panayam sa mga hurado

(ayusin ko po sa opisina yung font. sa live writer ko kase ginawa nagulo.)


Hello mga tropang hurado,


Salamat sa pagpapaunlak na maging hurado sa aking pakontes. Sa pagtatapos nito, mayroon lamang akong ilang katanungan.










photo1_thumb5
1. Nagsisisi ka ba at tinaggap mo ang pagiging hurado sa bulakbol kontes? (sumagot ng maayos)


Sa ngalan ng pagkakaibigan at tropahan, hindi ako nagsisisi. Pero sa sobrang dami ng sumali ng patimpalak mo, wala ba kaming token of gratitude? Kahit free dinner man lang? LOL!


2. Sa pagtanggap ng hamon, ano yung mga ineexpect mong lahok ng mga sasali?


Aminin ko sa ‘yo, mataas ang naging expectations ko. I was expecting creativity & originality. Something that will blow my senses away.


3. Nung nakita mo na ang kumpletong listahan ng lahok, nasatisfy ba nito ang iyong expectation?


Merong mga lahok na talagang nagustuhan ko. Makikita mong pinag-isipan nila ang pagpili sa larawan na isinali nila. Meron din namang mga lahok na… wala lang, para makasali lang. Pero saludo ako sa effort.


4. Ano ang masasabi mo sa mga lahok at lumahok?


Sa mga lumahok, salamat sa suporta. Hanga ako sa iba sa inyo.



5. Kung may ganito pa din sa susunod na taon, papayag ka pa din bang maging hurado? (pilingero lang)


Me talent fee na ba sa susunod? LOL!





IMG_1050_thumb19
1. Nagsisisi ka ba at tinaggap mo ang pagiging hurado sa bulakbol kontes? (sumagot ng maayos)

Anesli speaking, HINDI. Naging isang karangalan na napasama ako sa panel of judges dahil alam kong magaling silang mga litratista o mangguguhit at salimpusa lang ako.

Nakaka-pressure din dahil bawat araw habang dumarami ang sasali, dumarami din ang lalagyan ng grado. Natatakot ako sa mga pinaglalagay kong grade at comments baka mapaslang ako bukas, makalawa haha.

 
2. Sa pagtanggap ng hamon, ano yung mga ineexpect mong lahok ng mga sasali?

Hmmmm... yung related talaga dun sa theme mismo - pagbubulakbol/paggagala/paglalakwatsa. Yung pag unang tingin, may impact na agad.
 
3. Nung nakita mo na ang kumpletong listahan ng lahok, nasatisfy ba nito ang iyong expectation?

Meron oo, meron hindi. :P
 
4. Ano ang masasabi mo sa mga lahok at lumahok?

Sa mga lahok (entries 'to diba?!) -- May mga creative mag-isip, may mga abstract at out of this world, may mga common na okay, may mga common na nag-standout.

Sa mga lumahok (sumali 'to tama?!) -- Lahat sila may angking creativity sa katawan. Kung hindi man nila mapanalunan ang instax o microfiber towel o glow in the dark water bottle, panalo na sila lahat dahil sa mga lugar na napuntahan nila at naiwanan nila ng kanilang marka.

 
5. Kung may ganito pa din sa susunod na taon, papayag ka pa din bang maging hurado? (pilingero lang)


Oo pwede parin naman ;)






254449_1798567044211_1240816257_3165[1]
1. Nagsisisi ka ba at tinaggap mo ang pagiging hurado sa bulakbol kontes? (sumagot ng maayos)

Medyo medyo lang. Di ko alam na ANG SOBRANG DAMING sasali (ikaw na sikat) . Sa opis pa ako nag judge, tapos may continuation pa sa bahay.
 
2. Sa pagtanggap ng hamon, ano yung mga ineexpect mong lahok ng mga sasali?

Expected ko na madaming sasasali, at mahihirapan ako mag judge. Yung tipong dikitan ang laban. Yung tipong babalik balikan ko para siguraduhin na tama yung scores ko. Gusto ko unang tingin palang kita na yung theme, story, yung may WAPAK unang tingin palang , yung parang “ay mananalo to” .Photo contest to, hindi “caption” contest. Kung pwede lang, ayaw ko ng basahin yung explanation or storya, kasi dapat self explanatory yung picture. Technical din akong tao, so yun din ang unang tinitingnan ko, pano nakuha to, san to, possible ba yan? Ganun.



Magandang example yung Picture na nakabaliktad  na parang nasa roller coaster. Kung nakasakay ka na dun, alam mo yung feeling. Rush. Adventure. Isa pa yung naka Jump shot sa bangin. Bangin + Jumpshot. Gets?
 
3. Nung nakita mo na ang kumpletong listahan ng lahok, nasatisfy ba nito ang iyong expectation?

Sa quantity oo, dami siguro ng click ng nuffnang mo. Hahaha. Pero konti lang nagustuhan ko eh nasa 30% , karamihan yung huling nagpasa. Pero yung nagustuhan ko ang gaganda nga naman.

 
4. Ano ang masasabi mo sa mga lahok at lumahok?

Yung iba ata di nagets yung theme, akala ata nila FB PROFILE PIC/ SNAPSHOT yung contest. Meron pa iba, kahit basahin yung caption para sa explanation PHAIL pa din (sabi ng isang judge dyan) Madami maganda, pero mas madami yung so-so lang. Kung pwede lang mag score ng N/A gagawin ko. Yung isang judge dyan nag negative pa. May galit. Hahaha.


Pero yung magaganda, astig. Di ko namalayan nag tie tie na score ko sa kanina. Di ko alam kung ano mas maganda.
 
5. Kung may ganito pa din sa susunod na taon, papayag ka pa din bang maging hurado? (pilingero lang)



Ayaw ko na! sasali na ako! Hahahaha.






madz_thumb8
1. Nagsisisi ka ba at tinaggap mo ang pagiging hurado sa bulakbol kontes? (sumagot ng maayos)

Hindi naman, kasi di ba sabi ko nga sa'yo alam kong wala akong talent sa pagpipiktyur kaya mas mabuti nang taga-tingin na lang. Siguro ang pinagsisisihan ko lang eh yung hindi ko muna naitanong kay bulakbolero kung ano bang kapalit nitong sakripisyo namin. LOL
 
2. Sa pagtanggap ng hamon, ano yung mga ineexpect mong lahok ng mga sasali?

Eh di syempre yung pangmalakasan na piktyur. Yung pagtingin mo pa lang, mapapasigaw ka na ng ANG GANDA at hindi mo na mapapansin kung anung makina ba ang ginamit sa pagkuha nito. Ganun!
 
3. Nung nakita mo na ang kumpletong listahan ng lahok, nasatisfy ba nito ang iyong expectation?

Oo satisfied naman ako, marami yung napa-WOW ako sa ganda ng larawan. Grabe hindi ko inaasahan na ganun kadami yung sasali AS IN! Napapasandal na nga ako sa pader at nagtatakip ng mukha. Habang dumadausdos pababa nasasabi ko na lang : " God, why me??" LOL  .  Nakakatuwa kasi pumatok talaga yung contest. Tapos extra pa yung may napupuntahan kang bagong blog.
 
4. Ano ang masasabi mo sa mga lahok at lumahok?

Natutuwa ako sa kanila kasi may iba-iba silang interpretasyon sa tema. Mayroon nga lang na hindi ko talaga mai-connect kahit saang anggulo. Pero over-all magaganda yung mga kuha, nakakadala. Parang gusto ko nang liparin kung san man kinunan yung litrato.
 
5. Kung may ganito pa din sa susunod na taon, papayag ka pa din bang maging hurado? (pilingero lang)



Depende yun sa TF, natuto na ko :)) Pero seryoso oo naman basta para kay parekoy, walang problema. :)






image_thumb5
1. Nagsisisi ka ba at tinaggap mo ang pagiging hurado sa bulakbol kontes? (sumagot ng maayos)



HINDI! Kase may pambawi daw sya(ser Joel) sa effort na i-e-exert ko. LOL.

 
2. Sa pagtanggap ng hamon, ano yung mga ineexpect mong lahok ng mga sasali?


Mga makukulay na larawan na nagpapakita na may maganda at masayang dulot ng paglalakwatsa! 

 
3. Nung nakita mo na ang kumpletong listahan ng lahok, nasatisfy ba nito ang iyong expectation?



Oo naman. Ang daming mahusay na sumali! At ang hirap husgahan ng mga entries! Ang cool, kahit hindi naka-DSLR, ang ganda pa rin ng ibang kuha.

 
4. Ano ang masasabi mo sa mga lahok at lumahok?


Lahat sila magaling in their little ways. Since photography ang pinag-uusapan, kailangan magpaka-technical at maging mahigpit sa pagja-judge dahil hindi lahat ng larawan na kinuha ay ma-i-le-label na agad as photography.

5. Kung may ganito pa din sa susunod na taon, papayag ka pa din bang maging hurado? (pilingero lang)



Depende sa "pambawi" HAHAHAHAHAHAHA!






Muli, Maraming Salamat. Inam! \m/



Gumagalang,

bulakbolero
Ang bolerong bulakbol

26 comments:

iya_khin | November 5, 2011 at 1:39 AM

Kala ko nasa damuhan ako, hotseat ng mga hurado?! Hehehe sumagot ng maayos at magbabayad ng isang libong danyos!! Hahahaah

Ikaw nang winner sa dami ng sumali sa kontest mo! :)

khantotantra | November 5, 2011 at 2:20 AM

Yung isang judge dyan nag negative pa. May galit. Hahaha. >>>> natakot ako sa nabitawang salita ni sir jojo. hala.... kanerbyos ang resulta. ahahahah

leonajane | November 5, 2011 at 2:25 AM

ikaw na talaga ang box office sa takilya ang pakontes!

ang matitinik na hurado. bow! bukod sa pagbabasa nito, nakakatuwa at nakaka-scared to be scrutinized by them. intense! hahaha!

goodluck sa mga sumali! exciting ang announcement of winners! :D galilations sayo and sa mananalo! astig!

taga-bundok | November 5, 2011 at 5:27 AM

hala... andaming nga talagang lumahok. succesful parekoi ang pakontes mo. salamat sa mga judges. hehehe...

YOW | November 5, 2011 at 5:33 AM

Mukhang nahirapan nga sila sa dami. Hahaha. Pero parang ang saya magjudge. Haha. Good luck sa lahat. :)

Josh | November 5, 2011 at 10:17 AM

I admire sir Alex's honesty dun sa interview questions. I somehow felt that not submitting an entry was a shame since I already had a concept/good camera but I was too much procrastinating sa pagsubmit. LOLz.

With sir Jojo, I would also want to agree, that the picture speaks a thousand words and the picture itself must be able to gravitate whatever message is to be conveyed. I didn't want to go in this contest half-baked because I was also thinking of the same thing sir Jojo is putting into point. Haha. Wala lang. dami ko nasabi

GbSb | November 5, 2011 at 10:20 AM

The best yang mga hurado mo pereng bulakbolero,anyway kahit ako yung negative score..hehehe..congrats sa lahat ng sumali at sa mga judges.

Martin | November 5, 2011 at 11:03 AM
This comment has been removed by the author.
Jepoy | November 5, 2011 at 11:07 AM
This comment has been removed by the author.
Jepoy | November 5, 2011 at 11:08 AM

tawa ako ng tawa sa sagot ni Jojolakwatsero ampotaness!!!! Napaka brilliant and straight forward. Sa susunod sasali ako pero gusto ko ang price Ipod Nano yung bidyo. Nag dikta ng prize?!

Xprosaic | November 5, 2011 at 11:09 AM

Hontindee ng judges! Hahahahaha madugo! madugong madugo ang paghusga! LOL... Sino kaya mananalo... COngrats sa lahat! hehehehe

jedpogi | November 5, 2011 at 11:39 AM

sa mga sinabi pa lang ng mga hurado... isa lang ang masasabi ko... Good luck sa akin nyahahahaha!

empi | November 5, 2011 at 12:44 PM

Nahiya akong bigla sa mga sinasabi ng mga hurado...

RHYCKZ | November 5, 2011 at 1:24 PM

Ako rin kuya EMPI, nahiya din. kaya sa susunod kuya wag mo ng kakaririn ang mga blog contest, ipaubaya mo na lang sa amin. peace bro! lolz!

Kawawa si Jojo | November 5, 2011 at 1:41 PM

malakas ang pakiramdam ko... walang magbabasa ng blog ko. hahaha. kala ko edit mo to, sana nagpaka civil naman ako. hahaha

kikilabotz | November 5, 2011 at 3:02 PM

was here , toinkz.hahahaha...takte nakaktakot, mukang nagalit na mga judges. hahahaha...

nagjudge din ako at may mga manok n ko

ISTAMBAY | November 5, 2011 at 3:48 PM

congrats sa success ng patimpalak mo sir bulakbulero..

at talaga naman, nahirapan ang mga hurado panigurado sa pagpili ng pibakamagaling na obra...

magandang araw po sa inyo :)

Leomer Apolonio | November 5, 2011 at 5:15 PM

Dahil sa interview na ito, parang gusto ko bawiin ang aking litratong pang-FB! Hahahahaha. Charot lang.

Isang karangalan ang sumali sa pakontes mo Djowel!

Great job judges! :)

Cheers.

Nimmy | November 5, 2011 at 5:27 PM

Ay! Ang taray! Interview with the judges! Paaaaak!

McRICH | November 5, 2011 at 7:11 PM

natakot ako sa mga judges kaya pinapangako ko pong sa susunod e gagalingan ko na po, yun lang, san ba pwedeng bumili ng GALING?

still, salamat bulakbolero sa ekspiryens!

Aia | November 6, 2011 at 2:20 AM

Libre mo sila ng dinner sa resto!!! 35++ :P

KikomaxXx | November 7, 2011 at 12:01 AM

hahaha ayan na... ang mga hurado.. be good to us please :).. hehehe

Karl Marx | November 7, 2011 at 3:24 AM

nagsalita na ang mga idol! kongrats boss joel! ang dami talaga ng sumali sumakit din mata ko nung binalikan ko. hahaha! Astig! neksyir ulit.

SunnyToast | November 7, 2011 at 12:22 PM

talga may naka lagay sumagot ng maayos...hahaha:)

pakak...ang taray my interview portion tlga!

joeyvelunta | November 7, 2011 at 3:36 PM

Sir hurado Jojo parang si simon hahaha npaka-honest. Congrats sa inyong mga hurado, congrats sa mga nakilahot at congrats sayo sir SG Joel Bulakbolero. Mabuhay!

Aj Banda | November 8, 2011 at 10:22 AM

nakakatuwa naman ito.. tama si iya, akala ko rin nasa damuhan ako -- judges edition! hahaha

nice!!! may mga sense nga naman ang mga sinabi ng hurado... GALING!