Saan ba ko lulugar?
Bukod sa pagbababasa ng blog, dati, nahilig din ako magbasa ng forum. Madami din akong sinubaybayan na forum. Maraming nakasalamuha at nakilala dahil dito. Ilan sa mga forum na nilakbay ko dati ay PC-experts, sulit.com.ph, auecess.org, mtc, at iba pa… Sa aking pagbubulakbol sa mundo ng forum, may mga babasahin na sadyang nakakahasa ng utak at meron din na nakakakiliti ng isipan. May mga panahon pa nga na masarap magbasa ng mga usapan ng mga miyembro nito, kung panu sila magreak sa isang topic ba-ga. Bilang isang ordinaryong mambabasa, minsan, hindi ko alam kung paano ako magrereak, kung matatawa ba ako o mababadtrip sa binabasa ko.
Isang magandang halimbawa: Kunwari naguusap sila tungkol sa anung putahe ang mas-masarap
Forum Topic: Ano mas masarap Adobong hippopotamus o Adobong bayawak? (isa lang itong halimbawa)
Samu’t-saring reaksyon:
Reaksyon 1: Una ako!Reaksyon 2: Pangalawa ako!Reaksyon 3: Pootek kayu, reaksyon 1 and 2, sumagot naman kayo dun sa tanongRekasyon 4: Ikaw din di sumagot sa tanong Reaksyon 3. Para sa akin mas masarap ang ang adobong hippo, lalo na kung may bagoong na sawsawan.Reaksyon 5: Ang panget kaya ng lasa nyang adobong hippo, mas oks pa din yung adobong bayawak.Reaksyon 6: Adobong hippo pa din ang mas masarap, Reaksyon 5, kung ayaw mo ng adobong hippo, wag ka nalang magreak… hindi naman kami nagrereak na ayaw naming ng adobong bayawak.
Medyo malabo yung kwento ko, pero parang ganito naglalaro yung usapan. Hindi mo malaman minsan kung san ka lulugar. Kung sa bawat naririnig mo ba at nababasa e kelangan may comments at critics palage?
Sa blogworld malabo ka makakakita ng comment na katulad ng mga sumusunod:
- ang panget ng entry mo ngayon
- walang kwenta yung sinulat mo
- hindi ko maintindihan, sayang lang ang oras na nilaan ko
- at iba pang negative comments
Ang gumugulo lang sa napakagulo kong isipan, bakit ba may nagcocomment ng ‘no comment’? At bakit nga ba wala kang makitang negative comment sa blog entry(kung meron man di pa ko nakakakita- sorry naman)? Hindi ko kasi mapagtanto, kasi sa dami dami ng blog na finafollow ko, hindi ko alam kung kelangan ko bang icomment na nabasa ko na yung blog nila… Yung tipong, ‘oi ikaw, natats mo buhay ko kahit papaano… ‘ para bang ganyan. O sadyang di nalang ako magcocomment mala secret admirer ba-ga.
Ang masasabi ko lang, mula ng nagbulakbol ako sa mga tahanan nio, tinamaan nio na ako.. natats ba-ga. :P Hindi man ako madalas magcomment sa mga blogs nio alam nio na yun! Malamang alamang, may nagpasaload lang sa akin. (Bulakbolero diksyonaryo: Pasaload- ito ay trabaho ng iba pero nagiging trabaho ni bulakbolero in the future. :P)
Awts. Poof!
22 comments:
ang panget ng entry mo ngayon, sayang lang ang oras na nilaan ko...
o ayan para naman makaexperience ka ng negative comment...hahaha
ako naunang magcomment.. FIRST! :))
nyahahaha... awts.. sakit nun muse!
no comment ahahhaha
Mag lagay ka na ng pictures ang tagal tagal naman...
Jepoy, izoom out mo nalang yung sobrang laking pic ko sa avatar. hehe
tsk pag maganda ang comment nagrereklamo, pag negative reklamo pa rin...ano ka na... :P
may bawian naman pare :))
pag wala na daw naghahanap ng close up pix tsaka siya magpopost...kaartehan.. :))
muse, sa first month ng blog ko.. (ma-arte lang)
magcountdown tayo!! hahaha
At dahil may exact date ka pa kung kelan magpopost ng pix, dapat lang na bonggang bongga ang pix na ipopost mo..kung hindi... LOL
juk lang yun, mahiyain kaya ako... kaya oks na yang avatar pics na yan. :P
wahaha mahiyain?? sang banda??
ai siya sige kung ayaw mo e di wag! (bitter :P)
WALA NA BANG IBANG MAPUPULUTAN NG ARAL DYAN?
this blog is a trash!
Oh ayan..i-laminate mo para bongga!
mwah!
takte lakas ng tawa ko sau mjomesa..
adik kayong dalawa! wapax!
ako, lagi ako nakakarinig and nakakabasa ng negative comments sa blog ko.
Ikaw ang adik..ay hndi... mareklamong blogger pala...;P
auz mktanggap ng ganun atleast alam kong tao pa ko ^_^ hindi perfect!!
Anong kaguluhan meron dito?! Pre mag kagay ka na ng picture mo para ma discover na ang alindog mo sa mundo ng sapot LOL
may iba bang umokray dyan?
naghahanap daw ang blog owner ng uokray sa kanyang blog, or is it?
wala nang plastikan.
Go...itodo nyo na.
@karen, ayus lang yan.. atleast may comment, may nagbabasa.
@madz, may tama ka madz.
@jepoy, pinagiisipan ko pa. darating din tayo sa mga panahong yan.
@mj, welcome sa critcism yung blog ko.
isa na namang basura? yaya, pakitapon nga sa compost pit!
ayan hahahaha
naku super miss ko na ang forum....bago ako tuluyang malula sa facebook, friendster at pabablog eh lumaki ako sa mga forums....hehehe....nakakatuwa, dami ko nakilala...highschool ako nung magsimula at until now eh kilala ko pa rin sila....haha wala lang.hehe...
sendo, ayus forum dba? dami natututunan... pero bihira na din ako dumalaw sa mga forums ngayon.
. . . naalala ko tuloy, sa dami ng negatibong komentong ibinato ng mga mambabasa sa tnl blog, napilitan silang mag-hiatus. lolz
Zhuratang, idol na kita.. panalo mga blogs mo... keep on rocking man \m/
Post a Comment