umuwi ako sa lupang sinilangan nung isang linggo. isa na yata ito sa pinakamasayang bakasyon ko sa pinas. maiksi pero masaya padin. bakit? kase payapa ang bakasyon ko ngayon. hindi ako masyadong lumuwas sa manila. sa probinsya lang ako madalas para iwas pagod sa byahe at dagdag sa pahinga ko.

pagkalapag na pagkalapag ng paa ko sa amin ay inuman agad ang aking hinarap. lufet ng mga insan ko, walang patawad. yown tuloy, nablackout ako. hindi ko na alam paano ako nakauwe ng bahay kinabukasan.

hindi pa dyan natatapos ang lahat. pangalawang araw ko sa pinas, at pagkagising ko mula sa pagkablack out. ginising ako ng mga pinsan ko dala ang 2ng case na grande. ako na ang manginginom. ang kasiyahan nga lang pag umuuwe ako ng probinsya ay hindi ako ang taya sa inom. pinapainom nila ko ng todo todo hanggang sa malango ako. ganyan nila ko ka-miss. at pagkatapos ng mahaba-habang inuman. ano pa ba ang ineexpect ko? edi siempre wala na naman ako sa ulirat. buti nalang sa bahay lang namin ang venue. kaya ayus lang magpakalasheng lasheng. napaisip tuloy ako ng buong bakasyon ko ba sa pinas ay kelangan ko mablack out tuwing gabe? hanlufet lang. kamusta naman si atay ko?
pangatlong araw. pinangako ko sa sarili ko na pass na muna ko. ayaw ko muna masayaran ng alak ang aking lalamunan. Kaso mo. binisita a
ko ng mga tropa ko sa probinsya at may bisitang pandangal pa kame ng gabing yon. kaya nakakahiya ng tumanggi sa inuman. hayst. napurnada na ang pahinga ni atay.sakto naguwi ako ng vodka kaya ayun ang aming nilagok. naubos ang uwi ko at bitin pa din, kaya tinungga na din namin ang whisky na nakastock sa bar ni erpat. habang nagiinuman nga pala kami ay naglalaro din kami ng kinect. walang makatalo sa bisitang pandangal namin. chinallenge namin sya sa halos lahat ng pede sayawin sa dance central pero wala taob kame. sya na!
Lunes. ang aking pang-apat na araw na pamamalagi sa pinas. napaninga si atay. dumalaw lang kase kami sa pinsan ko na may sakit. kumain sa labas at namalengke.
Martes. Soloista ako sa bahay. iniwanan ako ni ermat ng recipe na lutuin ko daw para sa hapunan namin at tanghalian ko na din nung araw na yon. nagpakafeeling cook ako ng mga panahong yaon. lol. wala akong ginawa sa bahay kundi mag tweet gamit ang celfon. manood ng local channels lalo na channel 7 na namiss ko dahil wala sa bahay sa singapore.
Mierkules at Huwebes. pinilit ko ng lumuwas ng manila. na
kipagkita sa mga taong pinagkakautangan ko. Nakakahiya mang sabihin, tumaggap din ako ng pasalubong kahit ako ang nasa ibang bansa. LOL. nagbanchetto sila at ako ay nagchowking. hindi ko naman kase alam na kainan pala yung banchetto. sorry naman ignorante lang. pagkatapos nung kainan, dumeretso kami sa madison square sa pioneer para mag inuman. dito nakatikim ako ng alak na may choco syrup. LOL. weird lang.may isa pa ko dapat session after ng inuman na to. at dahil napasarap ang pagsama ko sa unang session ay na-indian ko na ang pangalawang set ng inuman. sorry naman. next na uwe ko nalang ulet.
Biernes. Syet ang inet amoy singet. so what to do? edi m
iming time na. yahoong yahoo.. simpleng pool lang ang pinaliguan namin. walang waves at anu pa man. pinili lang namin yung malapit sa bahay para hindi hassle at para masulit ang languyan. mababadbad lang ang katawan sa tubig kumbaga. Empi lights naman ang ininum namin ng mga panahong eto.
Sabado. sa bahay lang ako. nanood ng bday party ni Vic Sotto. LOL! natulog ng natulog. kumain ng pagkarami rami at nag tweet gamit ang celfon? nagbuhay palamunin ako ng mga panahon na yon. lol. may bisita din daw na pupunta dapat at magdadala ng tekila. e ampootah mo, sobrang labo kausap. ayon. buti na din at panibagong pahinga sa atay ang naganap.
Linggo. Fiesta ng Krus sa baranggay namin at hermano ang aking pinsan. Umaga e iniintay ko sana kung susundo ba ko sa terminal o hindi. malabo pa din ang kausap, kaya dumerecho na ko sa fiestahan. kumain ng marami at uminom ng walang humpay. kamusta naman ang aking mga kainuman. mga batikan. mga lolo ko na ata. lolz.



walang anu-ano may malabong kausap na dumating. may dumating na bisita. sakto, makakatakas na din ako sa matataas na tagay sa lamesang aking kinauupuan. Alam kong inuman ulet ang kahihinatnan ng aking pagtakas pero pasalamat na din at hindi na ganun kabatikan ang aking haharapin.


nagprusisyon muna bago ang sabak sa inuman. nagreklamo tuloy ang bisita. sumakit daw katawan nya kalalakad. uncle already mah. lol.
Lunes. pahinga na at pabalik na ulet sa sg…
dami kong namiss sa pilipinas.
namiss ko ang pagkain sa jabee.
namiss ko ang panonood ng mga palabas sa syete tulad ng eatbulaga, dragon ballz at ghost fighter.
namiss ko ang simpleng buhay.
at madameng madame pa.
ngayon pakikipagsapalaran ulet sa buhay dito sa SG ang kinakaegsayt ko lang sa pagbalik ko dito, yaong makikita ko ang mga tropa ko ulet na nandito. yon lang at wala ng iba.