46 AM

small world it is.

just like thoughts, everyone’s writing is different and we all right our own way.

di panget ang blog mo.
sino ba yan? hehe

ahmer | November 19, 2010 at 12:47 AM

write pala not right. hehe : D

glentot | November 19, 2010 at 4:13 AM

Naku kung friend ko yang nagsabi sa akin nyan na "Ang pangit ng blog mo ngayon" sasabihin ko na lang sa kanya na tapos na ang pagkakaibigan namin ahahahaha!

Chingoy | November 19, 2010 at 10:29 AM

inuman na yan..

hArTLeSsChiq | November 19, 2010 at 11:36 AM

ayan naclick ko na..bayad??? hehe

kikilabotz | November 19, 2010 at 1:27 PM

naks dumadrama. minsan ang walang kwenta siya pa ang nagiging may kwenta. bwahahaha. hindi ko nga lang alam kailan mangyayari yung minsan n yun. hehe.

ro anne | November 20, 2010 at 5:10 PM

may nag-email din sakin, wala daw lesson ang blog ko, boring, at indirectly pointing na wala ako karapatang manalo ng award sa contest. may 4800 viewers & friends daw cya, pagtingin ko isa lang ang follower. Dakilang poser! sulat lang ng sulat care nila!

Athena | November 20, 2010 at 10:20 PM

bkit gnun may mga taong inggitero at inggetera... isa lng masasabi ko sa mga taong ganyan,,

"Don't judge the book by its cover especially if you are not a judge"..
LOL

Lord CM | November 23, 2010 at 1:32 PM

kapag natutunan mong maging effective blogger pre, malamang boring na mga entries mo, tama lang yun kung ano ang nasa isip at puso mo, kung ano ung gusto mo ilabas, yun na lang, mas maganda magbasa ng mga kwentong hindi pinag aralan kung paano isulat :D

Raft3r | November 25, 2010 at 12:48 AM

nag-click na po ng nuggnang
hehe