Nakakamiss si wifey

Kasalukuyan akong nasa bus habang sinusulat ko 'to. Mag gawa muna ko ng entry dahil intsik nagsalita ang tour guide namin. Pang 4 na araw na ng tour ko dito sa lugar na kung saan may pinakamadaming singkit sa buong mundo.

Pasakit yung hotel namin. Di kumpleto at madaming sirang gamit. Pati kama ko ay sira. Mainit. Madumi. Walang wenta ang breakfast, bukod sa konti na ay di masarap at malamig parang may amag pa ang tinapay na sineserve. Araw-araw na namin nireklamo sa travel guide pero wala. Ganun at ganun pa din. Badtrip. Mas mainam pa sana pinalitan nalang nila ng cup noodles.

Saka ilang araw na ko walang wifey (wi-fi). Thursday night pa nung last na ekspiryens ko ang online world. Kainaman yan. Walang wentang hotel talaga. Wifey wala. Kahit lan wala. Nakng.

Sa panahon ngayon parang isa sa kelangan na ng tao ang net (imo). Nakakamiss laang.

Sige tulog muna ko. Mahaba pa ata ang byahe at nakakadugo ng utak makinig ng intsik na paliwanag.

Later mater.



Continuation...

Busog katatapos lang ng lants.


Natutuwa pala ko sa mga kasama ko sa tour. Kanina lang maaraw sa labas, si uncle nilalagyan nya ng shade yung mukha ni auntie gamit yung kamay nya para di masilaw. Sweet lang. Taz, dalawa yung kasama namin na mag-ina. Yung isa spoiled brat yung babae. Yung isa naman sobrang kabaliktatan, sobrang sweet naman sa ermat nya. Taz may dalawa din mag syuta ga dito. Isa intsik babae taz lalake ay portugese. Yung isa naman pareho sila lalaki. San ka pa? Lol. Madami pala mag asawa sa tour na kapackage namin. Matatanda na sila pero sobrang swi-sweet pa din. Madami kami naging katropa dito sa tour. May tablemate nadin kami.

Miss ko pa din ang 24/7 na net sa SG.

Ayun lang naman. Tulog ulet.

Later aligator.


kuha sa isang dulong bahagi ng great wall.

----
Balik SG na ko. Eto na at active ulet si wifey.

18 comments:

Akoni | October 5, 2011 at 2:43 PM

haayynakkkuuuu...mahirap talaga mawalay sa nakasanayan...

iya_khin | October 5, 2011 at 2:47 PM

yun oh travel ka pala kaya di ka nagpaparamdam lately!

Marco | October 5, 2011 at 2:53 PM

e di ikaw na panalo sa photo contest mo. Hehe

gasolinedude.com | October 5, 2011 at 3:17 PM

Natawa ako sa comment ni Marco. Hahaha! Entry mo ba 'to sa sarili mong photocontest? LOLOLOLOLOL!

bulakbolero.sg | October 5, 2011 at 3:28 PM

@Marco/Alex, pede din para ako makakuha ng premyo. LOL.

Anonymous | October 5, 2011 at 3:44 PM

nalakad nyo hanggang dun sa unrestored part ng Great Wall? :)

Poipagong (toiletots) | October 5, 2011 at 4:16 PM

haha. ang saya, jump shot. ganyan ba ung pwedeng entry? hmmmm.

:P

hArTLeSsChiq | October 5, 2011 at 4:18 PM

o e di natupad na ang plano mo, makapgjumpshot sa great wall. Congrats!

Tawa ko sa comment sa itaas. may point siya u know :))

Palomah | October 5, 2011 at 5:13 PM

wow ganda jan ah! cge isali n yan sa contest mo...

Sendo | October 5, 2011 at 5:21 PM

nagpaparamdam lang...ahw/...gumagala ka na naman...bulakbolero!!! hihi//uy ano ung contest?

khantotantra | October 5, 2011 at 5:24 PM

hahaha, tama si empi, pag yang jumpshot niyo sa great wall ang isang entry sa contest mo, may chancce manalo. :D

mukang active ka na ulit sa online world dahil sa wifey.

Bino | October 5, 2011 at 6:27 PM

kala ko kung sinong wifey un. kaya pala tagal nawala walang connection sa tsina. hehehe :D

charles. | October 5, 2011 at 9:40 PM

Kala ko may asawa ka na eh. haha

palakanton | October 6, 2011 at 1:09 AM

mahirap tlga mag-adjust sa nakasanayan mo lalo na kung mapunta ka sa lugar na malayo sa kinagawian mo...

YOW | October 6, 2011 at 3:46 AM

Hahaha. Mukhang miss na miss mo nga ang wifi. Di ko nahalata. Ang saya naman ng trip niyo. Wala pa namang kwento pero gusto ko kasi pumunta sa Great wall. Sumali ka kaya sa pacontest ni Kuya Bulakbol? LOL. Nice shot.

KikomaxXx | October 6, 2011 at 11:11 AM

hahaha akala ko topic nito yung pamilya... eh wifi pala... hahaha paminsan-minsan naman eh umalis ka sa radiation.. hehehe

Diamond R | October 6, 2011 at 8:24 PM

ang hirap tumalon pag ganyan kalaki ang camera.

fallenrhainnes | October 7, 2011 at 12:31 PM

nakakatuwa naman..pwede bang sumali sa contest.. :P