Tinamaan ata ako
Ang gusto ko pag weekend… yaon bang hawak mo yung oras mo. Yung, kahit tanghali ka na gumising, ayus pa din. Makipaginuman ka ng walang humpay, walang problema. At higit sa lahat walang mga pasaway na kliyente na nangungulit para tapusin ang iyong trabaho.
Umiikot ikot pa ang paningin ko nung nagising ako kahapon ng alas dos ng tanghali. Pootek. Lasing na naman ako… walang humpay na inuman marathon ang nangyari sa akin nung weekend (from Thursday night hanggang Sunday Morning –wapax!).
Ilang beses ko din sinabi sa sarili ko dati na hindi na ko iinom nung nalasing ako. Pero asan ako ngayon? Dakilang tomador na. Ano nga ba ang naidudulot sa atin ng alak? Gastos lang to. Nakakahilo. Minsan humihina pa ang ating mga lamang loob dahil sa sobrang paginom. Hala, sige inom pa din.
Sino dito magsasabi na masarap ang lasa ng alak? Pakitaas ang kamay. Pootek para sa akin, kahit flavored ewan pa yan. Sa aking panglasa, mapakla pa din yan, nakakalasing, nakakahilo, at nakakalaki ng tyan. Nawawala na tuloy ang pagkamacho ko. Pootek!
Hindi yang mga nasa taas ang dahilan kung bakit tayo nagpapakalasing.
Oo nga at.. Nakakahilo ang alak – subalit nakakapagpabulay bulay sya ng idelohiya at natuturuan ka nya ilahad ang iyong mga saloobin. Nagiging wais ba-ga.
Oo nga at.. nakakasuka ang alak – subalit tumutulong din syang ibulaslas ang iyong mga hinaing at sama ng loob na nakakapagpagaan ng pakiramdam pagkatapos. (loser lang… lol)
Oo nga at nakakalasing ang alak – subalit sa bawat patak ng alak na iyong nilalagok, pansamantalang nalilimutan mo din ang iyong mga problema. Saglit lang, pero solb na din.
Oo nga at maari kang matumba dahil sa alak -- subalit sa bawat pagtumba mo dahil sa alak, dumadami ang iyong kaibigan na gagabay sa pagtahak sa tamang daan ng buhay. (minsan nga lang wrong way.. wapax!)
Haha.. tama na to! Eto ang nadudulot ng sobrang alak, nagiging makatang EMO. Wahaha.. :P Pero ganyan talaga ang pananaw ko, ang alak, di man masarap sa panlasa, masarap naman ang naidudulot na kaligayahan. Anyenye.
Salamat nga pala sa mga nagpainom nung weekend – at belated happy bday senio Pareng Nard at Gea. Sa susunod na pagtagay ulet. Kampay!
6 comments:
dakilang tomador nga talaga.. haha
karen, uu.. adik lang sa alak. :P
at dahil din jan, nakilala mo ang long lost na kakambal mo ;) kampay pa!
nyahaha.. kampay kambal! bat ganun, di kita mafollow?! di ko makita yung follow button sa blog mo.. paturo naman.
ay hindi ko alam. haha :D sige hanapin ko din. pag ayaw tlaga, edit mo ung blog mo, may option dun to follow at piliin sino gusto ifollow :P
ayown, nafollow na kita.. :P
Post a Comment