Asa?!

Pang tatlong entry ko na to na may kaugnayan sa pagtanda ko. Este kaarawan ko. (sana wag kayo magsawa) Ngayong taon ang pinakakaibang pagdiriwang ng kaarawan ko. Hindi na bago na wala ako sa pinas ng beerday ko. Pero ang bago e parang sa halip na isipin ko ang selebrasyon e pagtanda ang naiisip ko. Ang weird. 

Egsayted ako bago palang dumating ang kaarawan ko. 

May mga mangilan ngilan na din na bumati sa akin. Hindi ko alam kung dahil di nila alam talaga ang bday ko at nag advance greeting na para manigurado o talagang how thoughtful how goldilocks lang sila.

Si eks munchkins nga, ginaya ang stayl ko. Nagcountdown din sya ng beerday ko. Araw araw mula pagpatak palang ng Oktubre ay binabati na ako. E ganun kaya gawain ko sa kanya dati. Wala talagang originality yon. Wahaha. Piz naman.

Masaya na sana, pero hindi ko alam bakit lagi kong naririnig sa background ang kantang tindahan ni aling nena…

Bumalik tayo sa kwentuhan.

Sa japan ako nagdiwang ng kaarawan ko. Naswerte ako na walang trabaho yung tropa ko na nasa japan. Nasamahan nya ko magliwaliw at mag celebrate ng bday ko. Lalo akong naging maswerte dahil nalibre ako ng bahay sa buong stay ko sa japan. Ambait tlaga ng mga tao. At ang may Kapal. (naks mukhang kikidlat maya maya).

Besperas ng kaarawan ko, sakto. Opening day ng Hooters Tokyo. Kinantahan ako ng mga hooters girl at siempre ako sinayawan ko naman sila ng kung anong sayaw ang makakaya ko. May bumili din sakin ng alak sa kabilang table, regalo nya daw sa akin. Kakataba ng puso. Isa pang bonus, di ko akalain na mapapanood ko ang sarili ko sa TVtokyo via youtube. Lufet.  ako pa ang napili sa dinami dami ng tao dun… nyahaha.

Sa araw ng beerday ko. Nakakatuwa na nagisip talaga yung tropa ko kung san kakaiba at san okay na icelebrate ang beeday ko. Pumunta kami sa Alcatraz. Kulungan ang concept nya. Asteeg. Parang gusto ko magtayo sa pinas ng ganitong resto. 

Hindi ganito ang normal na selebrasyon ng bday ko. Pero masaya. Konti ang kasalo pero madami ang pagkain. Wala sa bahay pero at home naman ang pakiramdam. Walang beerday cake pero may mga beerday greetings naman.

Nagtapos ang kaarawan ko para sa taon na ito. Pero pootek na background music yan. Tindahan ni aling nena pa din ang tumutugtog sa utak ko.

ASA PA KO AMPOOTAH! Umuwe ako ng Singapore na akala ko ay ipaghahanda ako ng mga tropa ko sa bahay. Wahaha. Nabigo ako. Walang handaan, walang bisita, walang kahit ano. ASAPAKO?

Nobyembre a-uno yun. Isang bwan na ang nakalipas matapos ang aking kaarawan (Oktubre bente sais). Inaya ako sa Clarke quay ng Tropa ko sa dati kong trabaho. Its party time…. Ayon, inuman, kainan, kwentuhan. Nang biglang…. May dalang cake ang isang hooters girl. Nasurprise ako ng bahagya. Natats naman ako. Talagang may mga tunay na kaibigan na nagpapahalaga sa’yo. Salamat sa inyo.

Yung mga tropa ko dito sa opisina. Amfufu… libre ko lang talaga ang iniintay. Ganun ba talaga ang beerdayan? Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na susurpraysin nila ko. Nyahahahaha… ASA?!

Muli… salamat sa nagpasaya ng kaarawan ko.

Xerex, salamat sa pag pasyal mo sakin sa Japan japan at pagplaplano kung ano yung dapat gawin dyan. Salamat sa microfiber cloth, ineenjoy ko na to ngayon.
Nel at Retz, salamat sa pagpapatuloy nio sakin sa bahay nio sa japan japan. Sa regalong sake, tsokolate at chips. Subra subra ang naitulong nio sakin.
Mickey Mouse at Donald Duck, salamat at nag feeling bata na naman ako nung dalawin ko kayo sa Disneyland.
Mga Moe Moe Maid, salamat sa piktyur piktyur sa at pagturo sakin ng moe moe kyu… lol
Japanese (unknown), salamat sa regalo mong zima na alak.
Hooters Tokyo, salamat sa pagcover ng beerday ko. Aliw.
Gea, Mian, Maki, salamat sa pagplaplano ng surprise surprise.
Lahat ng bumati sakin sa ym, email, fb, text, salamat sa inyong lahat.


Sobrang enjoy... Ngunit ang tanging ninanais ko di nabibili ng pera….

16 comments:

Mokong™ | November 3, 2010 at 9:36 AM

Hindi nabibili ng pera? Hmmmm true love!!!! Hehehe naks naman sa Japan-Japan nagcelebrate ng bday! Kay na Takusa! hehehe
Belated parekoy...

hArTLeSsChiq | November 3, 2010 at 9:57 AM

ayun oh sarap naman ng beerday niya!! Kung anuman yun na gusto mo na hindi nabibili ng pera (pag-ibig? world peace? :D ), makukuha mo rin yan sa tamang panahon. Naks gumaganon pa! Niweiz belated happy beerday parekoy!!

Lord CM | November 3, 2010 at 10:04 AM

ang saya saya na nga ng beerday mo naghahangad ka pa! sobra ka na! lolzzz

happy birthday naman, at gaganda ng mga chicks mo ah hehehe

Axl | November 3, 2010 at 10:09 AM

yujn oh... sabi nga nila...

Instead of counting candles,Or tallying the years,Contemplate your blessings now,As your birthday nears.Consider special people.
Who love you, and who care,And others who’ve enriched your life.
Just by being there.Think about the memories.
Passing years can never mar,Experiences great and small.
That have made you who you are....Another year is a happy gift,So cut your cake, and say,"Instead of counting birthdays,I count blessings every day!"... once again hapie bday and god bless you :D

Jepoy | November 3, 2010 at 11:01 AM

tsong belated happy bday, hindi ako nakabati sa fb kasi walang bday alert, wala ka palang bdate sa fb. Anyweis, Sa iyong kaarawan nawa ay pag palain ka pa lalo ni papa Jesus at makuha mo ang ninanais mong hindi nabibili ng pera. Yow lang.

Belated Sir!

Chingoy | November 3, 2010 at 4:11 PM

naku, yang nov1 ay ARAW NG PATAY!!! isang malakas na haist!

haberdey! kainis! :)

MiDniGHt DriVer | November 3, 2010 at 5:10 PM

PiBertDei Parekoy!

Sa birthday ko, pwede ba mahiram yung mga katabi mo? :)

you know my name | November 3, 2010 at 6:50 PM

belated happy birthday!!haaayy...ngayon lang ako nakadalaw ulit dito. wew

Ako si Yow | November 3, 2010 at 9:14 PM

Ang happy happy nga ng celebration. Pambihira! Pangmayaman. Haha. Hindi ko alam na bday nyo po pero belated happy birthday. Sana masaya birthday celebration mo. Haha.

glentot | November 4, 2010 at 6:08 AM

"Ngunit ang tanging ninanais ko di nabibili ng pera…." Pumunta ka na sa tindahan ni Aling Nena ehehehe

Happy Birthday!!!

bulakbolero.sg | November 4, 2010 at 2:02 PM

Salamat sa inyong lahat... sabay (flying kiss)

Nortehanon | November 4, 2010 at 6:51 PM

Wow, birthday na ginanap sa Japan! Ang sosyal naman :)

iprovoked | November 4, 2010 at 11:55 PM

sarap naman ng beeday celebration mo! Month-long!

ahmer | November 5, 2010 at 3:11 AM

oist belated happy bday tol.
pag umuwi ka ng pinas. painom ka naman. haha

♥superjaid♥ | November 7, 2010 at 3:23 AM

belated happy birthday kuya ^^ anyway..dont worry yung wish mo matutupad din yun just wait..^^

Raft3r | November 16, 2010 at 3:22 PM

belated!
sarap ng bday mo, ah
may hooters pa
hehe