15 com

Stayl bulok


Minsan may diskarte tayong sablay o kaya bulok. Pag-iyong babalikan, matatawa ka na lang sa mga pinagsasabi mo. Sabe nga, tats move, kung anong nasabi mo na ay di mo na mababawi kahit kailan.
Dahil wala pa ding pumapasok sa utak ko na magandang isulat, eto na naman ako para maghalungkat ng aking chat archive. Habang binabasa ko yung pakikipagtalastasan ko ke kaofismate@sg (inde ito yung nagsabi sakin ng suplado), natatawa ako sa mga bulok na hirit na binitawan ko sa kanya. Eto yata yung masasabing stayl bulok. Nasa baba yung usapan.

Isipin mo yun, ang hirap pala ibigay ang number sa akin? Napaisip tuloy ako kung ano ba pagkakaiba ko sa iba bukod sa inde nga ako cute? At anu ba basehan ng pagiging cute? Para sa akin nasa tumitingin lang yan. At hindi naman talaga ko cute, pambata lang kaya un. Pang hayskul ba-ga. Saka napansin ko, makapal din pala mukha ko kahit paminsan. Hehe… kunwari pa ko na ayaw ko ng eksposyur pero dumidiskarte din pala sa likod ng kamera. Ganito siguro ko kajologs. Kakahiya mang aminin pwede akong maging nominado maging hari ng sablay. :P
Ngaps, medyo naging  trademark ko na ang magcopy-paste ng chat conversation, pero napagtanto ko na parang di na okay na pati yung medyo pribadong buhay ko e naihahayag dito sa blog ko. Medyo baka hindi rin komportable yung mga naiinvolve sa usapan na ilagay ung pag-uusapan namin. Kaya hindi na ko maglalagay ulet ng chat conversation (sana). Eto na yung second to the last, hirit pa ko ng isa next time. hehe...
8 com

Desaru


Sakto, mayo-a-uno nag yaya ang bundokeros na magpunta sa Desaru. Ayon ke wikitravel ang Desaru ay matatagpuan sa south-east part ng Johor, Malaysia.


Photo courtesy of Wikitravel

Gabi palang ng biernes, naresib ko ang iterinary at kung anung oras ang byahe ng ferry na sasakyan papuntang Desaru. 630 ng umaga ang kitakits sa Changi Ferry Terminal. Ang bangkang ito ang maghahatid papuntang Malaysia at mula dun ay magpapadyak na hanggang makarating sa Desaru.

Sa pagtatantya, mga 4 na oras din ang gugugulin ng pagpapadyak kasama na ang pahinga at pamimisan minsang pagpipiktyur piktyur.

Matagal ito. Kaya ang makarating sa mismong destinasyon ay isang kaginhawahan.

Masarap na kahit paminsan-minsan ay magkaroon ng ganitong activity. Eto nga ang aking mga iniintay na gawin. Magbulakbol, magpiktyur sa pampang, lakbayin ang mga lugar na di ko pa napuntahan, at maginuman ng walang humpay hanggang sa pagkagising mo – parang wala lang nangyari.

Subalit… ako ay bigo. Hindi ako nakasama sa Desaru. Dahil sa sobrang aga ng alis. Tinamad ako gumising. Hahabol sana ko sa 2nd batch na 10am ang alis, pero nung nadinig ko ang alarm ko ng bandang alas-otso, pinatay ko lang ito at nagtalukbong na ulet ng kumot.
Lumipas ang araw na ang nagawa ko lang ay matulog at patumbahin si pareng Jose Curevo kasama ang mga tropa sa bahay.

Masarap din naman. Kaso nakakahinayang na di ako nakasama sa Desaru. Sana sa susunod na pagpadyak papuntang Desaru ay makasama na ako.

Moral Lesson:Daig ng tamad gumising ang alarm clock.”
Photos courtesy of Sir Carlo (salamat sir sa pahintulot na gamitin ang iyong mga obra)
 
19 com

Today's gonna be a good day


Ngayon ay a-Uno ng Mayo.



 Si bulakbolero@sg ay nagpupugay sa mga dakilang manggagawa. Salamat sa pawis na inyong pinuhunan.



Para sa lahat ng manggagawa… 



Maligayang araw ng PAG-GAWA!

Photo courtesy of mr. google.