anti-planking bill ba ikamo?

 

 

IMG_1434

at nagplanking daw si bulakbol… nyak di bagay pala. haha.

 

 

bagamat sa salitang english ang pagkakasulat ng anti-planking act of 2011, naintindihan ko naman eto (sana).

at naisip ko na kung papatulan ko ‘to wala din namang maidudulot sa buhay ko dahil…

 

1. hindi ako sakop ng batas kase ‘di na ko estudyante.

2. ‘di ako nagplaplanking

 

 

pero dahil mapagpatol ako at naflood ang twitter ko dahil sa bill na ‘to, gagawan ko na ‘to ng post.

 

 

hindi ko gusto yung bill na ‘to hindi lang dahil sa kung anu ano pa mang sinasabi ng iba.

 

…na sa halip daw na ipasa yung mas kapakipakinabang na bill na tungkol sa kalusugan, kabuhayan o mas importante pa dito ay eto ang pinapansin.

 

 

 

ang ayoko dito sa bill na ‘to ay bakit sa planking lang sya nagfocus?

 

 

lalo na at hinighlight pa yung estudyante sa bill. ibig bang sabihin na’to yung pagrarally ng ibang estudyante ay ayus lang?

 

paano yung mga may dalang mga pambato?

 

paano yung mga rallyista na nagkakalat sa kalsada ng mga papel at pagkatapos neto ay di naman nila lilinisin?

 

paano yung mga rallyista na nakaka-apekto ng daloy ng trapiko?

 

at paano kung mga estudyante na sa halip na pumasok sa klase ay nagrarally?

 

 

 

bakit nga ba sa planking lang ito nakafocus?

 

 

dahil ba ito ang uso ngayon? ito yung in? ito yung papatok na pag sinabatas ay mapag-uusapan?

 

 

paano kung may pilosopo na kabataan na dahil sinabing bawal magplanking ay humiga nalang sa kalsada habang nagwewelga (reverse planking)? o patagilid kaya? Pede ba to? walang nakasaad dun sa nabasa ko tungkol dito kase. sakop kaya to?

 

Hindi simpleng term paper lang sa eskwela ang pag-gawa ng batas na pag may kulang ay madaling gawan ng revisions.

 

 

 

 

tama ata yung sabi ng ilan na MEMA lang?

22 comments:

Poipagong (toiletots) | September 21, 2011 at 9:03 AM

base! lol

may gym sa bahay mo? haha. ayan nagagamit mo pala. pang planking. lol.

hArTLeSsChiq | September 21, 2011 at 9:16 AM

A+ for effort parekoy :))


hindi ko pa alam ang nilalabas niyang batas na yan, pero naman anti-planking?? uunlad ba ang bansa diyan sa batas na yan? mawawalan ba ng mga magnanakaw at snatcher sa daan? mababawasan ba ang trapiko lalo na sa Edsa?


hayy sana lang ang bigyan ng pansin ay yung mas mahahalagang issue na dapat lutasin sa ating bansa hindi yang ganyan, MEMA lang.

Bino | September 21, 2011 at 9:30 AM

astig ang planking o! hehehe. sakin lang, may mga mas importanteng dapat unahin ang gobyerno kesa dyan sa planking na yan. makaalis na nga ng pinas! hehehe

khantotantra | September 21, 2011 at 9:36 AM

wahahaha, may planking shot ka din pala. lols.

alam mo naman sa pinas, basta basta lang makagawa ng bill.

The Gasoline Dude | September 21, 2011 at 10:25 AM
This comment has been removed by the author.
The Gasoline Dude | September 21, 2011 at 10:26 AM

Natawa ako sa planking shot mo. Effort! LOL!

Alam mo na ata ang stand ko sa Anti- Planking Act na 'yan. Tingnan ko kung makagawa din ako ng post tungkol diyan. :)

Diamond R | September 21, 2011 at 12:06 PM

diyan magaling sa atin ang paggawa ng bill.padamihan pa kamo.

Anonymous | September 21, 2011 at 12:09 PM

At nag plank ka ren talaga hehe...anti-planking bill is non sense for me...ubos oras, gusto lng ng attention. Magplank sila para maka kuha sila attention.

ISTAMBAY | September 21, 2011 at 12:46 PM

nakikiuso na din ang bill bill natin ngayon. kung anong IN eh yun ang pagtutuunan ng pansin. May tinatabunan lang na mas mahalagang issue. Aywan ko sa mag akda ng bill na yan kung anong pumasok sa isip nya.. :) pam pam lang yata heheh :)

magandang araw po :)

mails2god | September 21, 2011 at 1:41 PM
This comment has been removed by the author.
Anonymous | September 21, 2011 at 1:42 PM

ay ansaya, me krismastri na kau sa haus!!! dati parol lang sa pinto..nagle-levelup sa pasko spirit :))

wala kong macomment sa anti-planking act, di ko siya maarok haha

-jaki

Akoni | September 21, 2011 at 2:11 PM

Anak ng planking sa planking mo...hahaha....

sabi na eh...pag-uusapan na naman ang planking na yan sa pinas, matagal ko na yan alam at nakita...syempre, ano pa ba ang gagawin mo ng mga taga ng batas sa pinas, kung ano ang uso at pamamansin sila, un ang pagtutuunan nila ng pansin..hehe..makapagplanking nga din...sa table ng boss ko kaya? hehehe

Tago Fabic | September 21, 2011 at 2:59 PM

Haha, ako rin, ndi bagay sakin ang planking at never pa ko nagkapicture ng planking hahah.

Agree ako. Planking is just a fad now and this bill, if turned to law, will be deemed obsolete once a new fad comes in. For all we know, once finally napasabatas na yan, iba na ang uso. So how?

Leo | September 21, 2011 at 3:15 PM

agree, it's just MEMA. what a pathetic congressman.

kikilabotz | September 21, 2011 at 3:23 PM

hahaha, wala akong paki alam sa anti plangking bill na yan..ang mahalaga, astig ng planking mo bro. hahaha

KikomaxXx | September 21, 2011 at 11:50 PM

hahhaa yung gobyerno natin o bakit kaya di nila ideretso na anti-protest bill.. hahhaa

Nimmy | September 22, 2011 at 5:16 AM

Wahaha! Nakikiuso si congressman!

More planking photos of you please. Ahihi

~ JaY RuLEZ ~ | September 22, 2011 at 3:26 PM

walang wentang bill...

mas may wenta pa ang planking mo ohh..

lol

duking | September 22, 2011 at 8:07 PM

aba't puma planking din oh?

walang sense yung planking, walang sense yung batas laban sa planking. hindi ko maisip kung bakit may gumagawa ng ganitong batas. tsk.

Josh | September 22, 2011 at 9:38 PM

para mapag-usapan si congressman. grabe. buti walang nag-rally para kontrahin ito. lol. ang daming issues ng bansa natin, di man lang mag-isip ng mga mas makabuluhang panukalang batas.

palakanton | September 22, 2011 at 11:24 PM

kakaiba nga bill n2 at ang dami naman pwede ipasa, haissssttt

jaki | September 26, 2011 at 1:09 PM

eeeeee... itry mo naman minsan ang batmanning! LOLz