Tagay pa

Demonyo daw ang alak. Pag ang tao daw uminom ng alak at nalaseng may tendency daw na mawala ito sa katinuan at makagawa ng di tama.

Tropa1: hindi masarap uminom ng gatas pag umaga.
Tropa2: mali ka. Pag umaga hindi masarap ang gatas.

Tunay na usapan yung nasa taas. Storyahan nang barkada nung college. Usapang lasheng. Away lasheng. Halos isang oras nagtatalo yung dalawa kong tropa dahil sa iisang concepto lamang. Ngayon pag naalala nila 'to natatawa nalang sila.

Malakas ako uminom dati. Ilang beses sa isang linggo ako nakikipag-languan sa alak. Halos lahat ng storyahan at pangyayari na dulot ng alak, namulat ako.

Hindi pa nagtapos ang usapang gatas sa taas. Dahil di magkasundo kung masarap ba uminom ng alak pag umaga, naisipan ni tropa 1 na mag yosi muna. Pagbalik...

Tropa1: may naghahamon sa atin ng away sa labas. Tara sunggaban natin.

Dali daling kumuha ng patalim itong si tropa, nagpapasama sa amin para may resbak sya. Pinabibitawan ng ibang tropa ang kutsilyong tangan ni tropa1 pero matigas to at gusto pa din lumabas.

Ayaw nila samahan si tropa1 sa labas. Baka daw mapulis kami. Makasaksak. Mapaaway o anu pa man. Nagpupumilit si tropa1.

Walang alinlangan, sinamahan ko si tropa1. Nilakad namin ang buong kanto ng ibarra sa sampaloc. Habang naglalakad, nagkwekwento sya sa sakin ng kung anu-ano. Nagagalit sya sa nag aamok.

Napagod kami kalalakad pero katahimikan ng kanto lang ang nasaksihan namin. Walang tambay o anupaman.

Naisip ko, baka nananaginip lang ng gising si tropa. Dahil na din sa alak siguro. Bumalik nalang kami sa bahay.

Moral lesson? Wag uminom ng alak. Dehins din siguro. Para sakin, mas masaya makipag rambulan kesa makipag 1 on 1. Kung tunay man yung sinasabi ni tropa na may nag aamok sa kanya, mas gugustuhin kong makipag rambulan din kesa intayin ko syang duguan. Di ga?

Kung di natin sya payagan lumabas, baka magwala pa sa loob ng bahay yun dahil sa gusto nya magpumiglas.

Ang gusto makawala, hayaan lumaya.

Kung mapapaaway ako at masasaktan o mamamatay dahil sa pagback-up sa isang tropa, matutuwa pa ko kesa makita syang malungkot dahil walang suporta syang natanggap mula sa amin.

Dahil sa pangyayaring yon. Lalo kaming naging dikit ng tropa ko.


Para sa akin, Ang tropahan lalong tumatatag sa alak. Mabubuhay ka ng walang alak. Mabubuhay ka na walang inuman. Pero yung gaguhan na nagagawa sa impluwensya ng alak? Kakaibang eksperyens yun na sayang kung iyong mamiss.

Kaya kung tropa kita. Isang tagay naman dyan.




"Lightning McQueen: Wish me luck.
Mater: You go get 'em, buddy. "
-cars2


imahe mula kay pareng gugel.

 



Pinaskil sa aking iphone gamit ang bagong blogger apps ni pareng gugel habang naglalakbay papuntang opisina

24 comments:

saM | September 9, 2011 at 8:38 AM

eh bakit gumagaling ka nang magsulat? ano meron? inspired? tagay tayo :)

Leah | September 9, 2011 at 8:51 AM

Walang masama sa alak.. siguro masama lang yun gawin mo yung ALAM mong mali, at gagawing excuse ang impluwensya ng alak..

Ah basta.. drink moderately na lang. hehe..

Tagay tayo, bolero! :P

Toilet Thoughts | September 9, 2011 at 9:09 AM

"Pero yung gaguhan na nagagawa sa impluwensya ng alak? Kakaibang eksperyens yun na sayang kung iyong mamiss."

sang ayon ako dyan. may mga nasusulatan ng pentel pen sa mukha, nadodrowingan sa katawan, nakakalbo, nahuhubaran, at may kung ano ano pa.

sa lahat ng ito, habang buhay nyong matatago bilang masayang alaala.

Kampay!

palakanton | September 9, 2011 at 9:46 AM

masarap ang alak pero ika nga drink moderately.
ang dami ko na rin masamang karanasan sa alak at un iba tlgang nkakahiya pero ganun tlga di tlga maiwasan ang mapainum...

Aj Banda | September 9, 2011 at 9:53 AM

Masaya nga pagkwentuhan ang mga lango-sa-alak experience. Masarap din malaman na kahit na ikaw ay nasa point na di mo na kilala ang sarili mo dahil sa lango ka na sa alak na nainom nyo, meron pa ring kaibigan na handang umagapay sa'yo... ganda ng story nyo po! :)

an_indecent_mind | September 9, 2011 at 5:29 PM

tunay ang mga tinuran mo brod...

ang tunay na pagkakaibigan ay pinatitibay hindi lang ng mahabang panahon ng pagsasama, kundi pati na rin sa dami ng naitumbang serbesa.. samahan pa ng mga gaguhan, lamangan at damayan -- trobol man yan o kalokohan!

itaas mo!

kikilabotz | September 9, 2011 at 9:24 PM

the best ka palang tropa, ehehe. kapag naging magtropa tayo. makikipag away ako ng marami. tapos ikaw na lang makipagpatayan for me. hahahaha..joke..

natawa ako, usapang lasing talga. nyahahaha

Neneng Kilabot | September 9, 2011 at 10:35 PM

"Ang tropahan lalong tumatatag sa alak. Mabubuhay ka ng walang alak. Mabubuhay ka na walang inuman. Pero yung gaguhan na nagagawa sa impluwensya ng alak? Kakaibang eksperyens yun na sayang kung iyong mamiss."

kampay! nakakamiss talaga.

Lakwatsero Ako | September 9, 2011 at 11:18 PM

ayoko ng maglasheng. minsa na akong napariwara ng badeng.

the green breaker | September 10, 2011 at 1:33 AM

ayoko na rin. liver lover, boy na ako. lolz. iwas na talaga ako dahil marami na rin akong bad bad experiences dahil sa pagkalasing ko. sabi sakin ng classmates ko ako daw nagpauso ng planking nung minsang malasing ako. LOL!

lonewolf | September 10, 2011 at 9:21 AM

yung iba masgusto uminom para maslumakas loob nila sa away at ang iba di nararamadaman ang sakit paglasing

shy | September 10, 2011 at 10:03 AM

masharap shalagang uminom....ng shalak...ano ba un.. parang lasheng lang.. hahahahhaha.... lagi lang tatandaan ang alak nilalagay sa tiyan... hindi sa utak... haitz.....:D

Stone-Cold Angel | September 10, 2011 at 10:18 AM

Namimiss ko na din yun panahon na halos araw araw lasing ako.

Pero ayaw ko na din bumalik sa dating nakagawian.\

Mas masarap uminom basta walang bad trip at puro tawanan at kwentuhan lang.

chingoy, the great chef wannabe | September 10, 2011 at 10:47 AM

na realize kong antagal ko na palang walang alcohol sa katawan...

Diamond R | September 10, 2011 at 12:34 PM

Dahil dito lalakas ang bintahan ng kahit na anong klasing alak.Sa ngalan ng samahan at pagkakaibigan.

xallthethird | September 10, 2011 at 3:24 PM

Ako, umiinom ng alak para gumanda ang boses sa videoke. Haha.

mommy-razz | September 10, 2011 at 6:40 PM

bakit ganun, alak palagi ang kasama ng magbabarkada.. pwd naman wala un eh.. hehe sa amin bawal ang alak.. hehe

Zhurutang | September 11, 2011 at 10:34 AM

. . naaalala ko na naman yung mamang naglalasing mag-isa sa tapat ng bakery ni aleng belen sa kanto ng calamba at metrica. isang beses siyang nagwala at nambato ng bote sa mga nag-dadaan. nairita yung isa pang manong na nakatira sa tapat nila aleng belen (yung namamahala sa juetengan)- ayun, sinugod niya si manong soloista. akala namin, magsusuntukan silang dalawa dahil parehas lasing. ang ending, dalawa na silang tumutoma at nagse-share sa bibingkang nabili nila sa kanto ng calamba at maceda. tae that!

iya_khin | September 11, 2011 at 1:55 PM

tagay!!!!! gustong ko din ng rambulan! wahahaha!

umiinom ako dati para makabirit ako! hahahha

empi | September 12, 2011 at 9:52 AM

mas masaya nga kapag rambulan. hehe

madaming nagagawa kapag natamaan na ng alak. :)

Leo | September 12, 2011 at 4:34 PM

Drink moderately, support friends moderately too. :) Just my two cents.

Anonymous | September 12, 2011 at 5:29 PM

sipag mo magsulat repapips! 8 unread agad ako paglogin ko kay pareng gugol :))

taralets inuman ulet at tong-its magdamagan!

- jaki

-=K=- | September 14, 2011 at 1:59 PM

Pero alam mo tama yung sinabe mo na kung gusto kumawala, hayaang lumaya. Di lang sya applicable sa story nung nagwawala mong tropa pero pwede ring gamiten sa ibang aspect ng life. Gusto ko tong post na to. At dahil jan, tagay tayo! :D

bagotilyo | September 14, 2011 at 4:42 PM

eh ano pang hinihintay natin?


simulan na ang tagayan..

cheers!

heheh...



tomo! ung kakaibang experience ang nakakamiss , hindi yung alak mismo... congrats satin ibig sabihin di pa tayo kabilang sa mga alcohol dependentssssss..

lolz.