36 com

Luha: Pagsuko

 

 

 

 

 

Ikot. Ikot. Sige ikot pa.

Ilang beses ginawa upang makalimot na.

Kasabay ng hakbang ng mga paa,

Mistulang ako’y tutumba na.

 

 

Ikot. Ikot. Sige ikot pa.

Kaunting bilis pa’t tagay ko na.

Sadyang masayang kainuma’y barkada,

Sa mga panahong hindi maligaya.

 

 

Ikot. Ikot. Sige ikot pa.

Katawa’y umiindayog na.

Panandaliang aliw pilit tinatamasa,

Kahit ang totoo’y ‘di lubos na maligaya.

 

 

Ikot. Ikot. Ako’y hilo na.

Sawa na akong umasa pa.

Kung ito ang iyong ikapapayapa,

Sige ako ay sumusuko na.

 

 

 

 

Pamagat: Luha: Pagsuko

May-akda: Bulakbolero@sg

Ipinaskil: ika-27 ng Hulyo 2011

opisyal na lahok sa patimpalak ni Iyah.

22 com

Incubus

 

July 23, 2011. 8PM. Sa Stadium Negara, Malaysia. Slamman. Rakrakan.

 

Nanood ako ng concert ng Incubus. Hindi sila dadaan dito sa SG kaya walang choice kundi bumyahe sa ibang bansa.

 

Akala ko walang front act. madaming namamatay sa maling akala. Hindi ako makasabay sa mga kanta nila. Buti nalang, marunong ako makipag slamman. Ako pa binagga nila. Sino taob? Yun tuloy napunta ko sa may magandang pwesto. pangalawang row sa may bandang unahan at ilang tao nalang ay gitnang gitna na.

 

Oo. sa moshpit kami naka pwesto. kaya basag kung basag.

 

Tulad ng inaasahan Megalomaniac ang pambungad na awitin ng Incubus. Sinundan pa eto ng mga nakahanay na kanta sa baba.

 

IMG_0970

Wish You Were Here

Pardon Me

Have You Ever

Consequence

Anna Molly

Promises, Promises

Circles

Glass

In the Company of Wolves

Thieves

Drive

Pistola

Talk Shows on Mute

Adolescents

The Warmth

Nice To Know You

 

Paumanhin kung may mali mang nakalista sa taas, hindi ko alam lahat ng kanta nila. may mga panahon nga na naka tanga lang ako sa gitna. kawawang bulakbol. LOL!

 

Natapos ang concert na naligo ako sa sariling pawis.

 

Naagaw ko ang drumstick na hinagis ni drummer. pero may mga ibang kamay na nakiagaw sa akin.

 

malaysian1: ako unang nakakuha. ibigay nio na sakin. (hawak ang isang bahagi ng stick)

ako: ilan ang hawak niong kamay sa stick? ako dalawang kamay ko nakakuha ng stick

malaysian2: bro, to be fair. hatiin nalang natin yung stick. (kabarkada ni malaysian1 na hawak din ang isang bahagi ng stick)

ako: (para matapos lang dahil nose bleed na ko sa kapapaliwanag sa english) oks manoks.

 

at hinati nga ang stick. napunta sa akin ang kabilang dulo at pinakamalaking bahagi ng stick.

 

IMG_0966

 

saklap lang. naiwan ko sa taxi yung official souvenir shirt ng incubus na binili ko sa halagang 75RM. buhay nga naman. sabi nga ng mga kasama ko, isipin ko nalang na ang hating drumstick ay nagkakahalaga ng 75RM. Oks manoks.

 

at doon nagtapos ang nakakapagod na weekend ko.

 

\m/ rakenrol.

24 com

hitik sa bunga

 

ang sabi ng mga matatanda na kasing tanda ni Ser Jkul, ang tao daw parang puno lang. pag may nagdilig, ito ay mamumunga (double meaning ‘to).

 

ang hitik sa bunga na puno. pinupukol. yan ang nararamdaman ko ngayon. ang hirap maging sikat daming pumupukol. kase kung di nyo natatanong o napapansin, sikat na ko, kahapon lang… nafeature kase ko sa blog ni pareng bino. nasa baba yung sampol ng usapan at ang buong usapan ay matatagpuan DITO.

 

 

Bino: Sino si Joel sa tunay na buhay? Sa likod ng blogging?


Joel: parang katulad ‘to ng unang tanong ah. Si joel at si bulakbolero, halos wala naman pinagkaiba. Personal naman yung sinusulat ko sa blog entries ko, kaya ako’t ako din yon. Gwapong gwapo pa den.

 

 

e wala lang. gusto ko lang magyabang.

 

naisip ko lang din na kung sa dati e ayaw ko magpakilala dito sa blog e parang ngayon e ako na tong nagbubukas ng libro tungkol sa sarili ko.

 

kung hindi ako nagkakamali may mga pagpapakilala na din ako tungkol sa sarili ko  dito sa blog ko.

 

HU ME? at Random facts about bulakbolero

 

kaya kung tutuusin ay malamang sa alamang ay kilala nio na din ako.

 

Ang gulo ng post ko na to, ang gusto ko lang naman sabihin ay. Salamat sa inyong lahat.

 

 

 

\m/  Keep on rockin!

ang inyong alipin, bulakbol.

 

biboy