Balik Bayan

 

umuwi ako sa lupang sinilangan nung isang linggo. isa na yata ito sa pinakamasayang bakasyon ko sa pinas. maiksi pero masaya padin. bakit? kase payapa ang bakasyon ko ngayon. hindi ako masyadong lumuwas sa manila. sa probinsya lang ako madalas para iwas pagod sa byahe at dagdag sa pahinga ko.

IMG_0499

pagkalapag na pagkalapag ng paa ko sa amin ay inuman agad ang aking hinarap. lufet ng mga insan ko, walang patawad. yown tuloy, nablackout ako. hindi ko na alam paano ako nakauwe ng bahay kinabukasan.

IMG_0501

hindi pa dyan natatapos ang lahat. pangalawang araw ko sa pinas, at pagkagising ko mula sa pagkablack out. ginising ako ng mga pinsan ko dala ang 2ng case na grande. ako na ang manginginom. ang kasiyahan nga lang pag umuuwe ako ng probinsya ay hindi ako ang taya sa inom. pinapainom nila ko ng todo todo hanggang sa malango ako. ganyan nila ko ka-miss. at pagkatapos ng mahaba-habang inuman. ano pa ba ang ineexpect ko? edi siempre wala na naman ako sa ulirat. buti nalang sa bahay lang namin ang venue. kaya ayus lang magpakalasheng lasheng. napaisip tuloy ako ng buong bakasyon ko ba sa pinas ay kelangan ko mablack out tuwing gabe? hanlufet lang. kamusta naman si atay ko?

pangatlong araw. pinangako ko sa sarili ko na pass na muna ko. ayaw ko muna masayaran ng alak ang aking lalamunan. Kaso mo. binisita aGEDC3990ko ng mga tropa ko sa probinsya at may bisitang pandangal pa kame ng gabing yon. kaya nakakahiya ng tumanggi sa inuman. hayst. napurnada na ang pahinga ni atay.sakto naguwi ako ng vodka kaya ayun ang aming nilagok. naubos ang uwi ko at bitin pa din, kaya tinungga na din namin ang whisky na nakastock sa bar ni erpat. habang nagiinuman nga pala kami ay naglalaro din kami ng kinect. walang makatalo sa bisitang pandangal namin. chinallenge namin sya sa halos lahat ng pede sayawin sa dance central pero wala taob kame. sya na!

Lunes. ang aking pang-apat na araw na pamamalagi sa pinas. napaninga si atay. dumalaw lang kase kami sa pinsan ko na may sakit. kumain sa labas at namalengke.IMG_0512

Martes. Soloista ako sa bahay. iniwanan ako ni ermat ng recipe na lutuin ko daw para sa hapunan namin at tanghalian ko na din nung araw na yon. nagpakafeeling cook ako ng mga panahong yaon. lol. wala akong ginawa sa bahay kundi mag tweet gamit ang celfon. manood ng local channels lalo na channel 7 na namiss ko dahil wala sa bahay sa singapore.

Mierkules at Huwebes. pinilit ko ng lumuwas ng manila. naIMG_0516kipagkita sa mga taong pinagkakautangan ko. Nakakahiya mang sabihin, tumaggap din ako ng pasalubong kahit ako ang nasa ibang bansa. LOL. nagbanchetto sila at ako ay nagchowking. hindi ko naman kase alam na kainan pala yung banchetto. sorry naman ignorante lang. pagkatapos nung kainan, dumeretso kami sa madison square sa pioneer para mag inuman. dito nakatikim ako ng alak na may choco syrup. LOL. weird lang.may isa pa ko dapat session after ng inuman na to. at dahil napasarap ang pagsama ko sa unang session ay na-indian ko na ang pangalawang set ng inuman. sorry naman. next na uwe ko nalang ulet.

Biernes. Syet ang inet amoy singet. so what to do? edi mGEDC4093iming time na. yahoong yahoo.. simpleng pool lang ang pinaliguan namin. walang waves at anu pa man. pinili lang namin yung malapit sa bahay para hindi hassle at para masulit ang languyan. mababadbad lang ang katawan sa tubig kumbaga. Empi lights naman ang ininum namin ng mga panahong eto.

Sabado. sa bahay lang ako. nanood ng bday party ni Vic Sotto. LOL! natulog ng natulog. kumain ng pagkarami rami at nag tweet gamit ang celfon? nagbuhay palamunin ako ng mga panahon na yon. lol. may bisita din daw na pupunta dapat at magdadala ng tekila. e ampootah mo, sobrang labo kausap. ayon. buti na din at panibagong pahinga sa atay ang naganap.

Linggo. Fiesta ng Krus sa baranggay namin at hermano ang aking pinsan. Umaga e iniintay ko sana kung susundo ba ko sa terminal o hindi. malabo pa din ang kausap, kaya dumerecho na ko sa fiestahan. kumain ng marami at uminom ng walang humpay. kamusta naman ang aking mga kainuman. mga batikan. mga lolo ko na ata. lolz.

IMG_0551IMG_0552IMG_0557

walang anu-ano may malabong kausap na dumating. may dumating na bisita. sakto, makakatakas na din ako sa matataas na tagay sa lamesang aking kinauupuan. Alam kong inuman ulet ang kahihinatnan ng aking pagtakas pero pasalamat na din at hindi na ganun kabatikan ang aking haharapin.

IMG_0571GEDC4276

nagprusisyon muna bago ang sabak sa inuman. nagreklamo tuloy ang bisita. sumakit daw katawan nya kalalakad. uncle already mah. lol.

Lunes. pahinga na at pabalik na ulet sa sg…

 

dami kong namiss sa pilipinas.

namiss ko ang pagkain sa jabee.

namiss ko ang panonood ng mga palabas sa syete tulad ng eatbulaga, dragon ballz at ghost fighter.

namiss ko ang simpleng buhay.

at madameng madame pa.

 

ngayon pakikipagsapalaran ulet sa buhay dito sa SG ang kinakaegsayt ko lang sa pagbalik ko dito, yaong makikita ko ang mga tropa ko ulet na nandito. yon lang at wala ng iba.

32 comments:

khantotantra | May 4, 2011 at 11:32 AM

andami mong lakad nung umuwi ka. Hehehe. siksik na siksik naging schedule ng bakasyon mo.

oks lang yan sir, konting tiis lang tapos mablis lang ang araw babalik ka ulit pinas :D

Santo Santino | May 4, 2011 at 11:40 AM

ikaw na tol ang manginginom ng bayan. lasheng kung lasheng ang kinahinatnan.

okie lng yan isipin mo na lng hindi ka nag-iisa pagbalik mo dito sa sg. Two bottles na!!!lol

The Gasoline Dude | May 4, 2011 at 11:59 AM

Parang gusto kong i-challenge si Bisitang Pandangal sa Kinect. At least kahit papaano eh me chance akong makabawi sa pagkatalo ko sa Words with Friends. LOL!

Axl Powerhouse Production Inc, | May 4, 2011 at 12:01 PM

wow sobrang daming mo palang sked yun pag uwi mo ha..

pero sulit na sulit naman yung dating mo eh daming mong nagawa :D

hArTLeSsChiq | May 4, 2011 at 12:25 PM

haha fully booked ka nung uwi mo ah :)) hindi naman masyadong nagreklamo ang atay mo niyan? LOL

salamat sa painom, sa susunod ulet!

Akoni | May 4, 2011 at 12:46 PM

grabe ang dami nito ah..inggit much ako..uwi din ako sa july, sana mapantayan ko man lang ito sayo..hahaha

jedpogi | May 4, 2011 at 1:36 PM

welcome back sa pinas tol... sa susunod hinay hinay sa inom hehehehe...

Anonymous | May 4, 2011 at 2:02 PM

good to know nag enjoy ka sa pinas. bigla akong napagod sa pagkabasa ng post mo grabeee-packed na packed ang sked. inuman to the max level pala ito

nwei, balik work mode ka na naman-uwi ka nalang ulit para di ka masad

cherie
my sweet nothings

Anonymous | May 4, 2011 at 2:02 PM

good to know nag enjoy ka sa pinas. bigla akong napagod sa pagkabasa ng post mo grabeee-packed na packed ang sked. inuman to the max level pala ito

nwei, balik work mode ka na naman-uwi ka nalang ulit para di ka masad

cherie
my sweet nothings

Anonymous | May 4, 2011 at 2:02 PM

good to know nag enjoy ka sa pinas. bigla akong napagod sa pagkabasa ng post mo grabeee-packed na packed ang sked. inuman to the max level pala ito

nwei, balik work mode ka na naman-uwi ka nalang ulit para di ka masad

cherie
my sweet nothings

kikilabotz | May 4, 2011 at 3:03 PM

parang hindi ako nabahigaan dito ah? hahahaha.. sayang parekoy at may pasok ako nung umuwi ka. kitakits nxt time

YanaH | May 4, 2011 at 3:18 PM

hindi ka ba kinausap ng atay mo nung mga panahon na un? hindi ba nagreklamation area ang bahay alak mo? lol ikaw na ang lasenggero.

salamat hihihi!

lonewolf | May 4, 2011 at 4:42 PM

it looks like you enjoyed your vacation! im sure pagbalik mo sa work madedepress ka nyan at parang bitin ang vacation haayst

anyway merong chocolate beer ang mga japanese

glentot | May 4, 2011 at 6:34 PM

Isama nyo naman ako next time! nyahahahahaha

ahmer | May 4, 2011 at 6:45 PM

Sini ba yang bisitang pandangal na yan at ang labo kausap at mareklamo? lol Blind item tlaga ang banat ah hahahaha

Diamond R | May 4, 2011 at 7:16 PM

Sinulet ang bawat araw wala akong masabi.Kakaingit naman ang singapore-Manila parang tumalon lang at gumulong andoon ka na.

leonajane | May 4, 2011 at 7:27 PM

yan naman ang masaya sa pinas, simple pero rock! :) sulit na sulit ang bakasyon. :)

YOW | May 4, 2011 at 8:08 PM

Hindi ko napagalaman na umuwi ka. Haha. Kaya ngayon palang ang "WELCOME BACK sa PINAS" na pagbati ko. Haha. Saglit nga lang ah? Parang si Gasdude. Ako nga, nandito sa Pinas, namimiss ko kumain sa Jabee eh, ikaw pa kaya. Haha.

ABoyNamedXander | May 4, 2011 at 8:17 PM

anak ng inuman yan oh.. walang tigil.. hahaha

MOKS™ | May 4, 2011 at 8:53 PM

solb na solb naman pare ang bakasyon mo sa Pinas... san yung resort na pinuntahan nyo muhang maganda. Saka daming inuman, mainit ang panahon pero tataba ka nyan. Sa pagbalik mo, sana makapunta na ko sa bloggermeet.

Bino | May 4, 2011 at 9:16 PM

mukhang nasulit mo naman ang bakasyon mo kahit sa maiksing panahon. nice! sayang di tayo nakapagmeet. hehehe. maybe next time dyan na sa sg lol

Lakwatsero Ako | May 4, 2011 at 9:24 PM

kaya naman pala di nagparamdam habang nasa pinas. walang ginawa kundi uminom haha

pusang kalye | May 4, 2011 at 10:35 PM

as usual---di na naman ako nakasama.hahaha---inaya ako ni axl that day kaso me work ako ng gabi eh.weekeneds lang ako nakakaluwas sa manila.dibale.mukha namang madalas ka magbakasyun---parang divisoria lang su ang Mla-Sg.lol

btw---yung lens ko don halo na kit at saka 200mm---yung unang pic na me helmet--tas bokeh yung background--200mm yun na 4-5.6f

green breaker | May 5, 2011 at 12:37 AM

ang taray mo brad! haha

*sunog atay

pa-plug lang
Isang Paglakbay

ching!

MiDniGHt DriVer | May 5, 2011 at 8:47 AM

Ayos aahhh.. sulit na sulit ang bakasyon.. sayang di ako nakasama sa inyo.. next time na uwi mo, sana payagan na ko.. hehe

goyo | May 5, 2011 at 11:39 AM

Ayos. Dahil sa post na to. Lalo kong namiss tumambay sa labas ng bahay. Tae, hindi ako makalabas e. Gusto ko na ding uminom ng alak!!!

Nimmy | May 5, 2011 at 9:46 PM

Isa kang layas na bata! Hahaha. Wala palang jabee sa sg. Mag-franchise ka na kuya, yayaman ka dun for sure. Hihi

Sendo | May 6, 2011 at 12:00 AM

huwaw..happy for you dude ^^ enjoy at sulit na sulit ...grabe si atay naman ang nastress pero ok na yun! hehe. at talagang may bloggers EB! weee...and beer with chocolate syrup..exotic! hehe....wow..saya saya.^^ great one for you! now, back to another dimension haha

iya_khin | May 6, 2011 at 3:53 AM

ang daming inom!! wala yun lang po..umeepal..bow

ellehciren | May 7, 2011 at 10:17 PM

iniintay kita dito sa EK!
salamat naman walang password at nakabasa ulit! hehehe =)

Raft3r | May 8, 2011 at 1:14 PM

wow naman
sarap matulog ng matulog, diba

happy mom's day nga pala sa ermats mo

uy, alis na tayo sa friday for sfo
impake ka na ba?
hehe
(alam ko. hindi na natatapos-tapos ang aya ko. hehe)

Zhurutang | May 9, 2011 at 12:43 PM

. . . naligo ka ba?