152 com

sasama ka bang magbulakbol sa bolero?

kahit mukha akong pulube at tunay na pulube naman ay magpapakontes pa din ako. kainaman yan, walang kokontra.



ang pakontes.


1. isa itong photo contest. kailangan ay ito ay patungkol o sumasalamin sa travel, lakwatsa, bulakbol, adventure o anu pa mang may relasyon sa mga temang nabanggit. (dahil eto ang tema ng blog ko, hindi man halata)

2. kailangang gawan ng caption ang lahok na larawan. ang caption ay dapat mayroon lamang 140 characters kasama ang mga punctuations at spaces. kumbaga ito ay parang bilang ng kasyang karakter sa ordinaryong twit.

3. hindi required na maging propesyonal ang pagkakakuha. kahit fon capture lang ay ubra na. basta siguraduhin eto ay sumasalamin sa temang nabanggit sa bilang 1.

 

4. ang editing (kung maari ay minor editing lang sana) ay pinahihintulutan subalit ang pinagtagpi-tagping larawan ay hindi maaring maging lahok.

5. maari mong samahan ng blog post ang iyong pyesa pero hindi ito required at walang timbang sa paghuhusga ng mga hurado.

6. ang pakontes ay tatakbo sa buwan ng Oktubre. Kailangan maipasok ang lahok mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 28 para maging valid.

7. Oktubre 29-November 9 ang paghuhusga ng mga hurado.



paano makakasali?


1. dapat ikaw ay blogger. kahit saang platform ka man nagbloblog, live journal, blogspot, wordpress, tumblr, multiply o anu pa man ay inaanyayahang sumali.

2. dapat sumunod sa mga panuntunan ng pakontes sa taas.

3. ang entry ay ipopost mismo sa inyong blogsite. ilink mo din ang pakontes na to sa mismong entry mo.

4. kailangan na ilink ang inyong entry sa comment section ng post na ito. kailangan nilalaman ng comment ang mga sumusunod:
a. name:
b. blogsite:
c. bloglink ng entry:


5. kailangan may jpeg copy ka din ng mismong isasaling larawan para gamitin ng mga judges sa panghuhusga. ang jpeg copy ay kailangan isend sa email ko: bulakbolero.sg@gmail.com

6. isang entry lang ang valid na entry sa isang blogger kahit mayroon syang multiple blogs.


kriteria sa paghuhusga ng lahok

1. teknikal na aspeto ng larawan (20%)
Nasa tamang focus ba ang larawan. Malinaw ba ito? tama ang kulay? timpla ng contrast? etc.

2. nilalaman o pokus ng larawan (30%)
Ang lahok ba ay sumasakop sa nasabing tema?
Pagiging malikhain sa lahok (creativity daw tawag dun).

3. komposisyon (20%)
Kung may storya ba ang napiling lahok
Saan nakafocus ang subject.
may impact ba yung larawan pag tiningnan ng hurado?

4. kabuuang impresyon (30%)
Tulad ng ibang larawan, ang panlasa ng hurado ay iba-iba. Hindi ito nakabase sa kung propesyonal ba ang pagkakakuha o anu pa man. Eto ay nakabase kung nagustuhan ba ng hurado ang iyong napiling lahok.



Ang mga hurado

image
ang iba pang detalye tungkol sa kanila ay mababasa DITO. 



Ang mga papremyo

ang mga papremyo ay may kinalaman sa mga bagay tungkol sa pagbubulakbol.


kaya…

kung ikaw yung pangatlong pinakamagaling, ETO ang makukuha mo.


kung pumapangalawa ka naman sa magagaling ayon sa akin mga tropang hurado. ETO naman ang mapapa sa’yo.


pero kung ikaw na talaga. kainaman yan at syang tunay. sana ay magustuhan mo ga ETO.



pagdamutan nyo na po ang nakayanan ni bulakbolero, wala po akong sponsors ba. baka next year. pwede na DSLR. LOL. juk onli wala sana maniwala. haha




=========================

sali na at salamat.
18 com

mga mapanghusga…

 

kilalanin sila.

 

 

photosi alex ng http://grilledbeef.blogspot.com/ . magaling na kritiko ng mga akda. mahusay magsulat at isa na sa maituturing na haligi ng blogging sa pinas. tunay na artist na maituturing, ang kanyang emo-man drawing na nilalapatan nya ng storya ay tunay na nakaka-enganyong basahin.

 

nikon d40 user.

 

 

 

IMG_1050

si jaki ng http://jei-ku.livejournal.com/ . magaling sa larangan ng matematika. mahusay na editor ng mga akda. nahihilig sya ngayon sa pagsasabuhay ng mga action figures sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan sa mga ito at pag paglalagay ng mga captions. mapagmatyag sa paligid.

 

iphone4 user.

 

 

 

 

254449_1798567044211_1240816257_31650810_4400380_nsi jojo ng http://camerapr0n.blogspot.com/ . isang dakilang researcher. madaming alam sa mga bagay-bagay. mahilig din sya kumuha ng mga larawan digital man o hindi ang gamit na camera. ngayon ay pumapart time bilang taga gawa ng slogan at billboard ng ilang establisyemento.

 

Holga 120 camera user.

 

 

 

 

 

madzsi mads ng http://itsmadzday2day.blogspot.com/ . mahusay sa pag habi ng mga maiikling kwento lalo na kung ito ay tungkol sa pag-ibig. magaling sa larangan ng proof-reading. isa sa sikat na blogista sa pinas at sya ang may pakulo ng pasabook na ngayon ay nasa pang pitong bahagi na.

 

android phone user

 

 

 

imagesi vin ng http://vinquilop.tumblr.com/ . import manghuhusga galing sa tumblr. sa edad na 17, isa sya sa mahuhusay na graphic artist sa kanyang henerasyon. ang mga gawa nya na obra lalo na yung mga larawan ng mga artista ay sadyang nakaka-elibs.

 

canon 500D user

 

 

 

 

abangan ang kanilang panghuhusga… malapit na!

22 com

anti-planking bill ba ikamo?

 

 

IMG_1434

at nagplanking daw si bulakbol… nyak di bagay pala. haha.

 

 

bagamat sa salitang english ang pagkakasulat ng anti-planking act of 2011, naintindihan ko naman eto (sana).

at naisip ko na kung papatulan ko ‘to wala din namang maidudulot sa buhay ko dahil…

 

1. hindi ako sakop ng batas kase ‘di na ko estudyante.

2. ‘di ako nagplaplanking

 

 

pero dahil mapagpatol ako at naflood ang twitter ko dahil sa bill na ‘to, gagawan ko na ‘to ng post.

 

 

hindi ko gusto yung bill na ‘to hindi lang dahil sa kung anu ano pa mang sinasabi ng iba.

 

…na sa halip daw na ipasa yung mas kapakipakinabang na bill na tungkol sa kalusugan, kabuhayan o mas importante pa dito ay eto ang pinapansin.

 

 

 

ang ayoko dito sa bill na ‘to ay bakit sa planking lang sya nagfocus?

 

 

lalo na at hinighlight pa yung estudyante sa bill. ibig bang sabihin na’to yung pagrarally ng ibang estudyante ay ayus lang?

 

paano yung mga may dalang mga pambato?

 

paano yung mga rallyista na nagkakalat sa kalsada ng mga papel at pagkatapos neto ay di naman nila lilinisin?

 

paano yung mga rallyista na nakaka-apekto ng daloy ng trapiko?

 

at paano kung mga estudyante na sa halip na pumasok sa klase ay nagrarally?

 

 

 

bakit nga ba sa planking lang ito nakafocus?

 

 

dahil ba ito ang uso ngayon? ito yung in? ito yung papatok na pag sinabatas ay mapag-uusapan?

 

 

paano kung may pilosopo na kabataan na dahil sinabing bawal magplanking ay humiga nalang sa kalsada habang nagwewelga (reverse planking)? o patagilid kaya? Pede ba to? walang nakasaad dun sa nabasa ko tungkol dito kase. sakop kaya to?

 

Hindi simpleng term paper lang sa eskwela ang pag-gawa ng batas na pag may kulang ay madaling gawan ng revisions.

 

 

 

 

tama ata yung sabi ng ilan na MEMA lang?

12 com

paulit-ulit

 

 

ang tao daw pag may gusto makuha, paulit ulit nya itong pinagdarasal hanggang matupad.

 

pag may gusto syang matandaan, paulit ulit nya itong binabasa hanggang makabisado.

 

pag may gustong syang matutunan, paulit ulit nya itong inaaral hanggang mapamilyar.

 

pag may gustong matapos, paulit ulit na ginagawa hanggang mabuo.

 

 

 

ganun daw talaga. kelangan consistent at persistent (tama ba mga english ko? LOL!).

 

 

 

pero bakit pag nakuha na natin, bigla nalang tayong titigil?

 

 

 

dahil dun, ang mga pangarap na natupad ay possibleng di maganda ang kalabasan.

 

ang mga bagay na gustong matandaan at matutunan, possibleng makalimutan.

 

at ang mga natapos at nasakatuparan ay bigla nalang mawawalang saysay.

 

 

 

sa bandang huli. mainam pa din ang paulit-ulit.

21 com

who wants choco? (teaser 3)

 

 

 

larawan galing kay pareng google.

 

The Choco Instax Mini 7S is a compact, ultra-hip, instant film camera. Rounded lines, retro styling, and simple operation make this point-and-click great for instant photos. Like larger Instax cameras, the Mini 7S produces near-instant, vivid, high-quality prints.

 

Features

  • Fun, credit card-sized prints
  • Motorized film advance
  • Exposure Compensation controls
  • Built-in flash
  • Manual exposure compensation

 

malapit na itong mapasa’yo….abangan.

11 com

fast forward

 

please… I need it now.

 

 

click image to fast forward

18 com

teaser 2

 

di ka interesado sa water bottle na umiilaw?

 

Twalyang laging tuyo kaya?

(imahe galing kay pareng google)

 

 

 

 

 

Sea to Summit Dry Lite Towel

  • Softest feel
  • 70% polyester, 30% nylon Microfiber with ultra-suede finish
  • Remarkably absorbent and fast drying
  • Compact size
  • Machine washable

read reviews from AMAZON.

 

 

mapapasa’yo ito. malapit na.

24 com

Tagay pa

Demonyo daw ang alak. Pag ang tao daw uminom ng alak at nalaseng may tendency daw na mawala ito sa katinuan at makagawa ng di tama.

Tropa1: hindi masarap uminom ng gatas pag umaga.
Tropa2: mali ka. Pag umaga hindi masarap ang gatas.

Tunay na usapan yung nasa taas. Storyahan nang barkada nung college. Usapang lasheng. Away lasheng. Halos isang oras nagtatalo yung dalawa kong tropa dahil sa iisang concepto lamang. Ngayon pag naalala nila 'to natatawa nalang sila.

Malakas ako uminom dati. Ilang beses sa isang linggo ako nakikipag-languan sa alak. Halos lahat ng storyahan at pangyayari na dulot ng alak, namulat ako.

Hindi pa nagtapos ang usapang gatas sa taas. Dahil di magkasundo kung masarap ba uminom ng alak pag umaga, naisipan ni tropa 1 na mag yosi muna. Pagbalik...

Tropa1: may naghahamon sa atin ng away sa labas. Tara sunggaban natin.

Dali daling kumuha ng patalim itong si tropa, nagpapasama sa amin para may resbak sya. Pinabibitawan ng ibang tropa ang kutsilyong tangan ni tropa1 pero matigas to at gusto pa din lumabas.

Ayaw nila samahan si tropa1 sa labas. Baka daw mapulis kami. Makasaksak. Mapaaway o anu pa man. Nagpupumilit si tropa1.

Walang alinlangan, sinamahan ko si tropa1. Nilakad namin ang buong kanto ng ibarra sa sampaloc. Habang naglalakad, nagkwekwento sya sa sakin ng kung anu-ano. Nagagalit sya sa nag aamok.

Napagod kami kalalakad pero katahimikan ng kanto lang ang nasaksihan namin. Walang tambay o anupaman.

Naisip ko, baka nananaginip lang ng gising si tropa. Dahil na din sa alak siguro. Bumalik nalang kami sa bahay.

Moral lesson? Wag uminom ng alak. Dehins din siguro. Para sakin, mas masaya makipag rambulan kesa makipag 1 on 1. Kung tunay man yung sinasabi ni tropa na may nag aamok sa kanya, mas gugustuhin kong makipag rambulan din kesa intayin ko syang duguan. Di ga?

Kung di natin sya payagan lumabas, baka magwala pa sa loob ng bahay yun dahil sa gusto nya magpumiglas.

Ang gusto makawala, hayaan lumaya.

Kung mapapaaway ako at masasaktan o mamamatay dahil sa pagback-up sa isang tropa, matutuwa pa ko kesa makita syang malungkot dahil walang suporta syang natanggap mula sa amin.

Dahil sa pangyayaring yon. Lalo kaming naging dikit ng tropa ko.


Para sa akin, Ang tropahan lalong tumatatag sa alak. Mabubuhay ka ng walang alak. Mabubuhay ka na walang inuman. Pero yung gaguhan na nagagawa sa impluwensya ng alak? Kakaibang eksperyens yun na sayang kung iyong mamiss.

Kaya kung tropa kita. Isang tagay naman dyan.




"Lightning McQueen: Wish me luck.
Mater: You go get 'em, buddy. "
-cars2


imahe mula kay pareng gugel.

 



Pinaskil sa aking iphone gamit ang bagong blogger apps ni pareng gugel habang naglalakbay papuntang opisina
16 com

Hindi ko PEBA entry ‘to

 

 

 

“Matagal-tagal ko na ding pinangako sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak... Kailanman! “big boy na ata ‘to”” Isang pagsubok ang pagiging OFW. Ilang beses na din ako nakabasa ng istorya ng mga OFW bloggers na tila sila yata yung makapagpapabali ng aking pangako nung kabataan ko.

(hango sa aking PEBA  entry)

 

 

 

magdadrama lang muna ako ng konte. potakteng malagket talaga. kasalanan ko bang makabasa ulet ng kwentong ofw sa taong kakilala ko pa ng personal?

 

Sumali ako sa PEBA hindi dahil sa gusto kong manalo at umakyat ng entablado. Hindi rin dahil gusto kong sumikat o anu pa man (sikat na kaya ako. LOL!). Sumali ako sa PEBA dahil gusto kong magsulat. Kahit may mga tao na di natutuwa sa istilo ng aking pagsusulat. patuloy pa din akong nag-susulat. naging parte na ‘to ng buhay ko.

 

Nabuhay ang bulakbolero sa sg dito mismo sa singapore. OFW din yung blog na’to katulad ng may-ari. ang pagkakaiba lang nga namin, sya ay naturalized born ofw ako naman ay nakipagsapalaran lang sa buhay dito.

 

May hangganan ang lahat. last year ganito din ang storyahan ko. matatapos na kontrata ko sa nobyembre. di ko alam kung marerenew ako o hindi. intay intay. nakakainip pero bilang ofw, wala naman akong magagawa. possibleng huling setyembre ko na dito. huling oktubre at huling nobyembre malamang. hindi rin ako makapagplano ng bakasyon sa pasko dahil lahat ay nakasalalay sa kontrata ko. kaya di ko nalang iniisip baka maging madrama lang ako at mabawasan pa ang aking kagwapuhan dito sa blogospero.

 

Panigurado uuwe din ako sa pinas, kung malapit na o matagal pa, yun ang di ko alam.

 

Sa pag-uwe ko, uuwe din si bulakbolerosasg. magiging bulakbolero kung saan man sya mapadpad.pero malamang sa alamang ay magiging bulakbolerosaph na. ready din naman syang harapin ang bawat hamon na pagdadaanan nya sa susunod na destinasyon. kung magpapatuloy pa yung blog nya bahala na si robin o si superman kaya?

 

basta ang alam ko eto ang nakakalungkot isipin, dahil sa singapore ako namulat sa pagbloblog. nakakilala ng mga tunay na tropa na iba man ng hilig at ugali pero nag swak.

 

yaen na. ganun talaga ang buhay. SUGAL.

 

 

========

 

at kahit sinabi ko sa taas na di ako sumali sa PEBA dahil sa premyo o anupaman, kelangna ko pa din ng suporta nio. feelingero kase ako. LOL. kailangan makasungkit kahit pinakamadaming boto lang. kung baga sa contest ay pinagbigyan lang dahil naawa.

 

 

Sino man ang di pa nakakabasa ng PEBA entry ko eto po yung LINK.

 

Kung gusto nio po akong suportahan, palike nalang po yung PEBAWARDS na group. tapos po yung mismong LINK ko po palike din.

 

At dun po sa online voting, kelangan ko po tulong nyo, #16 po ako DITO. pasuportahan na din po yung mga tropa kong bloggers na sumali din sa PEBA. sila po ay sila gasul, iyah at ser kuya mao.

 

maraming salamat po.

19 com

teaser 1

 

Untitled1

 

Nalgene 1L Glow in the Dark Water Bottle.

 

A 32oz Wide-Mouth bottle made from a BPA-free material that glows in the dark. Not light enough to read by, but enough to find it in the dark. Great for camping or just finding a drink on the nightstand in the middle of the night. Opaque material lets you see the waterline for filling. Large opening easily accommodates ice cubes, fits most water filters and purifiers, and makes hand washing a breeze. Great for storing liquid, powders, solids, soup, and stew. Attached loop-top never gets lost and screws on and off easily. Liquid measurements in ounces and milliliters lets you keep track of your hydration. Extremely durable and resistant to staining. Resistant to retaining odors. Dishwasher safe; remove the cap or make sure the cap does not touch the heating element. Withstands temperatures from -40F to 212F; ideal for extreme adventures. Measures: 8 x 3.5 in.; weighs: 6.4 oz.  (details above copied from HERE)

 

 

26 com

Same Shit, Different Day

IMG_1087

Para kanino ka bumabangon? Ika nga ng napanood kong patalastas.

Masarap gumising ng maaga, yung makikipag-unahan ka sa alarm clock mo. Yung habang iniintay mo ang pagtunog nito ay iniisip mo ang mangyayari sa araw na’yon at kung ano ang mga nakapagpangiti sa’yo nung gabing bago ka matulog. Daydreaming ata tawag don?

“To see you when I wake up is a gift I didn’t think could be real…” edi ako na ang kumakanta habang iniintay ko ang pagtunog ng alarm clock. Takte kaseng buhay ‘to. Malay ko ba na dadapuan din ako ng kilig sa katawan. Hindi ata bagay pero yaen na.

Nung isang araw lang kasi, nakuha ko na yung number ng ultimate crush ko. Pakapalan talaga ng mukha. Nakatabi ko sya sa bus sabay banat ng…

Jennie,  alam kong mahina ako sa matematika at lalung-lalo na sa mga numero. Pero kung iyong isusulat sa aking mga palad ang iyong celfon number. Itatapat ko ito dito sa aking dibdib (inakma ang palad sa puso na parang nagbabayang magiliw) para maisapuso ko at hindi makalimutan kailanman. Sabay pakita ng palad na may bolpen.

At doon na nga nagsimula ang lahat.

Masaya kausap si Jennie. Kung akala ko dati ay suplada sya, nagkamali ako. Dami nyang kwento. Lahat ng pangyayari sa buhay nya ay alam ko na. Sya din ang naghehele sa aking pagtulog. ‘Di kailan man ako magsasawa pakinggan ang kanyang pag-awit. Pagkalambing ng boses nya. Hindi ko na din kailangan ng alarm clock, automatic akong nagigising ng umaga para abangan ang tawag ni Jennie. Full volume din ang ginawa ko sa celfon ko para siguradong wala akong mamiss na text at tawag nya.

Eto ang buhay ko araw araw. Jennie is my life.

Reporting for duty Ms. Jenny. Nakahandsalute sabay nakaw ng halik sa pisngi ng dalaga. Maloko daw ako sabi nya. Pero yun naman daw talaga ang nagustuhan nya sa akin. Edi ako na ang kinikilig na naman. Potakteng malagket naman oh.

Hanggang isang araw.

 

Ring Ring Ring…

 

Binuklat ko ang laman ng outbox ko, ang dami ko na palang natext kay jenny ngayong araw.

Jennie… Miss you.

Jennie…tawag ka please.

Jennie…kita tayo sa tagpuan.

Jennie…ilang beses kita kitatawagan ring lang ng ring.

 

Ring Ring Ring…

 

Ilang minutong nakalipas...

 

The number you have dialed is not in service; please try your call later.

 

Itetext ko muna si Jennie, sasagot din yon pagnakulitan sakin.

 

Jennie…paramdam ka oh.

Jennie…please…

Jennie miss you… puntahan kita sa bahay nio.

 

The number you have dialed is not in service; please try your call later.

 

Sarado ang buong bahay nila Jennie. Walang tao. Asan na kaya sila? Kamusta kaya si Jennie, ilang araw na sya di nagpaparamdam ah. Mawawala lang ba ng ganun ganun ang kilig sa katawan ko? syete? Karma ba ‘to? Wag naman sana…

 

“You have only been gone ten days, but already I'm wasting away…”  Last na text ko na ‘to ngayong araw. Itry ko ulet. Jenny. Namimiss ka na ng mokong na’to wag mo naman ako pahirapan please. Txt back.

Sana hindi ito totoo. Na sana makakausap at makikita ko pang muli si Jennie.

 

“I know I'll see you again whether far or soon. But I need you to know that I care and I miss you...”

 

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata. Sa pag-aasam na sana'y panaginip nga ang lahat. Naghintay ako sa wala. Walang alarm clock na gumising sa akin. Walang mensahe at tawag akong natanggap mula sa kanya. Wala, maliban sa....

Halik ng babaeng naging dahilan kung bakit excited akong gumising at harapin ang panibagong araw. Si Jennie.



"Nanaginip ka yata. Gising na.” kanyang matatamis na ngiti ang bumungad sa pagmulat ng aking mga mata “Reporting for duty sir" sambit ni Jennie

 

“Reporting for duty maam” ang tangi kong nasabi sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

 

 

 

 

====

ito ay para suportahan si pareng L sa kanyang same shit, different day

 

Technorati Tags:

32 com

sa pinas

 

pag patak ng a-uno ng septyembre

 

 

IMG_1144

 

… malamig ang simoy ng hangin

… himig pasko’y laganap

… kumukutikutitap bumubusibusilak ang mga bumbilya

… kampana ng simbahan ay nangigising

… pasko paksiw

… pasko na sinta ko

 

 

 

 

nakakamiss laang.