Ang Babae At Ang Blog

hindi mawawala sa isipan ko yung sagot sakin ng isang babaeng tinanong ko kung ano ang naramdaman nya nung kaunaunahang may pumasok sa pinakamamahal nyang hiyas.

intro. maihahalintulad ko ang pagbloblog sa ugali, katangian at pangyayari sa buhay ng isang babae. ang pagbloblog, katulad ng panliligaw, mahirap simulan. kelangan mo magisip ng magandang atake para mapansin. at pag napansin ka na, dun magsisimula ang lahat.

birhen. lahat ay mangmang sa simula. may takot. hindi mo alam kung ibigay mo ang lahat lahat sa pagsusulat o hahayaan mo nalang ito sa isipan mo at ilabas sa tamang pagkakataon at panahon.

unang pagniniig. hindi mawawala sa isipan ko yung sagot sakin ng isang babaeng tinanong ko kung ano ang naramdaman nya nung kaunaunahang may pumasok sa pinakamamahal nyang hiyas. sambit nya “parang isa akong de-lata na binubuksan ng isang mapurol na can opener”. syet, mukhang masakit habang iniimagin ko. ganun din siguro sa blogging, pag sinimulan mo magsulat, unti unti mong binubuksan ang sarili mo sa iba. inde sya smooth na pagbubukas ng sarili. hindi naman lahat makakaappreciate ng mga sinusulat mo. may mga panahon din na sa pagsusulat mo bigla nalang bumabalik yung hindi masyadong magandang nangyari sa buhay mo dati. ganun talaga, pag ginusto mo, kahit masakit handa kang panindigan. nabuksan na yan… wala ka ng magagawa. tats muv already.

pampatay oras. darating ang panahon na anu’t anong stayl man ang gawin mo. mag eksperimento ka man ng mga posisyon. lumipat ka man ng pwesto. mabobored at mobobored ka pa rin sa pagsusulat at pati na ang mambabasa mo ay tatamlayin. pag nagblog ka pa, tipong pampatay oras lang. may magawa lang. minsan dumadating pa nga sa panahon na tigang ka na (ZERO). mas gugustuhin mo pang matulog nalang kesa matuyo lalo ang nalalabing katas ng katawan mo.

conclusion. anu’t ano pa man ang mga naging experience natin sa buhay at sa pagbloblog.  naging masaya ka man o hindi sa ginawa mo. natututo ka man ng aral dito. hinubad mo man ang buo mong pagkatao. nagkaroon ng mga kakilala sa daang tinahak, darating ang araw na lahat may katapusan. importante ay kahit minsan naging bahagi ka ng umiikot na mundo. masalimuot. imperpekto. madrama.

27 comments:

MOKS™ | May 19, 2011 at 11:32 AM

nice very well said, clap clap! LOL

Yanah | May 19, 2011 at 11:52 AM

maaringt magkakaraon ng katapusan, ngunit, ngunit at ngunit hahahhaa ang ibig kong sabihin, magkaron man ng katapusan ang pagbblog ng isang tao, alam ko na may isang parte ng puso nito ang magtatago ng mga alaala, masaya man o hindi at mga bagay na natutunan nya sa mundong ito. aminin man natin o hindi, at sopme point sa buhay ng isang blogger eh may natutunan tayo sa mundo ng blogging na ginagalawan natin.

Diamond R | May 19, 2011 at 1:12 PM

Ang lalim nito bulakbolero. At yong unang pagniniig ibang level.

GAnon pa man sa huli tama ka.Ang maging bahagi ng mundong ito at mundo ng iba tulad ng blog ang mahalaga.May natutunan at may nalalaman ka sa iba.

Anonymous | May 19, 2011 at 1:45 PM

hahaha..kinilig ako sa post mo...lels parang de lata aah...hahahahaha

Akoni

iya_khin | May 19, 2011 at 1:51 PM

wow seryoso to?

may tama ka..oo..may TAMA ka!

para nga sigurong babae - ibuka mo iyuyugyog nya..waahahah

sa umpisa kabado..tas masakit..makirot..nakakawindang..nakaka-L na..nag-eenjoy kana..tas dadating din ang puntong napilitan ka lang at ang masaklap tuyot na..

pero sa aminin mo't hindi may pinagdaan ka sa bawat giling ng buhay at bawat unggol mo..sa huli nakaraos ka..nasabi mo ang gusto mong sabihin..naramdaman mo kung ano ang feeling..which di mo makakalimutan..na kahit anong talikod mo babalik at hahanap-hanapin mo rin yung feeling ng orgasm mo..sandali lang pero..buong pagkatao mo ibinigay mo..

Anonymous | May 19, 2011 at 2:05 PM

urong-sulong. tulad ng isang babae na pabago-bago ng isip. sa pagba-blog, sa dinami-dami ng ideya at gusto mong isulat, minsan lahat yun madaling simulan o madaling bigyan ng wakas, minsan hindi mo mabuo ang kwento sa gitna. kaya imbes na ipublish, madalas nakatiwangwang sa drafts. bubuksan ulet isa o dalawang araw at susubukang dugtungan ang kwento. minsan totally i-scrap ang kwento at gagawa ng bago.

hindi ko ini-skip ang "B" sa google reader :P

LordCM | May 19, 2011 at 3:20 PM

siguro ang pinag iba lang ng babae sa blog ay, ang blog nakabukaka sa lahat, pero ang babae, pinipili lang nya kung kanino sya bubukaka :D

KikomaxXx | May 19, 2011 at 4:38 PM

hahha malaking tama... di nga lang nagdudugo ang blog.. hehehhe

Supladong Office Boy | May 19, 2011 at 6:48 PM

Ang blog ko parang babaeng mababa ang lipad.. bukas kasi kahit kanino, handang magpasaya sa mga interesadong parokyano/mambababasa. Minsan libre, minsan may bayad - at yun ay ang 'komento'.. dahil sa bawat bayad na nakukuha ko, para sa akin ay importante yun at nirerespeto ko.

PS. Tulad din ng mga babaeng bayaran, ang blog ko ay nabiktima na rin ng pang-aabuso at isa lang ang masasabi ko.. mamatay na sana sa inggit lahat ng haters sa mundo.

hahaha.

ka bute | May 19, 2011 at 7:00 PM

mas bagay at kung "ang sex at ang blog". hahaha. intro pa lang nakakaintriga na. asteg. ^_^ keep it up! ^_^

tim | May 19, 2011 at 7:25 PM

Kung ganito lng naman mag bulakbol, eh di sasama na ako. Hehehehehe..

Anyway, very well said!

an_indecent_mind | May 19, 2011 at 8:50 PM

kung ang blog ko ay ihahalintulad, ito ay isang naglalarawan ng babaeng haliparot, malandi at mapaglaro.. ang babaeng parang karinderya na bukas para sa lahat! hahaha!

ngunit sa likod ng bawat nakakakiliting pagniniig sa aking kwarto, tumatatak pa rin ang bawat indayog ng mga salita at tilamsik ng diwa na paminsan minsang nababahagi.. ngunit katulad ng isang babae, kelangan mo ng pangunawa sa bawat galaw at kakatwang pagliyad upang makuha mo ang sarap na pareho nyong hinahanap.

nice post parekoy!

Bino | May 19, 2011 at 10:38 PM

naniniwala ako na bagamat lahat ay may katapusan, sa kabilang mundo ay mayroong buhay na walang hanggan. parang blogging, matapos ka mang magsulat, tatatak at tatatak sa mga mambabasa mo ang obra mo. parang babae, after sex, may remembrance.

This is a definitely a nice post. You should write more often! lels

YOW | May 20, 2011 at 3:13 AM

Ang lahat nga ay may katapusan. Parang gusto ko na tuloy magsara ng blog. Hahaha. Kailangan ko talaga ng libog ngayoon sa blogging at ako'y sobrang natutuyo.

=supergulaman= | May 20, 2011 at 10:26 AM

ganyan nga...babae at blog....

@KikomaxXx
ahehehe..hindi nga nagdudugo..minsan naman nagpapdugo ng ilong...pagwalang maisulat...nakakapagpadugo din ng utak... :D

ken | May 20, 2011 at 10:29 AM

Ang ganda nito, ang lalim ng pagkakasulat. pero nakaka-L haha!

JapaneseAdobo | May 20, 2011 at 6:20 PM

sa akin...sapat nang isa ka sa madalas bumisita sa blog ko and i am really grateful for that...ndi man ako madalas magcomment, palagi ko namang binabasa ang mga entries mo... at gaya ng sabi nila... very well said clap,clap,clap!!!

the green breaker | May 20, 2011 at 10:25 PM

astig ang metaphor nitong dalawang entities na ito. there are lots of avenues to consider but you still fall on the same premise. siguro lang hindi nabigyan ng justification kung gaano kalaki ang pumasok sa hiyas. haha, kalokohan ko talaga.

krn | May 21, 2011 at 12:38 AM

naks. naihalintulad ang babae sa blog! hahaha! but i definitely agree with you. pero parang may bahid na green sa umpisa lang naman. haha joke

Anonymous | May 21, 2011 at 1:34 AM

Salamat para sa mga kagiliw-giliw na impormasyon

Zhurutang | May 21, 2011 at 9:21 PM

. . . asaan ang sex scene?

Anonymous | May 21, 2011 at 9:58 PM

Hi !!! Good job!
Wuzzap?

Kench Alegado | May 22, 2011 at 5:29 AM

Hahaha ang dame kong tawa dito "parang isa akong de-lata na binubuksan ng isang mapurol na can opener" pero ang cool ng format talagang tatapusin mo pag nasimulan mo. Hmmm di ko maimagine yung sarili ko na wala sa mundo ng blogging pero tama ka kahit ano pwedeng mangyare.

Santo Santino | May 22, 2011 at 6:57 PM

kaya ako na eengganyong magsulat sa blog dahil sa mga post na ganito.

apir nga pare!lol

Meeya Cruz | May 29, 2011 at 7:29 AM

langya! kala ko ako tong nasa entry mo dahil sa title! nakalimutan ko, ako pala ang babae sa LIKOD ng blog! :D

Raft3r | May 29, 2011 at 10:03 AM

nyahaha
di ko to kinaya
hehe

Palomah | June 2, 2011 at 5:28 PM

napakagandang lathala...