Lintik na pag-ibig
Bastos pala ang pamagat
Saan ba ko lulugar?
Reaksyon 1: Una ako!Reaksyon 2: Pangalawa ako!Reaksyon 3: Pootek kayu, reaksyon 1 and 2, sumagot naman kayo dun sa tanongRekasyon 4: Ikaw din di sumagot sa tanong Reaksyon 3. Para sa akin mas masarap ang ang adobong hippo, lalo na kung may bagoong na sawsawan.Reaksyon 5: Ang panget kaya ng lasa nyang adobong hippo, mas oks pa din yung adobong bayawak.Reaksyon 6: Adobong hippo pa din ang mas masarap, Reaksyon 5, kung ayaw mo ng adobong hippo, wag ka nalang magreak… hindi naman kami nagrereak na ayaw naming ng adobong bayawak.
Isang kuto sa blogworld
Inilathala ko ang kauna-unahang blog entry ko dito sa blogspot mahigit isang linggo palang ang nakalilipas (April 12 ang eksaktong petsa). Naengganyo lang naman akong magblog dahil sa paguusap namin ng isang tropa tungkol sa politika. Medyo lumulukso kasi ang aking isipan sa mga bagay na tungkol dito. Kung hindi ninyo natatanong, nung bata ako pangarap kong maging kapitan ng baranggay. --putol-
Bakit nga ba kelangan ko magblog?
Wala lang trip ko lang!
Bilang IT, may panahon na pag masyado na dumudugo ang utak mo at gusto mong magrelaks lang… kelangan mo umisip ng paraan para libangin mo ang sarili mo. Doon nagsimula ang aking pagkahilig sa pagbabasa ng blog. Mapapansin nyo sa mga blog na sinusundan ko kung anung mga klaseng blog ang hilig kong basahin.
Naeenganyo ako magbasa ng mga nakakatuwang blogs. Pootek, etong mga blogs na to ang nakakawala ng istress sa trabaho. Kaaliw basahin.
Nakahiligan ko din na magbasa ng food blog, isang bes kasi, naghahanap ako ng masarap na kainan dito sa sg, matakaw kase ako. At ayun, isinuggest ni Mr. google na basahin ko daw si http://ieatishootipost.sg/. Panalo naman, litrato palang nakakagutom na.
At siempre, dahil dakilang bulakbolero ako, hilig ko magbasa ng mga adventure/travel blogs. Dito ko rin na pupulot yung ginagamit kong itinerary sa aking mga pagbubulakbol.
At dito nga nagstart ang lahat. Napagtanto ko… kayo lang ba pede magblog? Siempre ako din… belat. (isip bata pootek)
Alam ko naman na darating din ang panahon na tatamarin din ako magblog at ihihinto ko din tong pagsusulat na to. Na kahit anong piga ang gawin ko sa utak ko, walang idolohiyang lalabas at pawang patak ng dugo nalang (brain bleed kumbaga…wapax) ang tutulo. Alam ko yun, ngayon palang.
Alam ko na medyo boring yung mga blogs ko. Sorry naman, bagito lang… ang hangad ko nga lang ay may mapaglibangan sa mga patay na oras. Wala nga daw pilitan yung pag susulat, magsulat ka pag may naisip ka. Pag wala wag pilitin, kusang lalabas yan. E ako pasaway, pinipilit ko sarili ko na magsulat. Required ako kumbaga. Yaon ang sinet ko sa sarili ko. -- Unang araw na clinick ko ang post button ng blogspot, sabi ko, susubukan ko araw-araw ako mag-uupdate pero ayown, di ko nagawa. Ayus nay un. Atleast medyo unte lang absent ko sa tahanan na to.
Ngayon, may syam na kong followers – mukhang napilitan lang iclick yung follow button. Anu at anu pa man ang dahilan, Salamat sa inyong pagsubaybay (sabay flying kiss). Mukhang hindi na nga kayo madadagdagan. Maghubad nalang kaya ako at ipost ko ang mga scandal na’to dito… baka sakaling madami bumisita. Haha.. juk juk.
Ayown na yon. Tapos na po ang entry para sa araw na to.
~poof
Tanikala
Kagabi pag uwe ko ng bahay… may isang note sa may punasan namin ng paa
Nang aking binuklat, isa pala itong singtel postpaid sim.
Hindi ko pa alam magkanu plan per month neto, di ko pa kasi sinubukan, hindi ko pa alam kung gagamitin ko na ba or kung gagamitin ko nga ba.
Wala lang, parang mahirap lang tumanggap ng SiM. Ok lang sana kung pasaload… pero kung postpaid sim… anyenye… ibang usapan na yun.
x0x
Tanikala siguro ang nagdudugtog sa pinoy at sa pilipinas. Mahirap buwagin -- mahirap paghiwalayin. Ako man ay nasa ibang bansa ngayon, taas noo ko na sinasabi na ako ay tunay na Pilipino. Kahit pa halos lahat ng tao kahit sa pinas ay inaakala nila na ako ay isang Instik.
At dahil dyan. Natuwa ako at dumating na nung sabado yung damit na inorder ko ke Pareng Dennis. Pinagpasapasahan din ang damit nato bago makarating sa aking mga palad. Wahehe… Una, Iniabot ng pamangkin ni pareng Dennis ke ermat, si Ermat inibigay sa tropa kong si raph para iluwas sa manila, si raph hinabilin sa pinsan kong si otep para ibigay kay pat dahil iisa lang sila ng pinagtatrabahuhan. Si pat kasi ay pumunta dito noong sabado. At ayun na nga, inabot sa akin ng personal ni pat ang mga damit na aking hinabilin. Salamat sa mga naging involve. :P
Ayus \m/ Proud to be Pinoy!