Isang kuto sa blogworld
Inilathala ko ang kauna-unahang blog entry ko dito sa blogspot mahigit isang linggo palang ang nakalilipas (April 12 ang eksaktong petsa). Naengganyo lang naman akong magblog dahil sa paguusap namin ng isang tropa tungkol sa politika. Medyo lumulukso kasi ang aking isipan sa mga bagay na tungkol dito. Kung hindi ninyo natatanong, nung bata ako pangarap kong maging kapitan ng baranggay. --putol-
Bakit nga ba kelangan ko magblog?
Wala lang trip ko lang!
Bilang IT, may panahon na pag masyado na dumudugo ang utak mo at gusto mong magrelaks lang… kelangan mo umisip ng paraan para libangin mo ang sarili mo. Doon nagsimula ang aking pagkahilig sa pagbabasa ng blog. Mapapansin nyo sa mga blog na sinusundan ko kung anung mga klaseng blog ang hilig kong basahin.
Naeenganyo ako magbasa ng mga nakakatuwang blogs. Pootek, etong mga blogs na to ang nakakawala ng istress sa trabaho. Kaaliw basahin.
Nakahiligan ko din na magbasa ng food blog, isang bes kasi, naghahanap ako ng masarap na kainan dito sa sg, matakaw kase ako. At ayun, isinuggest ni Mr. google na basahin ko daw si http://ieatishootipost.sg/. Panalo naman, litrato palang nakakagutom na.
At siempre, dahil dakilang bulakbolero ako, hilig ko magbasa ng mga adventure/travel blogs. Dito ko rin na pupulot yung ginagamit kong itinerary sa aking mga pagbubulakbol.
At dito nga nagstart ang lahat. Napagtanto ko… kayo lang ba pede magblog? Siempre ako din… belat. (isip bata pootek)
Alam ko naman na darating din ang panahon na tatamarin din ako magblog at ihihinto ko din tong pagsusulat na to. Na kahit anong piga ang gawin ko sa utak ko, walang idolohiyang lalabas at pawang patak ng dugo nalang (brain bleed kumbaga…wapax) ang tutulo. Alam ko yun, ngayon palang.
Alam ko na medyo boring yung mga blogs ko. Sorry naman, bagito lang… ang hangad ko nga lang ay may mapaglibangan sa mga patay na oras. Wala nga daw pilitan yung pag susulat, magsulat ka pag may naisip ka. Pag wala wag pilitin, kusang lalabas yan. E ako pasaway, pinipilit ko sarili ko na magsulat. Required ako kumbaga. Yaon ang sinet ko sa sarili ko. -- Unang araw na clinick ko ang post button ng blogspot, sabi ko, susubukan ko araw-araw ako mag-uupdate pero ayown, di ko nagawa. Ayus nay un. Atleast medyo unte lang absent ko sa tahanan na to.
Ngayon, may syam na kong followers – mukhang napilitan lang iclick yung follow button. Anu at anu pa man ang dahilan, Salamat sa inyong pagsubaybay (sabay flying kiss). Mukhang hindi na nga kayo madadagdagan. Maghubad nalang kaya ako at ipost ko ang mga scandal na’to dito… baka sakaling madami bumisita. Haha.. juk juk.
Ayown na yon. Tapos na po ang entry para sa araw na to.
~poof
11 comments:
hay naku sa totoo lang yung follow follow eh parang paepek lang rin yan eh...assurance para mamotivate na magpost pa hehe..at least diba./.pero intensyon ko sa blog ko ang mgshare...at nakakatuwa at nakakalibang rin naman talagang magbasa ng mga blogs ng ibang tao na tungkol sa kung ano anong hilig nila...educational naman hehe...ung mga patawa naman ---stress-relieving hehe...ayos ang blog noh? kaya let's blog and blog! hahaha....blog ka lang...^^ susubaybayan kita...gusto ko matuto kung ano meron ka na wala ako haha hehe..unique tayo in so many ways at walang tao ang mayroong lahat ng katangian sa mundo hehe.. ^^
Sendo, malamang walang kabuluhang aral ang matutunan mo sa blog ko.. hehe.. salamat sa pagbisita. \m/ Rock n Roll!
hindi naman importante yang followers mo at commenter basta you write anything under the sun that is close to your heart, meganun?! Oo basta pre sulat lang ng sulat pwede mo rin lagay pictures mo para naman mag ka idea ako kung sino ka, wag na yung nude nakaka sulasok yun ahahhaa
tuwing bubuksan ko yung blog ko, ang una kong tinigtignan yung followers and kung may comment ba na bago.. nung una nakakfrustrate kasi feeling ko walang nag aappreciate sa mga kauututan ko sa buhay.. pero ngayon kahit 24 lang ang followers ko at isa lang ang nagcomment sa new post ko...KIBER! write lang ng write..pantanggal inip at stress din sa trabaho noh! excited lagi ako pumasok sa work, hindi para magtrabaho kundi para sumulat sa blog..LOL pasensiya na dukha lemeng.. :P malay mo dito pa ko mahanap ng magdodonate sa'kin ng laptop..hahaha
@Jepoy:yang nasa avatar ang piktyur ko.. pakiliitan nalang gn kunte, masyadong zoom.
@hartlesschiq aka akira aka moodswing: parang ganyan din una ko tinitingan pag nagbubukas ako ng blog ko..
cute nga ng blog mo kaya ako nagfollow. hindi ako napilitan, promise. hehe. lol. anyways, just like you gusto ko rin ang magbasa ng blog ng iba, katulad ng blog mo. i think madadagdagan pa ang followers mo, believe me. haha. n_n
nyahaha.. salamat karen! ngaps, pakidescribe nga ang cute na blog? anyenye.
Pssst! Napadpad. At babalik. :)
salamat sinukuan. sana hindi ka sumuko sa pagbisita sa blog ko.. :)
meron naman siguro ano..basta blog ka lang ng blog ang ishare ang kelangan mo ishare....ung ikakatuwa namin ha hahaha ^^
sendo, yun problema,minsan mahirap magpiga ng utak. at hindi naman ako natural na komedyante, kaya mahirap magpatawa. pero pilitin natin. hehe.
Post a Comment