Same Shit, Different Day

IMG_1087

Para kanino ka bumabangon? Ika nga ng napanood kong patalastas.

Masarap gumising ng maaga, yung makikipag-unahan ka sa alarm clock mo. Yung habang iniintay mo ang pagtunog nito ay iniisip mo ang mangyayari sa araw na’yon at kung ano ang mga nakapagpangiti sa’yo nung gabing bago ka matulog. Daydreaming ata tawag don?

“To see you when I wake up is a gift I didn’t think could be real…” edi ako na ang kumakanta habang iniintay ko ang pagtunog ng alarm clock. Takte kaseng buhay ‘to. Malay ko ba na dadapuan din ako ng kilig sa katawan. Hindi ata bagay pero yaen na.

Nung isang araw lang kasi, nakuha ko na yung number ng ultimate crush ko. Pakapalan talaga ng mukha. Nakatabi ko sya sa bus sabay banat ng…

Jennie,  alam kong mahina ako sa matematika at lalung-lalo na sa mga numero. Pero kung iyong isusulat sa aking mga palad ang iyong celfon number. Itatapat ko ito dito sa aking dibdib (inakma ang palad sa puso na parang nagbabayang magiliw) para maisapuso ko at hindi makalimutan kailanman. Sabay pakita ng palad na may bolpen.

At doon na nga nagsimula ang lahat.

Masaya kausap si Jennie. Kung akala ko dati ay suplada sya, nagkamali ako. Dami nyang kwento. Lahat ng pangyayari sa buhay nya ay alam ko na. Sya din ang naghehele sa aking pagtulog. ‘Di kailan man ako magsasawa pakinggan ang kanyang pag-awit. Pagkalambing ng boses nya. Hindi ko na din kailangan ng alarm clock, automatic akong nagigising ng umaga para abangan ang tawag ni Jennie. Full volume din ang ginawa ko sa celfon ko para siguradong wala akong mamiss na text at tawag nya.

Eto ang buhay ko araw araw. Jennie is my life.

Reporting for duty Ms. Jenny. Nakahandsalute sabay nakaw ng halik sa pisngi ng dalaga. Maloko daw ako sabi nya. Pero yun naman daw talaga ang nagustuhan nya sa akin. Edi ako na ang kinikilig na naman. Potakteng malagket naman oh.

Hanggang isang araw.

 

Ring Ring Ring…

 

Binuklat ko ang laman ng outbox ko, ang dami ko na palang natext kay jenny ngayong araw.

Jennie… Miss you.

Jennie…tawag ka please.

Jennie…kita tayo sa tagpuan.

Jennie…ilang beses kita kitatawagan ring lang ng ring.

 

Ring Ring Ring…

 

Ilang minutong nakalipas...

 

The number you have dialed is not in service; please try your call later.

 

Itetext ko muna si Jennie, sasagot din yon pagnakulitan sakin.

 

Jennie…paramdam ka oh.

Jennie…please…

Jennie miss you… puntahan kita sa bahay nio.

 

The number you have dialed is not in service; please try your call later.

 

Sarado ang buong bahay nila Jennie. Walang tao. Asan na kaya sila? Kamusta kaya si Jennie, ilang araw na sya di nagpaparamdam ah. Mawawala lang ba ng ganun ganun ang kilig sa katawan ko? syete? Karma ba ‘to? Wag naman sana…

 

“You have only been gone ten days, but already I'm wasting away…”  Last na text ko na ‘to ngayong araw. Itry ko ulet. Jenny. Namimiss ka na ng mokong na’to wag mo naman ako pahirapan please. Txt back.

Sana hindi ito totoo. Na sana makakausap at makikita ko pang muli si Jennie.

 

“I know I'll see you again whether far or soon. But I need you to know that I care and I miss you...”

 

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata. Sa pag-aasam na sana'y panaginip nga ang lahat. Naghintay ako sa wala. Walang alarm clock na gumising sa akin. Walang mensahe at tawag akong natanggap mula sa kanya. Wala, maliban sa....

Halik ng babaeng naging dahilan kung bakit excited akong gumising at harapin ang panibagong araw. Si Jennie.



"Nanaginip ka yata. Gising na.” kanyang matatamis na ngiti ang bumungad sa pagmulat ng aking mga mata “Reporting for duty sir" sambit ni Jennie

 

“Reporting for duty maam” ang tangi kong nasabi sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

 

 

 

 

====

ito ay para suportahan si pareng L sa kanyang same shit, different day

 

Technorati Tags:

26 comments:

Bino | September 2, 2011 at 8:53 AM

Good luck sa contest ni L! :)

hArTLeSsChiq | September 2, 2011 at 9:15 AM

base!!! kahit hindi :))

o e di ikaw na ang bumabangon sa halik ni Jennie.Fine. Sige fiction ito. Fiction.

Ito yung routine na hindi pagsasawaan lalo na kung minamahal mo yung lagi mong makikita pagbukas pa lang ng mga mata mo sa umaga. Wala lang kinikilig lang :))

mianski | September 2, 2011 at 9:35 AM

Inar-ar entry! I like! :)

joeyvelunta | September 2, 2011 at 9:40 AM

Jennie, alam kong mahina ako sa matematika at lalung-lalo na sa mga numero. Pero kung iyong isusulat sa aking mga palad ang iyong celfon number. Itatapat ko ito dito sa aking dibdib (inakma ang palad sa puso na parang nagbabayang magiliw) para maisapuso ko at hindi makalimutan kailanman. Sabay pakita ng palad na may bolpen>>> dahil dito may kahilingan ako, sa pangalang bulakbolero maari bang tanggalin mo na yung "bulak"? ahahaha. idol na kitang sagad-sagaran hahaha

Umiincubus ka sir SG ah.

salbehe | September 2, 2011 at 9:43 AM

Kabaliktaran ng SSDD shit ko. Ganun ba talaga kapag inlababu? Masayang gumigising sa umaga? Kalokohan! (:

Aj Banda | September 2, 2011 at 9:47 AM

sobra naman ito...

ikaw na po ang kinikilig! hahaha...

gusto ko sana sumali, sayang ang GC pero wala akong maisip na kash*tan sa sobra kong saya eh..

Good luck sa contest!

Toilet Thoughts | September 2, 2011 at 9:59 AM

haha! Ramdam ko bitterness ni ate Salbehe. haha!

sus akala ko totoo na, sayang piksyon lang pala. haha!

akala ko sa pag-ihi nalang ako kinikilig, kinilig din naman ako ng bahagya ng mga dalawang nginig dito. hahaha. *peace*

Pong | September 2, 2011 at 10:09 AM

kakakilig naman hahahaha
xD
ikaw na ang may sinasaluduhan, ikaw na ang mga may mga banat na pamatay.

Anonymous | September 2, 2011 at 1:47 PM

kala ko totoo, ggayahin ko sana yung banat mo na, hindi ako magaling sa matematika..hahahaha... hahaa. natawa ako sa may pikit pikit pa kung panaginip lang. hahaha..

-kikilabotz

LordCM | September 2, 2011 at 2:50 PM

ang maganda lang, alam mo na ang pakiramdam ng wala si jennie, kahit sa panaginip mo lang naranasan ito...

goodluck :)

khantotantra | September 2, 2011 at 3:20 PM

baki kpag sumasali you sa kontest super ganda ng nga entries mo. ikaw na!!!

~ JaY RuLEZ ~ | September 2, 2011 at 3:20 PM

goodluck dito at sana manalo ka joel :)

fiction???

Xander | September 2, 2011 at 7:01 PM

ikaw na ang may halik na alarm clock.. hahah maswerteng bata... lolz

Makina ni Monik | September 2, 2011 at 7:04 PM

YOU ALREADY sir Bulak! Lab story ito. Ikaw na ang pagkain ang picture lol. Nakakakilig naman eeee pano mo nagawa to sa mundo sir? Bakit ka ganyan? ahahaha.! Jenny the Alarm Clock.

Mai Yang | September 2, 2011 at 7:32 PM

love story na sana! haaaaaaaaaay!

ako nalang ang Jenny mo =))

-jk! ^_^

anu kaya ang nagyari sa kanya no? na.curious ako.

duking | September 2, 2011 at 9:05 PM

SSDD nga ito. Sweet Story, Darling Dear. haha!

goodluck. panalong panalo ang love life mo, sir. maging maligaya sana kayo ni jenny habang buhay.

palakanton | September 2, 2011 at 11:18 PM

ang gsling nman ng pagkakagawa kahit fiction lang at is this real story parang tlgang my pinaghugutan ka... ang galing pre.....

charles. | September 3, 2011 at 12:19 AM

Ay ako hindi nasasarapan sa paggising ng umaga, hehe.

Sayang naman yung dream, kalako totoo na. haha

the green breaker | September 3, 2011 at 1:39 AM
This comment has been removed by the author.
the green breaker | September 3, 2011 at 1:41 AM

after reading this, gusto ko mabasa yung encrypted posts mo dati..

good luck po pala! :)

saM | September 3, 2011 at 1:58 AM

galing naman oh. :)

hana banana | September 3, 2011 at 10:06 PM

putakteng malagkyet!!! super nkaka kilig...haaay, nkaka miss ang may syota!
--blogwalking--

YOW | September 4, 2011 at 12:41 AM

Hahaha. Ang landi ng post. Like! Gusto ko din to, pati yung kay Kuya Gibo. Eto naman eh mukhang makatotohanan. Ang sweet nung datingan, SSDD nga naman. Same Sweetness, Different Day. Ikaw na. God bless. :)

bagotilyo | September 4, 2011 at 8:56 PM

haha..eh di ikaw ng inlab idol bulakbolero..

hindi ako naniniwalang bolero ka talaga..

sa pagkuha mo pa lang ng number normal na normal lang..

sana makita mo na c jenny para bumalik ang kilig.

buti ka pa ako kinikilig lang pag na IHI.... :D

jowyow | September 5, 2011 at 3:00 PM

...yan! yang lovelife na yan ang kulang sa hay buhay life ko kaya eport na eport sa akin ang bawat gising ko sa umaga!kailangan ko na siguro ng katabi sa kama! haha!

Leo | September 6, 2011 at 5:09 PM

Awwww... Ang sweet ng "reporting for duty ma'am".

Sana manalo ka sa pakontes. You have talent papsi! :)