Bastos pala ang pamagat


Linggo.

Isang masukal, mamasa-masa at masikip ang aking pinasok.

Dahan dahan kong sinimulan ang lahat. Unti unti kong nilalakihan ang aking pagkilos. Batid ko na masakit sa simula pero pinilit kong pwersahin. Habang tumatagal lalo kong binibilisan. May mga minutong bahagyang dumilim ang aking paningin dahil na din siguro sa unti-unting nauubos ang aking lakas. Pawisan na ako ng mga panahong iyon. Tagagtak na ito - gumagapang sa buo kong pagkatao. Pawang mga unggol lang ang aking nasasambit sa sobrang pagkahapo. Derecho pa din ako… patuloy-tuloy, pabilis ng pabilis. Hanggang sa naramdaman ko na masasagad ko na ang aking lakas. Binagalan ko ng konti, kelangan tumagal pa. Kelangan idahan dahan muli. Sa mga puntong to, nararamdaman ko na parang bumabayo ang paligid kasabay ng aking mga galaw. Nakakapagod. Kinakapos na talaga ko ng hininga. Kailangan kong tapusin ang aking nasimulan, sa bawat kilos, nararamdaman ko ang magkahalong sakit at sarap. (hinggal)
Malapit na! Ito ang aking nasambit, lampas isang oras na din ang nakalipas mula nung pasukin ko ang makipot na daan. Dito ko napagtanto na kelangan ko na ibigay ang buo kong pwersa. Binilisan ko ulet. Mabilis na mabilis. Oooooooo….
At sa wakas… narating ko din ang rurok.
“Ang lagkit” sambit ng binibini na nadama ang basa kong katawan. Hindi pa ko makapagsalita ng maayos. Kaya ang mala artistahing ngiti ko lang ang sumagot sa kanya. Sa isip isip ko -- Napwersa ako. Pwede naman siguro magpahinga hindi ba?
Sarap ng pakiramdam. Gumagapang na ako ng natapos -- pero solb. Sarap ulit-ulitin. Kumbaga sa Jollibee, ‘isa pa.. isa pa.. isa pang chicken joy’ (nagpropromote lang, baka sakaling pwede akong maging endorser katulad ni pareng Aga).








At yun na nga, natapos ang 15K marathon na sinalihan ko nung linggo na nakakapagod pero solb. Ang hanggad ko nga sa simula ay matapos ko ang takbo at hindi ako yung kahuhulihan na runner. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nanalo ako! (sabay may nagpalakpakan sa background)… takte, tama na ang ilusyon. Natupad naman ang hanggad ko, hindi ako yung dulo sa takbo, at subrang (exag lang) dami pa ng nasa likod ko. Pero imahinasyon lang na nanalo ko sa takbuhan. 

Yan ang aking race bib.

Paunawa: wala pong kinalaman at kaugnayan ang may akda sa mga tauhan sa larawan. Nagpapiktyur lang sila sa inyong lingkod. Kala siguro nila professional pornographer ako. 
 Okie. Sa susunod ulet. ~poof

32 comments:

Madz | April 26, 2010 at 12:21 PM

ako ba ang first??? YEHEY!!

buti nakita ko agad ang piktyur, hindi ko na sana babasahin ang post na ito LOL.. ang laswa ko ata..hahahaha


CONGRATS!!

bulakbolero.sg | April 26, 2010 at 12:23 PM

isa ka talagang adik muse!

Madz | April 26, 2010 at 12:32 PM

hahaha yah i know.... tagal na... sa susunod na tatakbo ka pwede bang dalhin mo ko hanggang finish line.. yung parang sa korean movies..wahahahaha

i wonder kung maisusulat mo pa dito yung experience..LOL

Jepoy | April 26, 2010 at 1:03 PM

Ang bastos ng simula, double meaning! Bastos mo bulakbolero i hate chu!

Sinu ka sa mga yan?! Ang landi landi kasi ayaw pa mag upload ng picures go!

Madz | April 26, 2010 at 1:20 PM

YARI ka kay jepoy...nag enjoy..hahaha peace

bulakbolero.sg | April 26, 2010 at 1:56 PM

@muse, yan ba napupulot ng mahilig manood ng sobrang cheesy na palabas? :P

@jepoy, ako bastos? kahulsam ko kaya. :D wala ako dyan... nagpapiktyur piktyur lang sila sa mahiwagang kamera ko.

Madz | April 26, 2010 at 2:08 PM

FYI cheesy lang pero hindi sobra...hahaha


tsk pamysterious epek pa...

Jepoy | April 26, 2010 at 2:52 PM

hindi na ko babalik dito pag walang uploaded picture. Kampay!

bulakbolero.sg | April 26, 2010 at 2:56 PM

jepoy, salamat sa pagsuporta sa maiksing panahon. \m/ keep on rocking...

sa muling pag eekis ng ating mga daan.


~poof

pilyamaldita | April 26, 2010 at 3:03 PM

kambal: censored! hindi pwede ito sa ating edad :) hahaha!! kongrats! ready ka na sa 50k? :P

Madz | April 26, 2010 at 3:09 PM

walang sasabihin..naiinip lang..

pandagdag sa comments..LOL

domjullian | April 26, 2010 at 5:47 PM

nice. sportyng bulakbulero

bulakbolero.sg | April 26, 2010 at 6:01 PM

@kambal, nyahaha... kelangan magprepared dun ng matagal. mukhang di ko pa kakayanin yang 50K.

@muse, di nga?

@domj, medyo lang. hehe.

Madz | April 26, 2010 at 6:10 PM

hahaha wala lang ako magawa dto sa opis kaya comment lang ng comment..la prin kwenta blog mo..hahahaha

Jepoy | April 26, 2010 at 6:19 PM

bulakbolerong.sg fine. LOL Aba sumisikat na ang blog mo Pre..Ibang level na, kaw na sikat.

Nga pala meron akong interview sa SG, libre mo ko yosi pag dating ko dyan yun lang. Bow!

kikilabotz | April 26, 2010 at 6:27 PM

kala ko bastos talga. ahahaha.

Sendo | April 27, 2010 at 8:39 AM

haha..para ka na naman kawsing nagsulat ng erotika yun pala tumatakbo ka lang hahaha...ayos ah! ^^ congrats na rin sa achievement na yan hehe

bulakbolero.sg | April 27, 2010 at 8:56 AM

@muse, ayus lang yun. wala din naman kwenta yung may ari ng blog.

@jepoy, kelan punta mo dito? dala ka yosi kasi mahal yosi dito.. dehins kita malilibre nun. libre nalang kita ng pagkain sa hawkers. x0x dehins pa sikat pre, kayu2 nga lang yung nadalaw.

@kiki, negative pre, di mangyayari yun.. hulsam ko kayang nilalang. hehe

@sendo, ganun ba dating? wahaha... baka me potential ako pagsulat ng ganung mga bagay.

Superjaid | April 27, 2010 at 2:32 PM

hahaha todo takip ako dito sa library baka mabasa ng iba yung first part ng entry mo kuya..hahaha ^_^ but still i like it..

bulakbolero.sg | April 27, 2010 at 2:35 PM
This comment has been removed by the author.
bulakbolero.sg | April 27, 2010 at 2:36 PM

Wui superjaid, may dapat bang takpan? subrang hulsam kaya ng post ko.. hehehe.. :)

anyway, salamat sa pagbisita ate. :D at salamat at nagustuhan mo naman kahit papaano ang katha ng baguhang blogger. hehe.. :)

Freezinfire | April 27, 2010 at 4:46 PM

Go Green sa simula pero di na ako magtataka dahil sadyang kilala na kita.

bulakbolero.sg | April 27, 2010 at 4:48 PM

anu yun pre, standard chartered bank, go green? hehe...

kabait ko dba? Ako nga pinakamabait sa atin.

Salamat sa pag iiwan ng comment. :) Go green!

Madz | April 27, 2010 at 4:51 PM

mabait daw....tse

bulakbolero.sg | April 27, 2010 at 4:53 PM

wow... muse, kala ko busy ka?

mabait talaga ko. :D ako pa.

Madz | April 27, 2010 at 6:13 PM

haha di makatiis eh..sori naman..d wag

krn | April 27, 2010 at 7:18 PM

akala ko pa naman ikaw yung isa sa picture... anyways, ikaw pala ang bastush eh.. joke.piz

bulakbolero.sg | April 27, 2010 at 7:32 PM

muse, kahulsam kaya ng entry ko... anu kinabastus nyan? hehe.. longtime no see ah. kala ko nawala yung isang muse ng bahay ko.. :P

KESO | April 27, 2010 at 8:22 PM

haha, tinitigan ko pa bale ung mga no. sa shirt ng mga nasa picture, hnahanap ko kung sino ka dun , tpos kaw pala ung pornographer este photographer lol.

bulakbolero.sg | April 27, 2010 at 8:52 PM

nyahaha... yown yown keso. ako ay dakilang misteryoso lang. :P

Rico De Buco | May 6, 2010 at 3:15 PM

aus ah ang galing ng pagkakasulat awstig!!!!

bulakbolero.sg | May 6, 2010 at 3:24 PM

salamat buco. salamat din sa pagdaan! \m/