Pang tatlong entry ko na to na may kaugnayan sa pagtanda ko. Este kaarawan ko. (sana wag kayo magsawa) Ngayong taon ang pinakakaibang pagdiriwang ng kaarawan ko. Hindi na bago na wala ako sa pinas ng beerday ko. Pero ang bago e parang sa halip na isipin ko ang selebrasyon e pagtanda ang naiisip ko. Ang weird.
Egsayted ako bago palang dumating ang kaarawan ko.
May mga mangilan ngilan na din na bumati sa akin. Hindi ko alam kung dahil di nila alam talaga ang bday ko at nag advance greeting na para manigurado o talagang how thoughtful how goldilocks lang sila.
Si eks munchkins nga, ginaya ang stayl ko. Nagcountdown din sya ng beerday ko. Araw araw mula pagpatak palang ng Oktubre ay binabati na ako. E ganun kaya gawain ko sa kanya dati. Wala talagang originality yon. Wahaha. Piz naman.
Masaya na sana, pero hindi ko alam bakit lagi kong naririnig sa background ang kantang tindahan ni aling nena…
Bumalik tayo sa kwentuhan.
Sa japan ako nagdiwang ng kaarawan ko. Naswerte ako na walang trabaho yung tropa ko na nasa japan. Nasamahan nya ko magliwaliw at mag celebrate ng bday ko. Lalo akong naging maswerte dahil nalibre ako ng bahay sa buong stay ko sa japan. Ambait tlaga ng mga tao. At ang may Kapal. (naks mukhang kikidlat maya maya).
Besperas ng kaarawan ko, sakto. Opening day ng Hooters Tokyo. Kinantahan ako ng mga hooters girl at siempre ako sinayawan ko naman sila ng kung anong sayaw ang makakaya ko. May bumili din sakin ng alak sa kabilang table, regalo nya daw sa akin. Kakataba ng puso. Isa pang bonus, di ko akalain na mapapanood ko ang sarili ko sa TVtokyo via youtube. Lufet. ako pa ang napili sa dinami dami ng tao dun… nyahaha.
Sa araw ng beerday ko. Nakakatuwa na nagisip talaga yung tropa ko kung san kakaiba at san okay na icelebrate ang beeday ko. Pumunta kami sa Alcatraz. Kulungan ang concept nya. Asteeg. Parang gusto ko magtayo sa pinas ng ganitong resto.
Hindi ganito ang normal na selebrasyon ng bday ko. Pero masaya. Konti ang kasalo pero madami ang pagkain. Wala sa bahay pero at home naman ang pakiramdam. Walang beerday cake pero may mga beerday greetings naman.
Nagtapos ang kaarawan ko para sa taon na ito. Pero pootek na background music yan. Tindahan ni aling nena pa din ang tumutugtog sa utak ko.
ASA PA KO AMPOOTAH! Umuwe ako ng Singapore na akala ko ay ipaghahanda ako ng mga tropa ko sa bahay. Wahaha. Nabigo ako. Walang handaan, walang bisita, walang kahit ano. ASAPAKO?
Nobyembre a-uno yun. Isang bwan na ang nakalipas matapos ang aking kaarawan (Oktubre bente sais). Inaya ako sa Clarke quay ng Tropa ko sa dati kong trabaho. Its party time…. Ayon, inuman, kainan, kwentuhan. Nang biglang…. May dalang cake ang isang hooters girl. Nasurprise ako ng bahagya. Natats naman ako. Talagang may mga tunay na kaibigan na nagpapahalaga sa’yo. Salamat sa inyo.
Yung mga tropa ko dito sa opisina. Amfufu… libre ko lang talaga ang iniintay. Ganun ba talaga ang beerdayan? Pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na susurpraysin nila ko. Nyahahahaha… ASA?!
Muli… salamat sa nagpasaya ng kaarawan ko.
Xerex, salamat sa pag pasyal mo sakin sa Japan japan at pagplaplano kung ano yung dapat gawin dyan. Salamat sa microfiber cloth, ineenjoy ko na to ngayon.
Nel at Retz, salamat sa pagpapatuloy nio sakin sa bahay nio sa japan japan. Sa regalong sake, tsokolate at chips. Subra subra ang naitulong nio sakin.
Mickey Mouse at Donald Duck, salamat at nag feeling bata na naman ako nung dalawin ko kayo sa Disneyland.
Mga Moe Moe Maid, salamat sa piktyur piktyur sa at pagturo sakin ng moe moe kyu… lol
Japanese (unknown), salamat sa regalo mong zima na alak.
Hooters Tokyo, salamat sa pagcover ng beerday ko. Aliw.
Gea, Mian, Maki, salamat sa pagplaplano ng surprise surprise.
Lahat ng bumati sakin sa ym, email, fb, text, salamat sa inyong lahat.
Sobrang enjoy... Ngunit ang tanging ninanais ko di nabibili ng pera….