Hindi ko PEBA entry ‘to

 

 

 

“Matagal-tagal ko na ding pinangako sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak... Kailanman! “big boy na ata ‘to”” Isang pagsubok ang pagiging OFW. Ilang beses na din ako nakabasa ng istorya ng mga OFW bloggers na tila sila yata yung makapagpapabali ng aking pangako nung kabataan ko.

(hango sa aking PEBA  entry)

 

 

 

magdadrama lang muna ako ng konte. potakteng malagket talaga. kasalanan ko bang makabasa ulet ng kwentong ofw sa taong kakilala ko pa ng personal?

 

Sumali ako sa PEBA hindi dahil sa gusto kong manalo at umakyat ng entablado. Hindi rin dahil gusto kong sumikat o anu pa man (sikat na kaya ako. LOL!). Sumali ako sa PEBA dahil gusto kong magsulat. Kahit may mga tao na di natutuwa sa istilo ng aking pagsusulat. patuloy pa din akong nag-susulat. naging parte na ‘to ng buhay ko.

 

Nabuhay ang bulakbolero sa sg dito mismo sa singapore. OFW din yung blog na’to katulad ng may-ari. ang pagkakaiba lang nga namin, sya ay naturalized born ofw ako naman ay nakipagsapalaran lang sa buhay dito.

 

May hangganan ang lahat. last year ganito din ang storyahan ko. matatapos na kontrata ko sa nobyembre. di ko alam kung marerenew ako o hindi. intay intay. nakakainip pero bilang ofw, wala naman akong magagawa. possibleng huling setyembre ko na dito. huling oktubre at huling nobyembre malamang. hindi rin ako makapagplano ng bakasyon sa pasko dahil lahat ay nakasalalay sa kontrata ko. kaya di ko nalang iniisip baka maging madrama lang ako at mabawasan pa ang aking kagwapuhan dito sa blogospero.

 

Panigurado uuwe din ako sa pinas, kung malapit na o matagal pa, yun ang di ko alam.

 

Sa pag-uwe ko, uuwe din si bulakbolerosasg. magiging bulakbolero kung saan man sya mapadpad.pero malamang sa alamang ay magiging bulakbolerosaph na. ready din naman syang harapin ang bawat hamon na pagdadaanan nya sa susunod na destinasyon. kung magpapatuloy pa yung blog nya bahala na si robin o si superman kaya?

 

basta ang alam ko eto ang nakakalungkot isipin, dahil sa singapore ako namulat sa pagbloblog. nakakilala ng mga tunay na tropa na iba man ng hilig at ugali pero nag swak.

 

yaen na. ganun talaga ang buhay. SUGAL.

 

 

========

 

at kahit sinabi ko sa taas na di ako sumali sa PEBA dahil sa premyo o anupaman, kelangna ko pa din ng suporta nio. feelingero kase ako. LOL. kailangan makasungkit kahit pinakamadaming boto lang. kung baga sa contest ay pinagbigyan lang dahil naawa.

 

 

Sino man ang di pa nakakabasa ng PEBA entry ko eto po yung LINK.

 

Kung gusto nio po akong suportahan, palike nalang po yung PEBAWARDS na group. tapos po yung mismong LINK ko po palike din.

 

At dun po sa online voting, kelangan ko po tulong nyo, #16 po ako DITO. pasuportahan na din po yung mga tropa kong bloggers na sumali din sa PEBA. sila po ay sila gasul, iyah at ser kuya mao.

 

maraming salamat po.

16 comments:

hArTLeSsChiq | September 6, 2011 at 3:26 PM

yun oh ito pala yun...

kahit saan ka pa mapunta ikaw pa rin ang dakilang bulakbolero samin :)Sabi ko nga move forward lang kung ano man ang kahinatnan.

hArTLeSsChiq | September 6, 2011 at 3:27 PM

BASE pala!

Aj Banda | September 6, 2011 at 3:32 PM

sabi ng peba site nakaboto na daw ako.. hahaha... pero don't worry.. navote ko na you kahapon! LOL

go bulakbolero!!! :)

The Gasoline Dude | September 6, 2011 at 4:52 PM

Dyowel.

Mabuti ka pa nga at mukhang madami ka ng naipon, saka mas in-demand ang propesyon mo kumpara sa ‘kin. Kahit hindi ka ma-renew sa kumpanya mo, alam kong makakahanap ka din ng kapalit, kung hindi man dito sa Singapore eh puwede sa India, Korea, Australia, o kung saan man.

Saka ngayon ko lang natututunan ang hindi mangamba kasi una, hindi ko naman kontrolado ang lahat ng bagay. Saka sabi nila, worry means there’s lack of faith. Nagsisimba ka naman ‘di ba? Kaya alam kong alam mo na dapat hindi nawawala ang pananalig natin sa Diyos.

Good luck din sa PEBA. Mas malaki ang chance mong manalo kasi napag-iiwanan ako sa votes. Hahaha ang hirap palang mangampanya. LOL!

Toilet Thoughts | September 6, 2011 at 5:00 PM

Want it and the whole universe will conspire for you to get it. And if God wills for you to have it, nothing can stop Him from giving it to you.

Plus may kilala akong batang umikot ng tatlong beses sa Fountain of Wealth para iwish na makuha mo ung gusto mo. haha.

Tama si sir gasoline dude, there will be much opportunities for you. Just have faith. :)

iya_khin | September 6, 2011 at 5:04 PM

weeeh promopromote pala! hahahaha astig! saan ka man naroroon ngayon babalik ka rin at babalik karin...sabi ng background sound sa PEBA! hahaha!

mommy-razz | September 6, 2011 at 6:55 PM

once a blogger, always a blogger.. nice entry.. Good Luck

xallthethird | September 6, 2011 at 7:37 PM

Everything will be laid in front of you sooner or later. Kahit saan ka pa mapunta, it will not spell fulfillment or success and malay mo, mag renew ka ng contract diba? Smile smile lang!

Bino | September 6, 2011 at 9:32 PM

kahit san ka man mapunta, ikaw pa rin si bulakbolero. at suportado ko ang entry nyo ni iya

Leah | September 6, 2011 at 10:23 PM

Nasa SG ka man o balik Pilipinas, suportahan taka, kras. Lol..

Ganun talaga ang buhay. Sugal. Saan ka man mapunta, saan ka man naroroon.. walang pinagkaiba, kelangan mong sumugal..

Good luck sa PEBA entry. :)

kikilabotz | September 7, 2011 at 7:54 AM

nararamdaman ko na mananalo ka sa PEBa ..ako talo ako dati eh. anaknamputcha...hehehe. sus payaman k n lang sa pagbblog.hehe

empi | September 7, 2011 at 8:56 AM

nakaboto na ako.


Good luck! Hehehe.

KikomaxXx | September 7, 2011 at 1:49 PM

wow gudluck talag chong.. hahaha

Diamond R | September 8, 2011 at 11:55 AM

lahat ng kilala kong blogger na vote ko na kahapon. Di ko maalala kong nakita kita doon. Tama si Gasul wla ka dapat ipag alala. Ang maganda you are moving on. Ang madalas na problema ng iba kuntento na sa kung ano ang meron sila sa kasalukuyan (comfort zone)Pero ikaw you're breaking in.Kaya mabrook.

bagotilyo | September 8, 2011 at 4:49 PM

naboto na kita last week pa ata..

wahaha..at dahil feelingero din ako susuportahan kita..

Ipagpatuloy mo lang ang pagbubulakbol kahit saang lupalop ng mundo.

tara ng mag tong its este sumugal . :D

LordCM | September 9, 2011 at 3:28 PM

buti sa amin 3 months bago ang tapos ng contract mo malalaman mo na kung irerenew ka o hindi kaya may panahon para maghanda...

ganunpaman, saan man mapadpad ang bulakbolero, kasama ako, kami! :D