pantanggal kati

 

 

Ginoogle translate ko from english to tagalog yung ramdom para yun sana yung gagawing kong title netong post ko pero "walang pili” yung naging translation. kainaman yan. kaya wag nalang.

 


 

image

di ko alam kung bakit ba gustong gusto kong pinapahirapan ang sarili ko. nung sabado lang, sumabak na naman ako sa isang madugong takbuhan. 25KM, takte. trail run yun pakulo ng TNF 100. panik-manaog at walang habas na pagtakbo sa gitna ng kabundukan. kahit medyo sanay na ako tumakbo dun sa mismong pinagtakbuhan namin, dehins ko alam kung bakit nung sabado ay parang ubos ang lakas ko. pinakamatagal na takbo ko yun sa lahat ng marathon na sinalihan ko. mas matagal pa kung tutuusin sa 42KM na sali ko sa SCB nung desyembre. inam!

 

eto ata nagpapatunay na uncle already na ko.

 

 


 

ako’y lubos na nagagalak na may labing isang bumoto sa akin sa blogger of the year ng damuhan. salamat ng marami.

 


 

ngaps, may munting kris kringle daw yung mga pinoy-sg bloggers. inam. medyo hegsayted naman ako. pero nahihirapan pa ko mag-isip kung ano ba yung ipangreregalo ko sa unang palitan ng regalo. something green, glittery at sinful daw e. baka may maisusuggest kayo mga kabulakbolista?

 


 

salamat nga pala sa mga sumali na sa aking munting pakontes. bago ko isulat yung post na to mayroon nang 57 na valid na kalahok. yahoong yahoo. saya na ni bulakbolero. \m/

 

inam yan. kahapon habang papauwe galing sa pagtatrabaho sa ofis ng linggo. pakiramdam ko nabasa ng cadburry sg yung blog ko. ginaya nila na instax din yung premyo sa pakulo nila. haynaku. lol.

 


 

pasensya na kung nakukulet ko kayo ngayon, nangangati lang yung kamay ko mag-tipa. hanggang sa muli. \m/

 

~poof

23 comments:

Akoni | October 17, 2011 at 1:56 PM

siguro dahil sa sobrang dami ng sumali sa pakontes mo dapat dagdagan mo ang premyo...one night stand kaya?

salbehe | October 17, 2011 at 1:56 PM

Sabi ng kaibigan ko, ang gamot sa pangangati ay pagkamot. Yung green, glittery and sinful, pumunta ka sa novelty adult shop. Ewan ko dyan, pero dito sa pinas may nabili akong fake tattoo (yung parang sticker lang?) na may nakasulat na "Lick Here". Iba't-ibang colors, may plain, may glittery. Hindi ko na kailangan pang i-explain ang sinful.

empi | October 17, 2011 at 2:05 PM

Di ko kayang takbuhin ang 25KM... baka mag collapse ako. Hehe

khantotantra | October 17, 2011 at 2:05 PM

wahahaah, natawa naman me sa comment ni akoni. lels.

congratumalations at madami nagvote sa iyo. kasama ka sa top 5 ng damuhan. :D

naks.... ikaw na ang nagagayahan ng prize sa contest. itch you already

Tago Fabic | October 17, 2011 at 2:13 PM

Exciting nga. Daming plano sa susunod na mga linggo! :D

KikomaxXx | October 17, 2011 at 2:24 PM

green na lollipop.. hahaha... hugis saging... haahha

karen | October 17, 2011 at 5:13 PM

Hahahah. Akala ko ano yung makati. Natawa din ako sa first na nagcomment. LOL. Pwede yun. LOL ulit. Sabi sayo kaya hindi na ako sumali pa e. Alam na. :)

Ayie =) | October 17, 2011 at 7:44 PM

Una, hindi ako bumoto ng kahit sino sa Damuhan blogger of the year kse andami doon na kaibigan ko, mahirap na baka bunutan ako ng ngipin ng isa pag di ko binoto. hihi.

pangalawa, inihahanda ko na yung resistensya ko para pumanik sa tuktok ng Burj Khalifa, baka kasi ako ang manalo ng camera. Yiiiii.

Pangatlo, magaling na gamot ang asin o lemon o kalamansi o suka para sa nangangating balat. Wag ka kasing babad...sa baha.

Wahihihihi. ako masakit na ang mga daliri, kanina pa babad sa net.

Leo | October 17, 2011 at 8:10 PM

For some reason, natawa ako sa "uncle already na ako..." Hahahaha. Pero hanep ang 42KM na na-overcome mo mas lalo na sa 25KM na terrain. Goodness gracious.

Good job! Apir.

T.R.Aurelius | October 17, 2011 at 9:04 PM

oh my, ma3tay ako sa haba nyan! hahaha


:D

RHYCKZ | October 17, 2011 at 9:21 PM

Something green, glittery & sinful? hmmmm, anu kaya kung picture mo na lang na glitters na kulay green lang ang suot. Sigurado, sinful na sinful yun...hahaha, at tyak matutuwa ang pagbibigyan mo. Joke!

Leah | October 17, 2011 at 9:46 PM

Wow.. 25KM.. naku, ako 1km palang hinihingal na.. lol.. congratulations, bolero.. :D

something gree, glittery at sinful.. hmm, meron akong naisip, pero hindi glittery eh, green lang at sinful. hehe..

Thank you sa mga bumuto sa Damuhan.. at Congratulations sayo Bolero sa iyong pakontest. Dami ngang entries.. dagdagan mo na yun prize. Hugs and kisses.. Haha! :p

Bino | October 18, 2011 at 7:16 AM

buti ka pa nakakatakbo hahaha. ako feeling ko maagang tumatanda. kapagod magjogging.


yun oh may promote ng pakontest ko!

walang sinabi ang photo ko sa ibang kalahok. at least nakasali ako hehehe

Aj Banda | October 18, 2011 at 10:00 AM

ang dami kong tawa sa first comment.. LOL

25km?! 1km nga lang ayoko na, times 25 pa! hahaha

palakanton | October 18, 2011 at 1:07 PM

kala ko kung anu yun pantanggal kati, haha.... pero natawa naman ako sa coment ni akoni pero ok din kung dadagdagan mo, peace

~ JaY RuLEZ ~ | October 18, 2011 at 4:39 PM

wow!runner ka din pala...grabe ang lalayo ng tinatakbo mo...

natawa lang ako sa title.LOL

YOW | October 19, 2011 at 5:23 AM

Sa akin 4 ang bumoto sa blogger of the year ng damuhan. Yey1 Hahaha. Pasalamat na ako at least may bumoto. LOL.

Gusto ko sumali sa mga run na ganyan. Pangarap ko yan, magpakapagod. LOL.

rona | October 19, 2011 at 8:58 PM

Hello kaibigan! Kumusta? Binoto pala kita sa Damuhan!

Check mo to: http://athomeakodito.blogspot.com/2011/10/botohan-sa-damuhan.html

Ningning

mangpoldo | October 20, 2011 at 11:33 AM

uy may pakontes? naks. :)

iya_khin | October 21, 2011 at 1:44 AM

nagrandom ka din pala?!! inam!

nieco_speaks | October 21, 2011 at 9:14 AM

green con**m tapos sabugan mo ng glitter! ^___^

Raft3r | October 22, 2011 at 10:45 AM

ang daming happening dito, ah
hehe

ferry | October 24, 2011 at 7:53 PM

Thanks to sharing artickel...nice