paulit-ulit

 

 

ang tao daw pag may gusto makuha, paulit ulit nya itong pinagdarasal hanggang matupad.

 

pag may gusto syang matandaan, paulit ulit nya itong binabasa hanggang makabisado.

 

pag may gustong syang matutunan, paulit ulit nya itong inaaral hanggang mapamilyar.

 

pag may gustong matapos, paulit ulit na ginagawa hanggang mabuo.

 

 

 

ganun daw talaga. kelangan consistent at persistent (tama ba mga english ko? LOL!).

 

 

 

pero bakit pag nakuha na natin, bigla nalang tayong titigil?

 

 

 

dahil dun, ang mga pangarap na natupad ay possibleng di maganda ang kalabasan.

 

ang mga bagay na gustong matandaan at matutunan, possibleng makalimutan.

 

at ang mga natapos at nasakatuparan ay bigla nalang mawawalang saysay.

 

 

 

sa bandang huli. mainam pa din ang paulit-ulit.

12 comments:

khantotantra | September 20, 2011 at 2:08 PM

di ko alam ang kasagutan.

siguro minsan kapag nakuha na ang minithi hanggang doon na lang. the end na. ewan. basta malabo. hehehe

Leo | September 20, 2011 at 2:09 PM

hmmm, napaisip din ako ng malalim. batid natin ang tao, hindi nakukuntento kaya kapag nakamit na ang pangarap, ay hahangad pa ulit.

dahil jan, paulit-ulit lang. haha. im not sure if i'm making any sense.

The Gasoline Dude | September 20, 2011 at 2:32 PM

Ang lalim naman! Para sa akin, mas mahalagang unahin muna ang 'self-reflection', 'yung tipong aalamin natin sa sarili kung anong kakulangan sa buhay natin tapos dun na magsisimula 'yung 'search' na tinatawag sa magpapasaya at magpi-fill up ng void sa atin. Mahirap kasing magpaulit-ulit kung hindi naman natin alam kung saan tayo patutungo.

Toilet Thoughts | September 20, 2011 at 2:35 PM

pag paulit ulit mong gustong maatim ang isang bagay. tapos dadating ang panahon na nakuha mo na, paulit ulit mo padin itong gugustuhin. lalao na pag pinag hirapan mong makuha.

Hindi naman talga natatapos ang mga bagay pag nakuha mo na ung gusto mo. naiiba lang bagay na inuulit ulit.

parang sa trabaho. paulit ulit mong ipagdadasal na makuha mo kasi gusto mo. pag nakuha mo na, paulit ulit mo ding gugustuhin para maging productive ka.

o kaya'y sa lablyp. paulit ulit mong liligawan. pag napasagot mo na ng oo, paulit ulit mo ding mamahalin. baka kasi mawala sayo.

kaya... tuloy tuloy padin ang paulit ulit.

ulit nga?

empi | September 20, 2011 at 3:37 PM

parang ako lang, paulit ulit na hinihiling hangga't makamit at biglang nawala... uulit na naman sa kahilingin... ganun nga talaga siguro.

iya_khin | September 20, 2011 at 4:55 PM

paulit ulit....may point ka! pag nakuha o nagawa mo na ang isang bagay minsan nakakalimutan mo na yung sense kung bakit gusto mong ulit-ulitin yon dati nung hindi mo pa nakukuha ang isang bagay...paulit ulit lang din..

rainbow box | September 20, 2011 at 6:17 PM

as the saying goes:
“A drop of water breaks a stone, not by sheer force, but by dripping continuously. That’s the power of patience and perseverance.”

pag nakamit na natin ang isang bagay na gusto natin, tumitigil nga ba talaga tayo? hindi kaya we just look for something more kase nature na natin ang hindi nakukuntento?

we feel happiness and jubilation but we still look for something greater. ganun na ata talaga. hindi naman necessarily hindi maganda ang kinalalabasan or bigla nalang nakakalimutan or nawawalan ng saysay. naghahanap lang tayo ng iba pang uulit ulitin para makaramdam ulit ng bagong satisfaction.

an_indecent_mind | September 20, 2011 at 9:41 PM

nung nabasa ko iyong kumento ni rose, nawala ang ikukumento kong katarantaduhan! takte, pakiramdam ko ambobo ko! haha!

tip: bago magbasa ng comment ng iba, magcomment na muna para di maapektuhan! hahaha!

Bino | September 20, 2011 at 9:44 PM

sana lang, pag nakuha na ang gusto na paulit-ulit nating hiniling, magpaulit-ulit din sana tayo ng pasasalamat. Yun ang kulang

palakanton | September 20, 2011 at 11:41 PM

isa eto sa realidad.........

Anonymous | September 21, 2011 at 11:30 AM

... And when you find that special place that you've been dreaming of... Leads you to a lonely place... Find your strength in love :)

-ro ann

Kurapott | January 6, 2012 at 8:37 PM

pacopy paste nman pra sa research about repetition pang related article lng .. hehe thankyu so much :)