Maskara

 

sa blogging, madami kang makakasalamuha at makikilala.

may palagiang mong makakausap at masasabihan ng problema.

mayroon din naman na iyong kaiinisan at magiging kaaway.

may makikilala mo ng personal at makakagaanan ng loob.

may pagkakataon din na di maiiwasang mahulug at tuluyang umibig.

 

walang impossible sa mundo ng pagbloblog.

kasama yan sa buhay na ating ginagalawan.

sa bawat pagtipa mo ng letra sa iyong tiklado (tagalog daw to ng keyboard sabi ni mr. google) ay ang senyales na unti unti mong hinububad ang iyong pagkatao sa iba.

ito ang daan upang ipakita mo kung sino ka at kung ano ka.

 

maharil ito na nga iyon. bagong mundo pero hindi ibang mundo.

ang mga karakter: mga tunay na tao at mga nakamaskara.

malabo pero malinaw.

ang gulo. gets mo?

kundi man, oks lang yon.

 

ang sa akin lang, sana hindi ikaw yung isa sa mga nakamaskara. kase kung ikaw yon, hindi pa pala kita tunay na nakikilala. nakakalungkot.

25 comments:

hArTLeSsChiq | May 23, 2011 at 3:34 PM

ang sipag na niya magpost..yipee hahahah

hindi naman talaga maiiwasan yang ganyan kahit nga in real life meron pa ring nakamaskara sa blog pa kaya di ba?

Ingat ingat na lang siguro.. Tsaka kung makakilala ka man ng ganito,malay mo ikaw pa ang maging daan para tanggalin niya ang maskara na iyon. Wala lang basta pakatotoo na lang tayo maging magandang halimbawa sa iba :)

ken | May 23, 2011 at 3:44 PM

“Malabo pero malinaw.” Nauunawaan kita dito mahirap lang talaga i-explain haha. Hindi maiiwasan may mga blogger pang nag-aalangan pa rin kung hanggang saan nila kaya ibaba ang suot na maskara. basta..:D

YOW | May 23, 2011 at 3:49 PM

Ayoko ng maskara, di ako nakakahinga pag may suot na ganun. Kaya di ako nagsusuot ng ganun. :)

claudiopoi | May 23, 2011 at 4:30 PM

hmm. profound ah.

pero totoo ito. may mga ibang tao na iba ang ugali sa blog at sa personal. isang outlet kasi ang pagsusulat para sa mga wants, yearnings, and suppressions. :)

iya_khin | May 23, 2011 at 4:32 PM

maskara?! di siguro dito...baka sa personal oo..dito nasasabi ko lahat ng gusto ko..malalim lang minsan pero ako yun,yun ang nasa loob ko...sa personal di ko kayang sabihin lahat ng yan...

tnx by da way napangiti mo ako..alam mo na kung bakit..

empi | May 23, 2011 at 4:46 PM

nasa tao talaga yon. madalas laging suot suot ang maskara nila. :D

Diamond R | May 23, 2011 at 5:14 PM

Hindi kaya nagkamali siya ng pinuntahan. kasi nagsasayang siya ng oras kong dito siya magmamaskara.Wala siyang mapapala.

ahahaha mukhang tinamaan si bulakbolero at napapaibig.

Akoni | May 23, 2011 at 5:17 PM

ako naka-maskara ang kalahati ng feslak ko...hehe

Diamond R | May 23, 2011 at 5:20 PM

dag-dag meron palang napapala kasi dito nasasabi mo ang mga di mo kayang sabihin sa personal kasi mahirap magsalita pag harap harapan pero ang isulat madali lang.

Bahagi na talaga ng buhay ang + at _ nababalase niya ang mundo.

lipasgutom | May 23, 2011 at 5:37 PM

nakamaskara. siguro kaya nakamaskara yung tao, kasi ang mundong kanyang ginagalawan ay mapanuligsa, mapanlait, mapangtatwa. nakakainis na nakakalungkot. minsan walang palag yung taong yun. makakapagtanggal lang siya ng kanyang maskara sa isang lugar na kung saan hindi siya kilala. kaso minsan sa iba, nasanay na sila sa pagkakaroon ng maskara kaya kahit na anong gawin nila. hindi nila napapansin na hindi nila matanggal ang maskara nila.

teka teka. napahaba na. i blog ko na lang kaya? kainis. hahahaha. hindi maiwasang mapahaba. XD

The Gasoline Dude | May 23, 2011 at 5:45 PM

Hmmm... mga tunay na tao din naman ang mga naka-maskara ah. = P

Hindi naman natin masisisi ang ibang tao na mas pinipili ang mag-maskara. Come to think of it, lahat naman tayo ay may maskara o nag-maskara. Paraan din kasi 'yan para protektahan ang sarili sa mga 'harsh realities' ng buhay, and at the same time, makagawa ng magandang impresyon sa iba.

mommy-razz | May 23, 2011 at 5:53 PM

nakamaskara kasi hnd tayo magkakakilala lahat.. si akoni lang kilala ko dto kc anak ko. hehe!

MiDniGHt DriVer | May 23, 2011 at 7:19 PM

may mga ilang blogger na ni itsura ng pagmumukha nila ay ayaw nilang ipakita sayo. hindi mo sila masisisi kung iyon ang gusto nila pero napakahirap ding ipagkaloob sa kanila ang tiwalang nais mong ialay para sa kanya.

Santo Santino | May 23, 2011 at 7:48 PM

may kasabihan nga na "what you see is what you get" kaya sukliaan mo na lng din ng kung ano ipinakita sayo gnun din ang ipakita mo.

KikomaxXx | May 23, 2011 at 8:43 PM

hala may vibes akong may nakakaaway to... hala...

Jag | May 23, 2011 at 9:05 PM

uhmmm...tama ka...lahat ay posible dito sa blog world...mga nakamaskara man o hindi...

Bino | May 23, 2011 at 9:48 PM

dati, nakamaskara ako pagdating sa blogging, pero ngayon mukhang open na ko lalo na sa mga regular readers ko. ang problema lang, pag masyadong bukas ang pintuan, maraming mananamantala. maraming traydor sa blogging, yun ba'ng kaibigan ka lang pag may kailangan. un lang

nice post by the way! i find it very useful and entertaining!

leonajane | May 24, 2011 at 2:09 AM

first time ko makakapag comment sa blog mo. yes!

araw-araw makakasalamuha tayo ng mga naka-maskara, lahat ng tao may maskara, ang pinagkakaiba lang siguro ay kung paano at bakit mo kailangan mag-maskara or is it really necessary to wear one?

dahil ba na-realize mo naka-maskara sila, you'll start wearing your mask the way they did? set urself apart, stay unique and genuine! it's always how we deal from within since we can't control what's on the outside. :)

leonajane | May 24, 2011 at 2:16 AM

i stand corrected, di na ko na pala first time mag comment sa blog mo. haha! sorry naman... may secret code kasi yung prev posts mo eh. nakalimutan ko tuloy na naka-epal na pala ako dito before. super explain?!

bloggingpuyat | May 25, 2011 at 3:50 AM

true.. blogging is one way para magtago at gumawa ng ibang character.

khantotantra | May 25, 2011 at 6:58 AM

minsan, sa blogworld, may mga nakamaskara as in totally iba sa personal. Meron naman naka-costume at naka-accessories, Half lies half true. at meron talagang hubo, kung ano sila sa blogworld, un din sila in person.

hehehe. parang di masyadong konek no. ahihihih

glentot | May 28, 2011 at 8:19 AM

Ako aminin ko naka-maskara ako, sa blog ko kasi ang sama ng ugali ko, etc. Pero sa totoong buhay eh napakabuti kong tao...

Raft3r | May 29, 2011 at 10:01 AM

everyone wears a mask
pano na yan?
=P
wala sa sfo
hinahanap kita don
hehe

glentot | May 30, 2011 at 5:57 AM

At pinanood ko yungb video LOL Did yuo hear that???? That's not Chwirrer!!!!!!

J. Kulisap | July 29, 2011 at 5:52 PM

May maskara kahit na itinatago ay siyang tunay namang pagkakakilanlan.
May kailangang iwaglit na bahagi para dalisay ang dumaloy na mensahe.

:)