siopao na special

 

“ito ang trip, ito ang gusto ko. that’s why I am always here, coz I do belong here…”

 

 

Mas mahal, mas masarap, mas sikat at mas mabenta. ‘Yan daw ang siopao na espesyal. Ang pagkakaiba nya sa ordinaryo? pinagsama ang bola bola at asado.

 

 

sa tao, hindi mo kailangang maging kakaiba para maging mas mahal, mas masarap, mas sikat at mas mabenta. Walang dagdag na sangkap ang kailangan. Kung ano ka, maging yun ka lang. nasa taong nakapaligid sa’yo yun kung paano ka magiging espesyal. nasa pagtanggap.

 

 

 

subalit tulad ng ibang bagay, ang pagiging espesyal ng isang tao ay may iba iba pa ding storyahan.

 

- pwedeng kahit ano ka pa, sinu ka pa at san ka man galing ay tanggap ka ng buong puso ng mga taong nakapaligid sayo.

 

- possible ding kailangan kita, kailangan mo ko kaya espesyal tayo sa isa’t isa.

 

- pwedeng espesyal ka dahil kulang ang buhay ko ng wala ka.

 

- at maari namang, kala mo lang espesyal ka pero assuming ka lang pala. mas madali kasing salitain kesa gawin.

 

 

 

pero, espesyal ka man o hindi ang mahalaga may ibang taong ginagawa mong espesyal sa iyong sariling paraan. hindi man nila ito batid.

 

 

kampai.

18 comments:

khantotantra | October 14, 2011 at 10:44 AM

check check check!

gusto ko yung last line, its not how you are special but how you make someone special.

hArTLeSsChiq | October 14, 2011 at 10:56 AM

kampai parekoy!


nasabi mo na eh, aagree na lang ako dahil swak naman talaga ang mga sinabi mo. san ba ko dyan ah? hehehe


happy weekend!

T.R.Aurelius | October 14, 2011 at 11:12 AM

"pero, espesyal ka man o hindi ang mahalaga may ibang taong ginagawa mong espesyal sa iyong sariling paraan. hindi man nila ito batid."




so TRUE!!!!

Aj Banda | October 14, 2011 at 11:37 AM

short but accurate..

tama lahat po ng sinabi nyo... lalo na sa dulo!

at higit sa lahat.. nagutom ako sa post na ito.. gusto ko ng SIPAO!!! hahaha

jedpogi | October 14, 2011 at 11:46 AM

okay sa post sir bulak! naglevel-up ka na talaga hehehe...

empi | October 14, 2011 at 12:35 PM

Tama!


Mas okey rin kung sabihin sa tao kung gaano siya ka-espesyal sayo. :)

Diamond R | October 14, 2011 at 1:25 PM

kaya ka panalo sa panlasa ng iba.

Akoni | October 14, 2011 at 5:38 PM

Isa sa mga astig na nabasa ko ito...paborito ko kasi ang siopao.

Zhurutang | October 14, 2011 at 5:40 PM

. . . ang kaso, kapag pinagtabi mo ang dalawang identical na siopao, hindi mo basta-basta malalaman ang pagkakaiba ng dalawa kung hindi mo kakainin o sisipatin ang kulay ng tuldok sa gitna-

ka bute | October 14, 2011 at 9:11 PM

bukas bibigyan ko ng special siopao yung special na tao sa sulok ng aking cardiac muscle. hehehe. :D

Josh | October 14, 2011 at 9:52 PM

Sapul! Tama! Kampay.

Kailangan maging totoo lang lagi.

Bino | October 14, 2011 at 10:17 PM

sangayon sa huling talata! :D

RHYCKZ | October 15, 2011 at 12:37 AM

talagang kinanta ko ang opening lines...hahaha

its you already! hahaha.

tama!

Makina ni Monik | October 15, 2011 at 6:04 AM

Hayep sir Bulak! Kampay!

Ang lupet mo. From siopao with love.
hahahah! tagay!

Anonymous | October 16, 2011 at 7:49 PM

ganon b talga yown? hahhahaha.

-kikilabotz

SunnyToast | October 17, 2011 at 9:48 AM

Kampay!

at maari namang, kala mo lang espesyal ka pero assuming ka lang pala. mas madali kasing salitain kesa gawin.-- bawal ang assumptionista...lol

Rence | October 17, 2011 at 11:35 AM

Speaking of siopao, meron akong siopao na binabalik-balikan dito sa Manila. Asado siopao ng MaSuKi sa Benavidez. High school pa lang ako, hanggang ngayon comfort food ko siopao nila. Pati yung mami. Tanong niyo lang sa akin. samahan ko kayo doon. =)

Raft3r | October 22, 2011 at 10:47 AM

naman!
=)

being true to oneself also makes a person special