Nadine Lustre

Proud tito ang tropa ko ng mga nakaraang araw. Bumisita kase ang pamangkin nya na nagsisimulang pumasok sa mundo ng showbiz. 

Bago pa man dumating dito ang pamangkin nya, binibida nya na ito sa amin. Sabi nya regular itong nakikita sa Party Pilipinas ng GMA7 at lumabas din sya sa pelikula na Petrang Kabayo. Madami pang credentials ang sinabi nya tungkol sa pamangkin nya.

At dahil dyan… Sinamantala namin ang pagkakataon at humingi kame ng konting panahon para makuhanan sya ng larawan.

Manager ang dating ni tito. Sya na! Kelangan e iscreen muna ang bawat pag pitik namin ng camera.
 
Hindi ito ang unang experience ko na mag model shoot, at napansin ko na mahusay itong batang to. Hindi na kelangan iguide at kahit saang angulo e maganda sya.

Natapos ang photoshoot at nakausap namin ang Modelo – si Nadine. Pagkabait na bata. Sanay makihalubilo sa tao at higit sa lahat artistahin talaga ang tindig.



Bilang tropa ng tito nya, hangad ko din na sana ay makilala sya sa mundo na kanyang tinahak. At bilang friend na din kami ni Nadine sa facebook. LOL. Oo, kami na ang close. Haha.

Mga kabloggers. Nood kayo lagi ng party pilipinas at suportahan ang grupo ni Nadine na pop girls. Saka may album sila. Bili na din.

21 comments:

ahmer | November 17, 2010 at 12:02 PM

Cute nya pre, pakilala mo
Saken. Hehe

bulakbolero.sg | November 17, 2010 at 12:04 PM

oo mganda sya pre. friend na kami sa facebook. nyahaha.

Axl | November 17, 2010 at 12:09 PM

whaha si nadine.. whahah :D
i miss nadine :D

bulakbolero.sg | November 17, 2010 at 12:19 PM

Axl, kilala mo sya?

Axl | November 17, 2010 at 12:59 PM

@Sg... friend siya ng isa kung friend :D
small world right :D

ISAAC♪ | November 17, 2010 at 2:59 PM

Kapamilya personnel kasi ako, pero hi parin to Nadine. apir.

Ako si Yow | November 17, 2010 at 4:29 PM

Wow. E kagandang lahi. Haha. Di ko siya napapansin dun sa grupong cute na un. Haha. Parang hawig kasi lahat eh. E di singer at dancer din siya? LIKE!

Anonymous | November 17, 2010 at 4:58 PM

naks may pamangkin k plang mgnda at kaibgan pa siya ni axl. tito! pwede b kitang tawaging tito? haha

-kikilabotz

Renz | November 17, 2010 at 6:00 PM

naks :]
anung segment niya sa pp?
Try to look for her there :]

Athena | November 17, 2010 at 8:44 PM

hehehe. at tlgang nag endorse ka pa.. senxa po kapamilya ksi ako.. hehehe. pero mganda po si nadine.

The Gasoline Dude | November 17, 2010 at 11:24 PM

Hoy Bulakbol, napaghahalata ka! Masyado kang matanda para kay Nadine baka mahatulan ka ng child molestation. LOL!

bulakbolero.sg | November 17, 2010 at 11:31 PM

axl. ah. ganun ba? ayus pala. hehe.

isaac. pede ka naman manood ng 7 kahit sa 2 ka nagwowork. dati nagtrabaho ako dyan sa 2. pero sa loob ng opisina eat bulaga at cool ka lang pinapanood namin. lol.

yow. ganun ba? hanapin mo na sa susunod si nadine don. oo magaling sya sumayaw at kumanta.

kiki. napaghahalata kang di nagbabasa.

renz. pop girls pangalan ng group nila. sayaw at kanta gawa nila.

athena. oo ganun talaga. free advertisement sa blog ko. baka may gusto ko pa advertise? hehe.

gasul. pootek. kaw na. kaw na ang lagi akong tinutulad sa ginagawa mo. ibahin mo ko.

Jepoy | November 18, 2010 at 1:23 AM

bulakbol umayos ka, nararamdaman kong may maitim kang balak!!!!

Napapanood ko sya sa SOP, pag nakasalubong ko sya i kakamusta kita.

bulakbolero.sg | November 18, 2010 at 8:04 AM

adik ka papi jep. basta isabay mo ko sa 28.

✿Mitchelli✿ | November 18, 2010 at 8:16 AM

sige suportahan natin si Nadine! ;)

bulakbolero.sg | November 18, 2010 at 8:55 AM

Salamat Mitchelli.

MiDniGHt DriVer | November 18, 2010 at 9:43 AM

aw.. at maganda nga..

pero parang mas maganda kung may kapartner syang magmodel,..

ahem ahem!

bulakbolero.sg | November 18, 2010 at 9:58 AM

midnight, may ubo ka?

Jhiegzh | November 21, 2010 at 10:08 AM

Kapamilya ako eh pero I love her though!....

Raft3r | November 25, 2010 at 12:49 AM

publicist ka na pala ngayon
hehe

emmanuel | March 23, 2014 at 10:34 AM

sana pala naging kapamilya star na lang si nadine para makakagawa pa sya ng marami pang pelikula katambalan mu pa man din si james reid kapamilya yun eh kaya sya ang ginawang bida kasi diba lahat ng mga bagong artistang kapamilya ay binibigyan ng chance na makagawa pa ng maraming movie ehh sa kapusucks d lahat pinapalad ...