4months na kong walang facebook account pero hanggang ngayon tinatanong pa din ako kung bakit ko dineactivate ito. Umabot din kase ng mahigit isang taon na umikot ang aking mundo sa facebook. Naging adik din ako sa paglalaro ng mafia wars. Nagtayo pa nga ako ng community ng mga pinoy na tinawag naming MAFIA WARS – Philippines. Ako ang founder neto at nagkaroon ako ng mga admins. Bago nga ako magdeactivate ng account, ilang libo na din ang members nya at nagkaroon na sila ng mga EB. Pero ako wala akong sinamahan EB kahit isa.
Bakit nga ba tinanggal ko ang account ko?
1. Madamot akong tao. Ayaw ko na may tumitingin ng account ko na hindi ko alam.
2. Ayaw ko ng may nag gragrab ng litrato ko ng walang paalam.
3. Hindi lahat ng larawan na tinatag sa akin ay gusto kong mapost sa facebook page ko.
4. Nababad3p ako paminsan pag kinakamusta yung nangyari sa buhay ko nung weekend, holiday etc dahil nakita sa facebook page ko yung mga update.
5. Ayaw ko mag accept sa facebook ng di ko talaga kilala pero nahihiya naman akong tanggihan pag may invites na.
6. Ayaw ko maging updated yung mga kaopisina ko sa nangyayari sa buhay ko at dahil hindi ko naman sila matanggihan pag ininvite nila ako maging friend, wala na kong magagawa.
7. Ayaw ko makabasa ng mga status tungkol sa kayabangan.
8. Ayaw ko din makabasa ng tsismis pero walang kang choice lalabas nalang yan sa wall mo ng di mo mapipigilan dahil sa update ng mga kaibigan mo.
Alam ko mga simpleng bagay lang talaga yung mga dahilan ko kung bakit dineactivate ko yung account ko, kumpara sa mabuting nadudulot neto. Katulad ng:
1. Makikita mo yung mga tropa mo na matagal mo ng hindi nakakausap at nakikita.
2. Madali magbigay ng picture kesa iemail mo.
3. Madaling makausap ang pamilya.
4. Wala na kong maisip… LOL.
Pero dahil madami nga akong ayaw na bagay, na pwede nio naman sabihin na pede mo irestrict yung account mo, add mo lang yung mga kilala mo, etc etc dineactivate ko nalang facebook ko. Para wala na din akong reklamo.