
Para kanino ka bumabangon? Ika nga ng napanood kong patalastas.
Masarap gumising ng maaga, yung makikipag-unahan ka sa alarm clock mo. Yung habang iniintay mo ang pagtunog nito ay iniisip mo ang mangyayari sa araw na’yon at kung ano ang mga nakapagpangiti sa’yo nung gabing bago ka matulog. Daydreaming ata tawag don?
“To see you when I wake up is a gift I didn’t think could be real…” edi ako na ang kumakanta habang iniintay ko ang pagtunog ng alarm clock. Takte kaseng buhay ‘to. Malay ko ba na dadapuan din ako ng kilig sa katawan. Hindi ata bagay pero yaen na.
Nung isang araw lang kasi, nakuha ko na yung number ng ultimate crush ko. Pakapalan talaga ng mukha. Nakatabi ko sya sa bus sabay banat ng…
Jennie, alam kong mahina ako sa matematika at lalung-lalo na sa mga numero. Pero kung iyong isusulat sa aking mga palad ang iyong celfon number. Itatapat ko ito dito sa aking dibdib (inakma ang palad sa puso na parang nagbabayang magiliw) para maisapuso ko at hindi makalimutan kailanman. Sabay pakita ng palad na may bolpen.
At doon na nga nagsimula ang lahat.
Masaya kausap si Jennie. Kung akala ko dati ay suplada sya, nagkamali ako. Dami nyang kwento. Lahat ng pangyayari sa buhay nya ay alam ko na. Sya din ang naghehele sa aking pagtulog. ‘Di kailan man ako magsasawa pakinggan ang kanyang pag-awit. Pagkalambing ng boses nya. Hindi ko na din kailangan ng alarm clock, automatic akong nagigising ng umaga para abangan ang tawag ni Jennie. Full volume din ang ginawa ko sa celfon ko para siguradong wala akong mamiss na text at tawag nya.
Eto ang buhay ko araw araw. Jennie is my life.
Reporting for duty Ms. Jenny. Nakahandsalute sabay nakaw ng halik sa pisngi ng dalaga. Maloko daw ako sabi nya. Pero yun naman daw talaga ang nagustuhan nya sa akin. Edi ako na ang kinikilig na naman. Potakteng malagket naman oh.
Hanggang isang araw.
Ring Ring Ring…
Binuklat ko ang laman ng outbox ko, ang dami ko na palang natext kay jenny ngayong araw.
Jennie… Miss you.
Jennie…tawag ka please.
Jennie…kita tayo sa tagpuan.
Jennie…ilang beses kita kitatawagan ring lang ng ring.
Ring Ring Ring…
Ilang minutong nakalipas...
The number you have dialed is not in service; please try your call later.
Itetext ko muna si Jennie, sasagot din yon pagnakulitan sakin.
Jennie…paramdam ka oh.
Jennie…please…
Jennie miss you… puntahan kita sa bahay nio.
The number you have dialed is not in service; please try your call later.
Sarado ang buong bahay nila Jennie. Walang tao. Asan na kaya sila? Kamusta kaya si Jennie, ilang araw na sya di nagpaparamdam ah. Mawawala lang ba ng ganun ganun ang kilig sa katawan ko? syete? Karma ba ‘to? Wag naman sana…
“You have only been gone ten days, but already I'm wasting away…” Last na text ko na ‘to ngayong araw. Itry ko ulet. Jenny. Namimiss ka na ng mokong na’to wag mo naman ako pahirapan please. Txt back.
Sana hindi ito totoo. Na sana makakausap at makikita ko pang muli si Jennie.
“I know I'll see you again whether far or soon. But I need you to know that I care and I miss you...”
Pinilit kong ipikit ang aking mga mata. Sa pag-aasam na sana'y panaginip nga ang lahat. Naghintay ako sa wala. Walang alarm clock na gumising sa akin. Walang mensahe at tawag akong natanggap mula sa kanya. Wala, maliban sa....
Halik ng babaeng naging dahilan kung bakit excited akong gumising at harapin ang panibagong araw. Si Jennie.
"Nanaginip ka yata. Gising na.” kanyang matatamis na ngiti ang bumungad sa pagmulat ng aking mga mata “Reporting for duty sir" sambit ni Jennie
“Reporting for duty maam” ang tangi kong nasabi sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
====
ito ay para suportahan si pareng L sa kanyang same shit, different day