Simple Pero Rock

ako yung tipo na mas madalas magbasa kaysa magsulat ng blog. hindi naman kase ako manunulat.

silent reader kung tutuusin. yung tipong wala akong iniiwanang bakas maliban sa naiiwan ang IP ko sa livefeed ng mga blogs na binabasa ko.

kung magcocomment naman ako, hindi consistent. may panahon na parang nobela na yung comment ko at meron namang subrang iksi lang.

nice post, great shots at dami kong tawa. madalas din ako gumamit neto pagnagcocomment sa mga binabasa kong blogs. eto siguro yung daan ko para ipakita na nagustuhan ko kung anung man yung nailatha dun sa entry na yon.

ang sa akin lang, hindi ko alam kung may need pa para ipaliwanag sa may akda kung bakit ko nagustuhan o ano ang nagustuhan ko sa entry nya.

naisip ko lang, sa isang photoblog na nagustuhan ko ang portrait shot nya, pag nagsabi ako ng great shot o nice set, akala ko sapat na yun (at hanggang ngayon e ayun ang alam ko). hindi ko alam kung kelangan ko pa i-elaborate. halimbawa, ganda ng kuha mo, gusto ko ng ilaw, ang ganda ng nunal sa dibdib, etc... lalo na kung hindi naman ako ganun ka teknikal sa potograpiya, hindi ko na alam panu i-elaborate pa yung pag hangga ko sa larawan. kaya ang paghangga lang sa pinaskil na yon ang tangging maibabahagi ko.

para sakin may mga bagay na mas simple pero mas rock. katulad din ng may mga comment na pag lalo mo hinabaan ay mas magulo at lalong nakakalito (aminado ko na hindi naman to applicable sa lahat). sa aking pananaw lang naman yung mga nasabi ko.

...hindi tayo laging tama at hindi rin naman parating mali. may kanya kanya tayong opinyon na kelangan pakinggan at respetohin.

wala lang. may maiblog lang.

27 comments:

Akoni | May 17, 2011 at 5:07 PM

Nice bolero, astig ng post na mo..simply pero rock nga...matigas ang laman! tunay na lalake..#lels

hArTLeSsChiq | May 17, 2011 at 5:08 PM

nice post keep it up :)) LOL

APRUB!

MiDniGHt DriVer | May 17, 2011 at 5:17 PM

nice post. seryoso. love the way u wrote it. simple pero rock!

yanah | May 17, 2011 at 5:18 PM

hindi rin naman din natin obligasyon na magpaliwanag palagi. eh sa yun ang gustomong sabihin eh. kiberlooo.
tanggapin o hindi ng may-ari ng site, nasa sa kanya na yun... problema nya na yun kung pano nya tatanggapin hahaha

Santo Santino | May 17, 2011 at 5:22 PM

Isa kang tunay na bloggero. Idol ka talaga. :)

Ako tinatamad pang magsulat walang maisip.

Axl Powerhouse Production Inc. | May 17, 2011 at 5:26 PM

ika nga nila one word is enough for a wiseman... "D

MOKS™ | May 17, 2011 at 5:26 PM

seryoso matapos ang KABANATA series mo! Sapul ang post ko! LOL kanya kanya naman kasi ng opinyon yan, kahit ako maiksing magcomment, hindi nagcocomment. kasi di makarelate o di ko gusto ang topic...Nice Post ulit! #lels

saM | May 17, 2011 at 6:08 PM

ok. :p
sulat kapa. yung madami ha? :D

Diamond R | May 17, 2011 at 6:16 PM

ahahaha nagpapaliwanag. Pag nawala na ang freedom na meron ang bawat nilalang malaking problema ito.

Hataw lang yon lang ang alam ko ngayon. basta ikaw yown.

Jepoy | May 17, 2011 at 7:37 PM

blog on.. LOL

AKo sobrang bihira na makabloghop at bihira narin maka comment pero pag nag comment ako kagaya nito binasa ko talaga. Pag nag skip read ako sinasabi ko nag skip read ako kasi nakakatamad yung entry nila basahin. Inshort kanya-kanya ng opinion na dapat na respetuhin. Gusto ko tong entry na to blog on! hehehe

Rakenrol!

The Gasoline Dude | May 17, 2011 at 11:23 PM

Hahaha! Meron ka bang pinapatamaan sa entry na ito? Suntukan na lang. Jowk! :))

Bino | May 17, 2011 at 11:24 PM

nice post! you should write more often! cool!

serious: may point nga naman

bloggingpuyat | May 18, 2011 at 12:38 AM

tama nga naman. kung "nice post at great shot" lang nman talaga masasabi mo, no need to say more diba..

YOW | May 18, 2011 at 1:39 AM

Maeffort ako magcomment. Haha. Nasanay na ako dun eh. Madami ko sinasabi na walang sense. Hindi ko kaya yung 'keep it short and simple' na paniniwala. Haha. Kanya kanya na nga lang yun.

KESO | May 18, 2011 at 2:34 AM

madalas nagbabasa na lang din ako at di na din nagkokomento, naisip ko masyado na ding madaming ngcomment nung balak kong sabihin so hindi ko na lang uulitin, bwahaha.ayun,at kamusta naman si bulakbolero? :D

ahwod | May 18, 2011 at 4:01 AM

parang ako lang... relate ako dito... pag nagcomment nga minsan parang ganito lang "nice one" with matching smiley choks na yon sa akin LOL...

Khantotantra2 | May 18, 2011 at 6:39 AM

Sapul! natumbok mo :D

LordCM | May 18, 2011 at 7:49 AM

nice shot! lolzz

hehehe, parang gusto mong kontrahin yung mga nagsasabing skip reader ung nagko-comment ng one liner lolz

kasi naman, binisita mo na at nag comment ka sa article nila kahit ilang words lang eh magrereklamo pa ung author hehehe, di nila alam, speechless ung reader kaya one liner lang ang comment :D

bulakbolero.sg | May 18, 2011 at 9:40 AM

akoni. salamat sa pag appreciate ng aking akda.

muse. salamat sa pag aprub.

manong driver. salamat ng marami. isang karangalang masabihan ng pasitib ng isang manong.

yanah. yun na din ang point ko, panu naman kung yun lang ang gusto sabihin ng nagcomment? bawal ba yon?

saints. pre. happy first day high. ako'y lubos na natutuwa at nakahanap ka na ng work. at isang malaking lol na tawagin akong idol. wak ka na!

axl. may tama ka dyan tsong. wala ng paligoy ligoy pa direct to the point dapat.

moks. wala naman ako gusto sapulin, sa katunayan. naisulat ko to dahil sa post mo. nainspire baga.

sam. lol. di nga ako manunulat.

diamond. hehehe. gusto ko lang isiwalat ang aking saloobin.

jepoy. yep. bawat tao ay may opinyon. respetuhan lang siguro. rakenrol \m/

alex. wala naman. sige suntukan nalang. abangan kita sa kanto maya. square.

bino. lol. ewan ko sa'yo. may point at walang point, dapat may karapatan din ang nagcomment sa gusto nya icomment. mali ba ko?

bloggingpuyat. pards, salamat sa pagbisita. ganun din ang point ko, mas simple mas rock.

yow. kanya kanya nga lang yun. kung yun ang stayl mo at dun ka masaya, suportahan taka.

keso. musta naman dyan sa europa? pasalubong ko? wahaha. ayus naman ako dito at gwapo pa din. nakng!

ahwod. yep ayus naman ganyang kaiiksing comment basta sigurado ka sa sarili mo na tunay yung sinasabi mo na nice post nga yon.

khanto. sapul ka? lol.

lord. haha. tama, buti nga yon may 1 liner comment, minsan nga katulad ng ginagawa ko, wala talaga kong comment. kaya maging masaya nalang siguro tayo sa mga bagay bagay.

Will | May 18, 2011 at 12:36 PM

naka-relate ako rito. nahihirapan din ako magcomment sa photoblogs. :)

KikomaxXx | May 18, 2011 at 12:56 PM

hahaha... ewan basta kung ano comment ko yun na yun.. hehehe

iya_khin | May 18, 2011 at 3:54 PM

nice post!exchange link?! #lels

hahaha!

agree ako..dapat di lang skipread talaga..hehe

J. Kulisap | May 18, 2011 at 5:18 PM

Hindi naman pwersahan ang pagkokoment.

Minsan yong maiksing koment, mas may dating kesa sa mahaba na kadalasang kinatatamarang basahin.

Depende yan sa naunawaan nong nagbasa.

Naligaw ako..hindi...nakyursyos ako sa bulakbulero.

goyo | May 18, 2011 at 5:47 PM

ito ang perfect example ng post na simple pero rock. hehe.

Bino | May 18, 2011 at 11:21 PM

tama ka tsong! :) nice post btw hehehe

ahmer | May 19, 2011 at 9:54 AM

...the last line rocks! hehe

Raft3r | May 29, 2011 at 10:04 AM

gusto ko ang blog post na ito
simple pero rock, eh
=P