Pamagat: Bantay
May-akda: Bulakbolero@sg
Ipinaskil: ika-19 ng Desyembre 2011
napilitang lahok sa patimpalak ng kaibigang si Alex
tangan ang maleta
tiningnan kung may kulang pa
tila wala na
ako’y lalarga na
walang pagsidlan ang pagkasabik
na madinig ang iyong mga hagikgik
isama pa ang bawat langitngit
ng kama kapag tayo’y nagtatalik
ito na ang araw na pinakaaasam-asam
lubos na kasiyahan ang nararamdaman
muling makikita ang minamahal
na tangi at laging hiling sa Maykapal
lulan ng pampasaherong jeep
mukhang maiihi sa brip sa pagka-sabik
hindi maitago ang ngiting kalakip
ng mga diwang na-iisip
sa aking pagpanaog sa sinasakyan
tila ‘di magandang pangyayari ang nadatnan
sa aking pagtahak papalit sa’yo
bakit ika’y tumatangis at nanlulumo?
gusto kong pahiran ang luha sa iyong mga mata
subalit bakit wala akong magawa?
sa pagtatangkang yakapin ka,
paulit-ulit na pagkaibigo ang aking natamasa.
“wala na s’ya” tangi mong sambit.
habang ang ating bunso’y iyong bitbit.
hindi pa matukoy kung sino ang iyong binabanggit
habang kausap ang kapatid at nakatuon sa langit.
“tumagas daw ang gasolina ng jeep” dugtong mo
“walang anu-ano’y sumabog ito”
“walang nakaligtas sa mga pasahero”
“wala na ang inaabangan ko…”